Chapter 1

846 25 9
                                    

Kalagitnaan ng malakas na ulan, mga sasakyan hindi maka-usad dahil sa tindi ng baha sa kalye, mga bata panay ang katok sa bintana ng sasakyan para makahingi ng konting barya. Isang itim na kotse sakay sila Anne at Vhong parehas tahimik ang dalawa kahit isa wala gustong magsalita. 

Ihahatid ni Vhong si Anne sa Airport ngayon dahil pupunta ngayon si Anne sa Australia para dun na mag-aral ng College. Si Anne nakatingin lang sa may bintana pinapanood ang bawat patak ng ulan. Bigla naman may tumawag kay Vhong.

"Hello." mainahon na sagot ni Vhong sa kabilang linya.

"Asan ka brad?" tanong naman ni Vice. 

"Papunta ako airport ngayon. may ihahatid lang ako." sagot naman ni Vhong napatingin naman si Anne sa kanya at napabuntong hininga nalang ito ramdam kasi ni Anne yung lungkot ni Vhong.

"Akala ko ba galit ka sa kanya? Bakit mo pa hinatid?" 

"Girlfriend ko sya. Taska ito nalang huling makikita ko sya. Gusto ko man pigilan to umalis di rin naman ito papayag." malungkot na wika ni Vhong lalo naman nalungkot si Anne sa narinig nya.

Agad naman binaba ni Vhong yung tawag ni Vice at nilagay yung cellphone sa bulsa ng bag niya at tinuon nalang sa manebela at sa daan  yung paningin nya. Payapa nakarating yung dalawa sa airport, nagpark muna si Vhong. Inalis ni Vhong yung seatbelt niya tas ganun din yung Anne inalis niya rin. Bumaba si Vhong para pagbuksan si Anne. Bumaba si Anne, samantala si Vhong kinuha yung maleta  ni Anne. Pagbaba ng maleta ni Anne ni Vhong agad naman hinug ni Anne si Vhong at natuluyan na to naiiyak. 

"Promise ko sa'yo babe, babalikan kita."

"Vhong, promise mo sakin. ihihintayin mo ko ha. 5 years lang yun." dagdag pa ni Anne sabay halik sa mga labi ni Vhong, agad naman humiwalay sa halik si Vhong sa halik ni Anne at hinawakan yung magkabilang pisngi ni Anne at pinatong ang noo niya sa noo ni Anne.

"Pangako... ihihintayin kita...." bulong ni Vhong sabay yakap kay Anne ng mahigpit.

"Sige na, kailangan ko na pumasok sa loob." wika naman ni Anne sabay kalas sa yakap ni Vhong.


Papasok na sana si Anne sa loob ng airport ng bigla siya hilahin ni Vhong para halikan ulit at sabay yakap ng mahigpit. Kumalas na si Anne sa yakap ni Vhong at tuluyan na ito pumasok sa loob. Pagpasok ni Anne pinagmamasdan lang siya ni Vhong at nakangiti ito......












Paglipas ng sampung taon. 

Isang lalake nakamaong at nakapolo at may hawak na puting rosas para ibigay ito sa kanya asawa. May dala rin ito pizza para sa kanyang anak na si Justin. Unang nilapitan ni Vhong yung anak niya para iabot yung pasalubong niya pizza tuwang tuwa naman si Justin sa natanggap nya. Sunod naman inabot ni Vhong yung puting rosas para sa kanyang asawa na si ........... Karylle. 

"Hi Mahal. Happy 3rd Anniversary." malambing na wika ni Vhong sabay abot na puting rosas.

"Ikaw talaga nag-abala kapa. Sana tinipid mo nalang yung pera mo para sa pagastos natin dito sa bahay." panenermon ni Karylle kay Vhong.

"Mahal." sabay backhug kay Karylle. "Minsan lang tayo mag-anniversary eh. Pagbigyan mo na ko." wika ni Vhong.

Kumalas si Karylle sa yakap ni Vhong at humarap ito kay Vhong at pinatong yung mga kamay nito sa balikat ni Vhong. 

The Promise. || VhongAnneWhere stories live. Discover now