ACT ONE: Ang Matapang na si Ella, Takot Naman Sa Palaka! ✔

1.6K 21 3
                                    

Warrior Princess Cinderella
Written by abJC

Genre: Fantasy, Adventure, Magical Girls, Love and Romance
© All rights Reserved

DATE: SEPTEMBER 24, 2013
UPDATE REVISION: DECEMBER 28,2023
 
Author's Note:

Pagkatapos nang sampung taon. Narito na po ang pagbabalik ng Warrior Princess Cinderella.

So, para po sa mga nagbabasa ng "Warrior Princess Cinderella", para po sa inyong lahat po ito. Inspired po ang kuwentong ito sa mga magical shoujo na napanood ko since 90s tulad ng Wedding Peach, Card Captor Sakura, Tokyo Mew Mew at Sailor Moon. And hoping, magustuhan ninyo ang pakikipagsapalaran ni Ella bilang Prinsesang Mandirigma.  Again, maraming salamat po sa inyong pagbabasa.

Basta maraming elemento ang nakapaloob sa kuwentong ito. Hindi lang adventure, fantasy, magic, pati na rin ang love and romance. Please enjoy reading!

Please, vote, like and comment.

Act One: Ang Matapang Na Si Ella, Takot Naman Sa Palaka!

Her name is Eleonor Woods. Ella for short. Isa lang siyang ordinaryong batang babaeng nag-aaral sa Little Princess Academy. Nasa Grade 9 year level na siya. She is fiftteen years old.  Birthday niya ngayon. Masaya siyang kasama ang mga kaibigan sa paaralan.

"Happy birthday, Ella! " Masayang bati ng tatlong kaibigan niya. Katatapos lang ng kanilang mga klase. Nasa star section ang tatlo niyang kaibigan samantalang siya ay nasa lower section.

"Naalala ninyo? " Tuwang tuwa si Ella sa pagbati ng tatlo. Lalo na nang ilabas ni Esmeralda ang isang maliit na cake.

"Oo, naman! Di namin malilimutan ang kaarawan mo! " Sinimulang  sindihan ni  Red ang maliit na kandila sa ibabaw ng cake.

"Oo nga! Di namin malilimutan iyon." Ani Marina. "'Yun kaya ang unang beses naming nakilala ka!" Ani Marina.

"Iyon din ang araw na iniligtas mo kami sa pam-bu-bully ni Ariston. " Sabi pa ni Red na yumakap nang mahigpit kay Ella. "Kaya laking pasalamat namin na nakilala ka namin."

"Naku! Naku!  Wala sa akin 'yun? Kahit naman sino siguro ay gagawin ang ginawa ko. " Namumulang sabi ni Ella. "Ayoko lang talaga na may inaapi."

Hindi makakalimutan ni Ella ang tatlong kaibigan. Iniligtas lang naman niya ang tatlo sa pambu-bully ng kaklase nilang si Ariston. Nagtataka nga siya na sa liit ni Ariston ay isa ito sa kinatatakutan sa buong Little Princess Academy.

"O, ano na, Anthony? Kanina ka pa namin hinahanap ay andito ka lang pala, alam mo ba iyon?" Tanong ni Ariston sa lalaki na nasalubong nila ng barkada niya sa hallway. Mag-isa lang ito.

Inakbayan ni Ariston ang nahintakutan na lalaki. Sinama nila ito sa isang sulok ng gusali na malapit sa rest room ng mga babae at lalaki. Ibinalya ni Ariston ang lalaking nagngagalan na Anthony sa pader.

"Nasaan na? " Nangangalit na sabi ni Ariston. "Kanina pa namin 'yan hinihintay, alam mo ba 'yun? Kulang tuloy ang pambili namin ng meryenda. "

Takot na takot na naglabas ng perang papel si Anthony. Binibilang pa lang nito ay inagaw na agad ito ni Ariston. "Bibigay ka rin pala ay pinagod mo pa kami sa paghahanap sa iyo." Sabay suntok sa sikmura ng lalaki.

Eksaktong lumabas ang grupo ng magkakaibigan na sina Red, Esmeralda at Marina sa rest room ng mga girls. Nakita nila ang lahat nang ginawa ni Ariston kay Anthony.

Agad na lumapit si Esmeralda kay Anthony para tulungan na tumayo. Hinarap naman ni Red si Ariston. Nagmamakaawa ito na pinipigilan ang lalaki.

"Ariston, parang awa mo na. Nasa iyo na ang pera ay nagawa mo pa siyang saktan."

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA [REBOOT/UNDER RECONSTRUCTIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon