Mahal ko,
Natatandaan mo pa ba ng una tayong nagkita? Kung ako ang iyong tatanungin, oo tandang tanda ko pa ng una tayong nagkita. Malinaw pa sa aking isipan ang bawat detalye ng tagpong iyon at sa tuwing maalala ko, napapangiti na lang ako. Hindi ko akalain na sa tagpong yon, mababago ng sobra ang aking buhay.
Pero aamin ko, akala ko noon isa lang yong simpleng pagtatagpo. Ngunit parang mapaglaro yata ang tadhana dahil lagi tayong pinaglalapit, hangang sa maging magkaibigan tayo. Nakilala ko ang tunay na ikaw, masayahin, simple at walang kaarte arte sa katawan.
May isang pangyayari na nagsimulang nagpabago ng lahat. Nang makita kitang umiiyak, umiiyak dahil sa isang tao na mahal na mahal mo ngunit hindi ka mabigyang halaga. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng makita kitang umiiyak para sa kanya, hindi ko alam kung nasasaktan ako dahil nakikita kong umiiyak ang aking kaibigan o dahil may isang taong hindi alam ang iyong tunay na halaga. Ngunit isa lang ang nagawa ko ng mga panahon na yun, ang hayaan kang umiyak habang ipinapangako ko sa aking sarili na simula ng araw na yon gagawin ko ang lahat ng aking makakaya mapasaya ka lang.
Lubos na nagmamahal sayo, D.
BINABASA MO ANG
Liham ng Isang Nagmamahal
RomanceMahal kita. Mahal na mahal. Mga salitang gusto kong sabihin sayo. Ngunit wala akong lakas ng loob, natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Kaya idadaan ko na lang sa mga liham, at umaasa na sana isang araw mabasa mo.