Caleb & Jenelle

74 5 7
                                    

Yes, we fight, we argue but by the end of the night we're alright.


**************
Naranasan nyo na bang magmahal ng playboy?

Naranasan nyo na din ba yung ikaw lang yung nagmamahal? one sided love kumbaga.

Naranasan nyo na din bang umiyak gabi gabi ng dahil sa taong mahal nyo?

Naransan nyo na bang makita yung mahal nyo na kasama ang mahal niyang iba ?

Kung "oo" ramdam ko kung gaano kasakit yun dahil lahat ng iyan ay nangyari sakin. Nainlove ako sa taong hindi ko naman dapat mahalin pero ano bang laban ko sa puso ko?
Puso ang nakakaramdam, kung kontrolado ko lang yung puso ko, kung kaya ko lang huwag siyang mahalin SANA Matagal ko ng ginawa! Ewan ko ba napaka martyr kasi ng puso ko.

Ba't ba kase tayo nahuhulog sa mga taong alam naman nating hindi mapapa-saatin?

Naranasan nyo ba yung feeling na gusto niyo ng sumuko, wala na talagang pag-asa, Yung tanging desisyon na lang ay yung sumuko,tumigil para matapos na yung nararamdaman mong sakit ...... Pero hindi mo magawa kasi nahulog ka na talaga sa taong yun, hindi lang basta nahulog higit pa dun kaya No choice kundi maghold on kahit napakasakit na. Yung ikaw lang yung lumalaban kase wala siyang pakielam sayo at sa nararamdaman mo.

Sa araw araw na nakikita ko siya na may kasama at kalandiang babae parang sampung beses sinasaksak yung puso ko, wala akong magawa kundi tumayo na lamang at pagmasdan sya at yung kasama nyang babae. Di ko nga alam kung meron pa ba akong luha eh, sa halos araw araw ba naman akong umiyak nang dahil sa lalaking wala namang pake sa isang katulad ko. 

Kakauwi ko pa lang galing sa school nang nakita ko si Caleb.Shocks ang gwapo! tatawagin ko na dapat siya nang dumating yung kasama niyang babae na mukhang may hinihintay.

"Nakatingin ka nanaman sa kaniya." sabi ni Tiffany ng hindi lumilingon sa akin habang umiinom ng frappe at mukhang nagbabasa ng message sa phone nya.

"Tss.Pake mo? Palibhasa may lovelife ka kaya ganyan ka eh."sabi ko sabay pout.

"Ano naman kung may lovelife na'ko? Tsaka tigilan mo nga ako, wala akong boyfriend, fling lang.Ang pinupunto ko lang ay tigilan mo na ang paghabol sa kaniya.Tanga ka na nga, magmumukha ka pa lalong tanga." Aray ko naman.Sakit nun ah.

"Pamura nga Tiffs, isa lang." 

"Oh anong balak mo sa buhay mo? May bago nanaman ang loko,di ka na ba susuko sa kaniya?Hay nako Audrey!"

"Talagang di ako susuko. Alam mo, kesa sa pagalitan mo'ko, tulungan mo nalang ako. May plano ako para sa nalalapit niyang birthday." sabi ko at ngumiti ng matamis.Naiisip ko palang,excited na ako!yays!

"Hay, ewan ko sa'yo Jenelle.Tara na nga."

Sinabi ko sa kaniya ang mga plano ko para sa nalalapit na birthday ni Caleb.Nagset na din ako ng venue at ready na ang mga bagay na gagamitin ko.

"Sigurado ka na ba talaga diyan, Jenelle?"

"Oo naman! at malay mo kapag nagawa natin ito ng maayos, maturn-on siya sakin at baka magustuhan pa niya ako." kilig na kilig kong sabi.

--

Ngayon ang kaarawan ni Caleb, at kasalukuyan ko ng inaayos ang lahat.Ayaw ko na may pumalpak.At ayokong mapahiya sa kaniya.

"Jenelle! Ano ready ka na ba? Papasok na siya dito! Bilisan mo!"sabi ni Tiffany at mukhang natataranta na din.

"Oo sandali na lang." inayos ko kaagad ang aking damit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Playboy (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon