Part 1 (PROLOGUE)

7 1 0
                                    

Hi I'm Jeannine Maey Sandoval.. 18 years of age. Representing Philippines!

Hindi ko naman pangarap maging beauty queen. Wala lang feel ko lang talagang sabihin 'yang line na yan every time na nasa harap ako ng salamin.

Pilit nga akong pinapasali sa mga beauty pageant na yan nina Tita Mommy kasi sayang naman daw 'yong potential ko. Pero ayoko talaga.

So before I start this oh-so-ewan story of mine. (Honestly I don't have any idea kung matatawa ba kayo, maiiyak, maiinlove or makokornihan.)

Sooooo. Let me start it by describing mah' self.

GORGEOUS- well hindi sa pagmamayabang. Pero maganda talaga ako. Kahit magpa survey ka pa sa lugar namin or sa school.

SMART, hindi naman kasi sapat yong maganda lang. Dapat may utak rin.. utak na may laman.

CRAZY- not that takas sa mental ha? HINDI GANO'N! Masaya lang talaga ako araw-araw. Maraming kalokohang alam. Puro kabaliwan. Pero nasa tamang kaiisipan pa rin naman.

NAGGER- Oo mareklamo akong Tao. Non stop 'yong bibig ko sa pagrereklamo. Basta sasabihin at sasabihin ko ang gusto kong sabihin at walang makakapigil. Pero hindi ako pabebe!

MALDITA-ewan ko ba? Hindi naman masama ugali ko pero yan ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Maldita raw kasi ako. Tss hindi naman. Oo minsan.

SELOSA- this started when I met..no not just met but when I madly fell in love with that Guy.

All in all!

Normal naman akong Tao.

But I have one Biggest problem. Nah just a small one lang pala..

Wait! I mean BIG.. UGH! Basta may problema ako!

That always makes me wonder if I am a real human or maybe I'm just an Alien. or baka naman Half Human half Alien. Eh kasi naman!

.
.
.
.
.

Hindi ako marunong magmahal..

Nakakapagtaka ba? Eh sa hindi talaga e! Sobrang dami ko nang naging boyfriends but still! Never kong naramdamang minahal ko sila.

Paano ba malalamang nagmamahal ka?

Iyon ba 'yong kapag kinilig ka sa mga simpleng kilos lang niya? 'Yong tipong maiihi kana sa kilig dahil sa mga roses niyang binigay? Chocolates? Teddy bears? o kung ano pa mang materyal na bagay. Love na ba 'yon?

'Yong hindi ka makakatulog hangga't hindi siya nagsasabi ng good night at I love you sayo?

Or yong maiinis ka sa kanya kapag may kasama siyang ibang babae. Magseselos tapos iiyak.

O 'yong pinaka trending sa lahat.

KAPAG NASAKTAN KA, O NAGPAKATANGA KA. IBIG SABIHIN NAGMAMAHAL KANA.

Ano ba? Kasi hindi ko talaga alam e. Alien nga ata ako. Kasi hindi ako marunong magmahal. May puso naman ako. And the last time I checked eh tumitibok naman. Pero ang hindi ko talaga maintindihan e kung bakit hindi ko magawang makaramdam ng pagmamahal.

Siguro kasi, lumaki akong walang nag-aaruga at nagmamahal na magulang.

Car Accident. Basta 'yon ang kwento nila tita mommy. Sana kasi kahit wala pa akong isang taon sinama na nila ako sa lakad nila edi sana magkakasama kami ngayon kung nasaan man sila ngayon.

Okay crap this thing! Ayoko nang magdrama. I hate it.

Back to our previous topic! So 'yon nga! Hindi ko magawang mahalin sila.

Mahalin ang mga lalaki. Alam mo yon yung Romantic Love.  Pero sinasabi ko sainyo HINDI AKO TOMBOY ha.

Basta yon! Tama na nga! Nagkakabuhol buhol na 'yong mga nerves sa utak ko dahil lang sa isang walang kwentang tanong na yan..

Pero can someone teach me how to Dougie? JOKE! I mean.. can someone teach me..

HOW TO LOVE?

Promise sa makakapagturo talaga sa'kin.. Mamahalin ko ng sobra sobra. As in to the highest degree!

I will love him to infinity and beyond, to the moon and back. I'll make it a lifetime.

***

Copyright © 2016 by SimplySiasia =)
All Rights Reserved.

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon