Part 2

6 1 0
                                    

Sinarado ko na ang librong binabasa ko. Napatingin ako sa orasan. 4:29 Pm na pala.

"Jea? Kanina ka pa hinahanap ni Marco nandito ka lang naman pala sa library." Kulbit sakin ni Shiela. "Nag aano ka dito?"

"Wala. Nagbabasa kasi ako ng novel kanina kaso tinamad nako. Nasaan si Marco?"

"Nasa may gate! Galit na yata.. alam mo namang hindi siya makakapasok dito ah. Kanina ka pa daw niya tinatawagan kaso patay daw cellphone mo."

"Shiela.. makipag break na kaya ako?"

"Ano?!"

Okay. Tatayo na ako dahil alam kong papalayasin na kami.. in 1..2..3..

"Kayong dalawa.. labas!"

Hinila ko na lang si Shiela palabas ng library. Napaka ingay kasi.

"Seryoso kaba?" Tanong niya sakin pagkalabas namin.

"YEAH"

"Gosh! Sayang 'yong pitong buwan nyong pinagsamahan."

"Hindi ko talaga siya mahal e. Pero I swear! I tried. "

"And for the ninth time! Narinig ko na naman yan..Jeannine naman."

"Magsesermon ka na naman dyan e. Ano ngang magagawa ko? Sinubukan ko naman siyang mahalin ah."

Napailing na lang si Shiela. Dahil alam naman niyang kahit anong mangyari hindi siya mananalo sakin.

"Puntahan ko lang siya sa labas. Intayin mo ko dito.. sabay na tayong umuwi."

Naiwan siyang nakaupo sa may bench. Nakakunot na naman ang noo. Malamang galit na naman sakin yan. Yan ang dakila kong best friend na nakakatiyaga sa ugali ko.

Hindi pa ako nakakalabas ng gate pero tanaw ko na ang uniform niya. Litaw na litaw dahil kaiba ito ng uniform namin. Taga kabilang Academy kasi siya.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya. Pero nakatingin lang siya sakin. Mukhang sasapakin na ata ako sa Galit. Nag aano ba kasi siya dito?

"Kanina pa kita iniintay dito."

"Sorry okay? Don't worry it would be the last.." lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"I'm sorry but I don't love you. And.. ayoko nang saktan ka. Marco break na tayo.. salamat sa lahat. Sorry talaga"

Hindi ko na inintay ang kasunod niyang sasabihin. Dahil ayoko ng pahabain pa. Pumasok na ako ng gate at pinuntahan si Shiela.

"So yun, tapos na" sabi ko pagkatapos kung makaupo sa tabi niya..

"And you think masaya ka? Masaya ka dyan sa ginawa mo? Jeannine naman."

"Ni hindi nga man lang niya ako pinigilan e.. or hinabol. So ibig sabihin ginusto niya rin yon."

"Ewan ko sayo.. ang hilig hilig mong pumasok sa isang relasyon tapos mga ilang Linggo lang bibitawan mo na."

"Hindi ko nga kasi maramdaman"

"Ang alin?"

"Yong love..From all the boys I dated.. wala manlang akong nagustuhan. Ano magpapaliwanag na naman ba ako? Paulit ulit na lang ba? Alam mo naman yong reason diba?"

"Ewan ko sayo! Bahala ka na dyan."

"So iiwan mo nako?"

"Tara na! Uuwi.. alangan namang dito tayo matulog"

Haha. Oo nga naman. Akala ko iiwan na niya ako e.

Bakit ba kasi ganoon? Hindi ko talaga magawang magmahal e. Hindi ko masuklian yong pagmamahal na binibigay nila sakin. Ang daming beses kong sinubukan pero hanggang ngayon wala pa rin.

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon