Part 3

2 1 0
                                    


Hindi ko alam kung anong eksena nitong lalaking 'to. Pero dahil sobrang kulit niya eh pinagbigyan ko na rin.

Umupo kami sa may gater. Habang nakatingin sa mga bituin.

"Hoy? Inoorasan kita ha? Sabi mo kanina 5 minutes lang.. para sabihin ko sayo 3 minutes na Ang nakakalipas. Bakit ba hindi ka na umiimik dyan?"

"Pwede mag extend?"

"Anong tingin mo sakin computer shop.. na pwede kang mag extend ng oras?"

"Hindi naman. Iniisip ko pa kasi kung Paano ko sasabihin sayo eh"

Ang alin ba? Itong lalaking ito, pabitin pa.

"Ano kasi.."

"Ano? Pabitin ka pa e! Tamo Isa pa.. ibibitin na kita nang patiwarik dyan"

"Gusto kasi kita" medyo nabingi ako sa sinabi niya.

Ano daw sabi??

"Ha? Anong sabi mo?"

"Gusto kita. Ewan ko pero simula kaninang umaga hindi kana maalis sa isip ko. Jeannine gusto kita"

...

A moment of silence~

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Grabe 'yong panga ko sumakit sa pagtawa. Hindi ko kinaya 'yong joke niya.

"Seryoso ako" napakapit naman ako sa tiyan ko at nagpigil sa pagtawa.

"Alam mo? Sa lahat ata ng lalaking nakausap ko.. ikaw pa lang 'yong nakapagpatawa sakin ng ganito. Grabe ka! Hahaha"

Grabe mag joke.. napaka seryoso pa ng mukha.

"Seryoso nga kasi ako" Hahaha Oo na! Tama na. Ang sakit na ng tyan ko e.

"Tama na. Tama na! Tapos na ang 5 minutes.. Uwi na ako.. bukas na lang ulit" tinapik ko ang balikat niya Tsaka ako umalis.

Grabe talaga 'yong joke niya. Hindi ko kinaya in fairness naman sa kanya ha! Kahit 5 minutes lang ang hiningi niyang oras.. sulit. Medyo umayos na 'yong pakiramdam ko.

"Oh anong ngiti yan ha?" Tanong sakin ni Shie pagkapasok ko sa kwarto. Busy na naman siya sa pagbabasa ng libro pero napansin pa rin niya 'yong ngiti ko.

"Si Justin kasi eh"

"Don't tell me, kayo na??"

"Hoy ha!" Binato ko siya ng unan. Nakakasakit kasi e.

"Bakit?"

"Diba sabi ko naman sayo ayoko na? No boyfriend na muna.."

"Ahhhh. Eh bakit nga mukhang ang saya mo dyan?"

"Grabe kasi 'yong joke niya e! As in super havey. For the first time in forever.. tumawa ako ng ganon kalakas kanina.."

"Eh ano ba kasi 'yong joke? Share mo naman baka matawa rin ako.."

"Ganito yon.." pumwesto muna ako sa higaan tapos humiga.

"Sabi niya.. Gusto kita. Ewan ko pero simula kaninang umaga hindi kana maalis sa isip ko. Jeannine gusto kita. Hahaha grabe ang tawa ko kasi napaka seryoso pa ng MUKHA niya diyan."

"Anong nakakatawa dun?" Seriously? Hindi talaga 'to nakaka appreciate ng mga jokes.

"Hindi ka ba natawa? Nakakatawa kaya."

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon