Part 6

1 1 0
                                    


Naging okay na din naman kami after 'nun. 'Yong nakakahiyang eksena sa Mall. Nag usap kami ni Justin at naging maayos naman ang lahat. He even surprised me that night after we talked. It's a simple but very romantic date. Yeah! We spend our time under the moon and the millions.. no .. Billions shining stars. I just can't believed that finally the stars granted one of my wish. Korni ba? Well in love e. And sa lahat ng date 'yon lang talaga ang nagpakilig sakin ng sobra.

So many dreams..

So many promises..

So many plans..

For the two of us.

**

"Jeannine.."

Ano na naman kaya ang trip netong unggoy na 'to.

Lumalapit lang naman sa'kin ito kapag mang-aasar e.

"Mukhang blooming ka araw-araw ah. Napansin ko lang"

Oh eh ano naman sayo?

"Alam mo kung maninira ka lang ng araw ko pwede ba 'wag mo na lang akong kausapin. Just pretend that I'm not existing and I will just do the same" and then I rolled my eyes.

"Hanep sa English ah? Nagkaboyfriend ka lang naging englishera ka na? Tunay na ba yan?"

Lalalalalala. Wala akong naririnig.

"Ano? Si Justin na ba talaga? Mahal mo na? Ano? Hindi ka makasagot kasi guilty ka na naman? Tss."

Bakit ba napakadaldal nito? Tinalo pa ang baklang payat. Tsaka ano bang pake niya sa love life ko? At super big deal ata sa kanya!

Minsan talaga pinaghihinalaan ko na 'tong bakla e. Sa tuwing magkaka-boyfriend ako parati na lang inuusisa nito. Siguro inggit 'to sakin. Gawd. Ang pinakang kinikilalang maangas sa campus bakla pala?! Nakakatawang isipin!

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Baliw ka na ba? O baka naman kinikilig ka lang dahil naalala mo si Justin."

See? Bakit naman niya iisipin na gano'n nga ang iniisip ko?kahit hindi naman. Babae lang ang karaniwang makakapag-isip ng mga ganyan ah.

"Hoy! Mamaya ka na nga magpantasya dyan! Kinakausap pa kita"

"Niccolo? Bakla ka ba?" Then boom! Di ko na kinaya ang aking curiosity.

"Ano?!" Sigaw niya.

Hala bingi rin. Pero mas nabingi ako dahil sa pagsigaw niya.

"Sabi ko bakla ka! Gay.. Juding.. baklush..paminta..baklita!"

"Nakaloko ka ba O ano!?" Napapikit naman ako nang bigla niyang itaob ang isang arm chair na nasa gilid ko.

Okay. Am I wrong? Pero in fairness. Gumanda 'yong pakiramdam ko. Nung nakita ko siyang namumula sa galit.

"Nagtatanong lang naman ako ah. Bakit ganyan ka magreact?"

"Nakakagago 'yong tanong mo! Ayusin mo buhay mo ha"

Blahblahblah.. and there he goes. 'Yon lang pala makakapagpalayas as kanya.
"Jeannine! May naghahanap sa'yo"
Sigaw ng isa kong kaklase. So tumayo ako sa kinauupuan ko.

Napadaan ako sa gawing kanan kung saan nakaupo si Niccolo. Mukhang badtrip. Nyaknyak. Ako ang panalo ngayon..

Pagdating ko sa pinto.. isang napaka gwapong nilalang ang nakita ko. Gosh napaka swerte naman ng girlfriend nito.

"Wala kayong klase? Tara kain muna" pag-aakit niya sakin. Wahhh. Ako nga pala ang girlfriend niya. So swerte ako.

"Jea? Boyfriend mo?" Tanong ng isa ko pang kaklaseng Babae.

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon