Sensya ngayon lang nakaUD. Busy po kasi. Anyway, first UD ko for today. Mamaya ko na lang dudugtungan. :) Salamat sa mga nagbabasa! Paramdam naman po kayo. :)) Don't forget ot vote.
========================================================
TEN
Bubble Bath
Shit! Hinawi ko ang bra para alisin niya sa dibdib ko. "Sa'yo yan. Pambabae. At hindi panlalake!" Kaya ang ginawa niya ay itinapat naman niya sa dibdib. Yan! Buti pa nga ganyan. Aish, walang kaalam-alam talaga. Nilayo ko ng sandali ang tingin tapos bumalik ulit sa kanya.
Nung tinititigan ko sya ng maigi parang may napansin ako sa mga kamay niya. Kulay orange, at ang damit niya ang dumi dumi din. Inangat ko ang ulo niya para matingnan siya. Pagtingin ko...Bakit ang dungis ng mukha ng babaeng to?! Ngayon ko lang talaga napansin dala siguro ng pagpapanic ko kanina dahil nahulog siya sa hagdan. "Ba't ang dungis mo?!" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako ng living room. Pagliko ko sa living room..."Shit."
Sabog ang mga gamit! Ang mga CD's nagkalat. Ang mga libro nagkalat rin, pati ang mga unan kung saan-saan na. Ang daming mga papel na pira-piraso ang nagkalat sa sahig. This place is a mess! Pumunta naman ako ng kusina para tingnan ko. Pagtingin ko..."Fuck." What the f*ck! Sabog din ang kusina na to! Nakabukas ang lahat ng kitchen cabinet. May mga pira-pirasong chips sa sahig, may mga balot ng chocolate na nasa lamesa. May natapong tubig at gatas. Ang mga kutsilyo, tinidor, at kutsara sabog sa counter. May mga plato at basong mga basag.
Dahil sa nakita ko ay uminit ang ulo ko! Tangina talaga! Imbes na magpahinga na ako galing school ay maglilinis pa pala ako! Shit. Bwiset talaga ang babae na yun! Kaya pala ang dungis ng mukha at damit niya! Binalikan ko siya sa hagdan. "Ano bang pinaggagagawa mo ha?! Ba't ka nagkalat!" sigaw ko sa kanya. "Ano?! Sumagot ka! Akala ko hindi ka marunong bumaba ng hagdan. Pero nagawa mo pang magkalat dito sa baba?!" Totoo naman! Kaya naman pala niyang bumaba mag-isa, bakit may effect pang nahulog siya kanina? Puta. "Sagot!" Wala man lang kaemo-emosyon ang babae na to. Tumataas na ang boses pero parang wala lang sa kanya.
"Upo." sagot niya. Upo?!
"Linawin mo!" Lumingon sya may hagdan at itinuro sa taas.
"Upo nga. Doon." Pilit kong inintindi ang sinabi niya. Hanggang sa naisip ko na...para makababa ng hagdan, umupo siya sa hagdan. At paisa-isang bumaba. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at bumuntong hininga ng malalim. Ayayay, sakit sa ulo talaga. Hindi pwedeng hayaan ko ng ganito ang bahay. Sa madaling salita, I have no choice but to clean this whole place.
"Ikaw..." hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at iniupo sa hagdan "Dito ka lang. Wag na wag kang aalis!" Oras lang talagang makita ko na umalis siya, siya ang paglilinisin ko ng mga kalat niya! Ibinaba ko ang bag ko sa tabi niya. Tiningnan ko talaga siya ng masama. Perwisyo! Buti sana kung makakatulong siya sa paglilinis pero hindi. Dahil sigurado akong magkakalat pa siya lalo.
Pumunta na ako sa living room at naglinis ng kalat niya. Parang dinaanan ng bagyo ang lugar na to. Buti na lang kamo, hindi basag ang TV. Shit, subukan niya lang talaga. Patatalsikin ko sya sa bahay na to! Nag-umpisa na ako. Para mapabilis ang linis ay ginamit ko ang vacuum. Binalik ko na sa dating lugar ang mga CD, nilagay ulit ang mga unan sa sofa. Sumunod sa kusina naman. Una kong inayos ang mga basag na pinggan at baso sa sahig. Pucha talaga, mabububog ako sa kagagawan niya. Winalis ko ang mga yun at tinapon sa basurahan. Sumunod, ang mga nagkalat na mga chips at pagkain sa sahig. Sayang ang pagkain! Ang daming mga chips na nakabukas, lahat ata pinagtitikman niya. Mga wrapper ng chocolates pinagtatapon ko na. At ang mga kutsara at tinidor binalik ko na sa lalagyan. Last na ang natapong tubig at gatas sa sahig, nagmop na lang ako. Nilinis ko talaga ng todo. Dahil kung hindi, lalanggamin talaga to at magiging malagkit.
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...