“Anong tingin niyo sa girl to girl relationships?” tanong ni Kim habang naghihintay sila magkaroon ng kuryente sa dorm.
Agosto, tag-ulan na naman. Madalas ang pag-suspinde ng klase dahil sa malakas na ulan at pagbabaha. Sina Ara, Moky, Aby, Cienne at Kim ang mga magkakasama habang malakas na naman ang ulan ng araw na iyon, walang klase ngunit walang kuryente kaya't naisipan nilang mag-kwentuhan na lamang.
“Kino-convert mo na kami ;no?” biro ni Moky
“Sira! Nagtatanong lang naman ako. Sa akin kasi, dapat wala namang gender yang pagmamahal. You love the person, not the gender!”
Nagsimulang makinig ang mga dormers sa sinasabi ni Kim, saglit na napatingin si Ara sa litrato nila ni Mika sa kanyang cellphone.
“Tsaka, hindi mo naman talaga mapipili yung mamahalin mo. Bigla na lang may spark na magsasabing mahal ko na siya” dugtong pa ni Kim
“So, ganun ang nakita mo kay Mela?” tanong ni Ara
Natawa si Kim, “tsaka na natin pag-usapan yung lovelife ko. Kayo? What’s your opinion?”
“Okay lang naman siguro as long as wala ka namang sinasaktang tao? 'Di ba?” sagot ni Moky
“Pero masyado kasing abstract yang love e, paano mo ba malalaman na mahal mo na yung tao?” inosenteng tanong ni Cienne
“Kapag lagi mo siyang iniisip, siya yung unang taong maaalala mo kapag may gusto kang gawin, gusto mo kasama mo siya lagi at parte siya ng bawat araw mo tapos hindi ka na mapakali kapag may iba siyang kasama, lalo na kapag hindi pa naman kayo umaamin sa isa’t-isa” kinikilig na kwento ni Aby
“May pinaghuhugutan?” biro ni Moky
“Tsaka kapag masaya siya, masaya ka na rin” dugtong ni Ara
Nagulat silang lahat sa sinabi ni Ara, kanina pa kasi tahimik ito.
“Nandito ka pala?” biro ni Kim
“Napapaisip lang ako, paano mo malalaman kung pagmamahal yun bilang kaibigan o pagmamahal na higit pa sa kaibigan?”
“You’ll just know, Ara” sagot ni Aby “There’s that singing bells and butterflies in your stomach”
+++
"Na-miss kita!" bati ni Yeye kay Ara nang magkita sila muli sa klase.
Natulala si Ara at bigla siyang kinabahan habang nakatitig sa mga mata ng kaibigan
“Payakap naman!” dugtong pa ni Yeye at niyakap siya nito ng mahigpit
"Ano ito? Bakit mabilis ang kabog ng dibdib ko?" tanong ni Ara sa sarili
Bumitiw na si Mika sa pagkakayakap pero nananatili pa ring tulala si Ara
“May sakit ka ba?” tanong ni Mika, hinawakan nito ang noo ni Ara
“H-ha? Wala!” sagot ni Ara
“Hindi ka ba masaya na nakita ako ngayon?” nakangiting tanong ni Yeye
Hindi makasagot si Ara, hindi niya alam kung saan huhugot ng boses para sagutin ang tanong na iyon ni Yeye. Ang tanging nasa isip niya lang ay "ang ganda ng ngiti ni Yeye, nakakatunaw"
+++
Note:
Thank you for reading, it's highly appreciated!
Just feel free to leave your comments/ opinions/ suggestions.
Once again, thank you!
BINABASA MO ANG
Mika Reyes & Ara Galang Fan Fiction: Loving Without Limit
FanfictionMagkaibigan naging magka-ibigan. Hanggang kelan, hanggang saan? Handa na ba sila? Alamin.