Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 17: Closing Ceremony

220K 7.7K 281
                                    

ANG tulin ng mga pangyayari at last day na agad ng Unity Festival. Sobrang nakaka-enjoy ang festival na 'to lalo na't ang dami kong nakakasalamuhang ibang tao.

"Sa wakas ay libre na rin akong makakapag-ikot sa Altheria Academy," nakangiting sabi sa akin ni Bea. Naging busy si Bea nitong mga nakaraang araw at hindi kami masyadong nagkakasama. Isa kasi siya sa mga organizer ng mga naunang events at kailangan siya para mag-assist sa ibang tao. "Tara, mag-ikot tayo, Jasmin."

Isang simpleng tango na lang ang aking naitugon sa aking kaibigan. Ngayon na nga lang kami magkakasama, nakakahiya naman kung hindi ko siya pagbibigyan. Naglakad na kaming dalawa palabas ng aming dorm at sinimulang mag-ikot sa Marsham Division.

"Ano, nag-enjoy ka naman kahapon, Jasmin?" pagtatanong sa akin ni Bea. Ang tinutukoy niya ay yung nangyaring athletic games.

"Nag-enjoy naman ako kaso natalo tayo dahil sa akin." Medyo naging malungkot ang tono ng aking boses. Mas masaya sana kung nanalo kami.

"Okay lang 'yon, ano ka ba!" Hinampas ni Bea ang aking balikat. "Ganoon naman talaga sa laro eh. May nanalo at may natatalo. 'Tsaka hindi naman manalo ang goal ng section natin eh. Ang gusto ko lang ay mag-enjoy ang buong klase natin," pagpapaliwanag niya.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit na-elect bilang class president si Bea dahil magaling at maganda ang leadership niya. She has a great mind set at hindi siya naninisi ng ibang tao kapag nagkakamali... Mahaba rin ang kanyang pasensya.

Nag-ikot kaming dalawa ni Bea at naglaro sa kung saan-saang booth. Habang naglalakad kami sa ground ng Altheria ay may biglang umilaw na liwanag sa inaapakan kong damuhan. "Hala, anong nangyayari, Bea!"

"'Wag kang mag-panic. Trap lang 'yan."

Biglang may duwende ang biglang lumabas sa kung saan. "May nahuli sa patibong! May nahuli sa patibong!" paulit-ulit nitong bigkas. Imbes na mainis ako ay natuwa pa nga ako dahil sa ka-cute-an n'ong duwende. Hanggang tuhod ko lang kasi ang laki niya at nakasuot ito ng makulay na damit. Agaw pansin din ang mahaba nitong tainga at maputing kulay ng balat.

May lumapit sa amin na ibang first year. "Jail booth!" sabi nila at hinatak na nila ako.

***

"BEA, tulungan mo naman akong makawala rito," sabi ko habang nakadungaw ako sa kanya sa bintana. Ikinulong kasi nila ako sa isang lumang classroom.

"Wala akong dalang pera eh. Naiwan ko ang wallet ko." Kinapkap pa ni Bea ang kanyang bulsa.

Napaupo na lamang ako sa lapag at wala pa akong limang minuto sa jail booth ay sabi nila na laya na raw agad ako.

"Makakalabas na ako? Sino ang nagbayad?" tanong ko sa nagbabantay na ogre pero masamang tingin lang ang ipinukol nito sa akin. Okay, bugnutin nga pala ang mga ganitong klaseng creature. Lumabas ako ng classroom at agad sumalubong sa akin si Bea.

"Buti naman nakalabas ka na." Yumakap pa ito sa akin.

"O.A. mo naman," natatawa kong tugon sa kanya. "Para namang totoo akong nakulong. By the way, sino ang nagbayad?"

"Ako," nakangiting sabi noong lalaki—si Harly lang pala. "Nakita ko kasi kayong ipinasok dito so naisip ko na baka kailangan n'yo ng tulong."

"Huh! Great timing ka talaga Harly." Nakipag-apir pa kami sa kanya at tiningnan naman kaming dalawa ni Bea.

"Aba! Kailan pa kayo naging close?" nagtataka niyang tanong.

"Ah neto lang, naging busy ka kasi sa pag-o-organize sa event kaya lagi akong naiiwan mag-isa. Lagi akong sinasamahan ni Harly that time kaya medyo naging close na kaming dalawa," pagpapaliwanag ko kay Bea at napatango-tango na lamang siya.

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon