ISANG PASADA (o-n-e s-h-o-t)

43 0 2
                                    

Tumunog ang bagay na kanina ko pa tinititigan. Pero wala yung pangalang kanina ko pa hinihintay. Masakit. Masakit kasi akala ko ito na ulit yung simula... 

Tiningnan ko kung sino yung nagtext. "no. lang pala" sabi ko.

From: 09162345678 

"I surrender who I've been for who you are, for nothing makes me stronger than your fragile heart. 

HI! SMILE =)." 

Maya-maya tumunog ulit cellphone ko. Sa no. nay un ulit galling.

From: 09162345678 

"If I had only felt how it feels to be yours..." 

Tumingin tingin ako sa paligid. Pero wala kong makitang ibang tao nandito kasi ako sa tagong bahagi ng school. 

Nagtaka ko... "Sino kaya 'to? " naisip ko bigla baka ikaw 'to kaya agad-agad akong nag-reply.

To: 09162345678 

"Vince?" 

1 minute, 2, 30, hour...walang reply. Trinay kong i-dial pero hindi paman nag riring pinatay ko na. "Ayokong umasa. Hindi sya 'to."

---THREE DAYS AFTER---

Naglalakad ako papuntang sa first subject ko. Pinipilit ko ng maging masigla kahit kanina parang ayaw ko talagang bumangon at gusto na lang umiyak maghapon. Pero naalala ko sabi mo sakin dati ayaw mong nakikitang malungkot ako kasi nalulungkot ka. Ayaw ko namang maging malungkot ka pag nakita mo ako sa ganitong estado. Still umaasa pa din ako.

"haaaay." 

Binanat ko na lang ulit ung labi ko para hindi ako mukang gugunawan ng mundo. Malapit na'ko sa room ng Makita kong makaka-salubong kita. Napatigil ako, tumigil ka din. NGUMITI. Kumabog yung dibdib ko. Nagwawala yung puso ko.

"Vince..."

Ngumiti ako at itataas na ung kamay ko para kawayan ka pero nilagpasan mo lang ako na parang hindi nakita. Sinundan kita ng tingin at dun ko nakita nung akbayan mo sya at tumatawa kayong naglakad palayo. ANG SAKIT. Yun ung bigla kong naisip ng makita ko kayo. Natatandaan ko, sya din yung dahilan kung bakit hindi naging tayo. At tulad ng ibang bidang nasasaktan, tumakbo ako. Wala na akong balak umattend para sa first class ko. Gusto kong umiyak.. at umiyak. Mahina na kung mahina pero wala akong pakealam. Gusto kong maging mahina sa mga oras na 'to. Tumakbo ako sa likod ng school kung saan palagi akong tumatambay.

----TWO MONTHS AGO...---- 

"Gail..." nakangiti kang lumapit sa akin. 

"Hello." Tipid kong bati. 

"Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" hindi ako sumagot, tiningnan lang kita at hinintay magsalita. 

"Gail I'm sorry." Binigyan kita ng blangkong tingin. 

"I know I've been a jerk, pero hindi ko pala sya mahal. Ikaw ang mahal ko." Nanatili lang akong tahimik.

"Inaamin ko nagkamali ako. Kasalanan ko kung bakit tayo nag kaganito." Hindi na ako nakatiis at nag salita na rin ako.

"Hindi naman naging tayo Vince kaya wala akong karapatang magalit sayo." Oo. Alam ko. Ang martyr ko. Ngumiti ako ng mapait.

"Pero Gail, alam kong papunta na tayo sa pagiging tayo kung hindi lang talaga ako g*go."

Nagsimula na akong ayusin ang gamit ko at tatayo na lang para umalis ng hawakan mo ang mga kamay ko. 'God knows how I missed him.' Sa isip isip ko. Tiningnan ko yung kamay mo tapos sayo.

"Pwede ba 'kong humingi ng second chance?" hinila ko na ang kamay ko.

"Pag iisipan ko Vince." At nag lakad na 'ko palayo.  

Simula nung araw na yun palagi mo na kong nilalapitan, sinusundo, tinetext, at tinatawagan. Parang dati lang pero nanatili akong malamig kahit sa loob loob ko gusto ko ng sumigaw sa saya at kilig sa mga pinapakita't pinaparamdam mo.

Kaya naman pinagisipan kong mabuti ang magiging desisiyon ko.GUSTO KO NG MAGING MASAYA.

Kaya naman ng umabot na sa isa't kalahating buwan binago ko na ang malamig na pakikitungo ko sayo. Kaya naman isang araw ng lapitan mo ako nginitian kita ng ubod ng tamis at niyakap.

"I missed you..."

Hindi ka nag salita pero naramdaman ko ang unti unting pag taas ng kamay mo para gumanti sa yakap ko. Inisip ko na lang na hindi ka nakapag salita sa saya. Simula no'n Kahit hindi ka pa nagtetext o tumatawag ako na yung nauuna. Ako na yung madalas mag pakita ng sweetness at kapag wala ka pa tuwing uwian para sunduin ako, ako na yung pumupunta sa classroom nyo para intayin ka. Isang beses parang nainis ka. Inisip ko kasi baka gusto mong ikaw ang susundo sa akin.  

Naalala ko pa nung tinext kita...  

"Hi Vince =). I'm glad we're ok na. maybe we could continue what we supposed to be. Marami ng nasayang na araw para sating dalawa pero ngayong ok na tayo im happy and willing to be your girl na. ilove you :*."

Excited kong sinend ang message na 'yon. Alam ko kasing matutuwa ka. Nag intay ako ng reply mo o kaya baka pupunta ka dito sa bahay. Pero WALA. WALANG VINCE NA DUMATING O NAG PARAMDAM.

Denial ko yu ng no. mo, nag riring lang sya pero walang sumasagot o hindi mo sinasagot? Iniisip ko baka bc ka lang. Pero umabot na ilang araw hindi ka pa din nagpaparamdam. Hindi na rin kita nakikita sa school. Natatakot ako. Natatakot na baka maulit nanaman ang pang iiwan mo sa akin sa ere.

Pero HINDI. Nangako ka at alam kong tutuparin mo yun. Hangang sa ayun nga. Araw araw na akong nag i-intay ng text o tawag mo para sabihing ok ka lang at pag dating mo pag uusapan na natin yung TAYO. Kahit alam kong imposible naghihintay pa rin ako kahit nasasaktan na ko ng sobra sobra sa nangyayari sa atin ngayon. Nag karoon ako ng pag asa nung may nagtext saking unknown no. Umaasa ako na ikaw yun. Umaasa ako kasi mahal kita.

---PRESENT---- 

Nandito ako ngayong sa likod ng school bldg.. Dito ako dinala ng mga paa ko matapos kong Makita yung kanina. Umiiyak lang ako. Wala akong pakealam kung anong itsyura ko ngayon o kung may makakakita ba sa akin sa ganitong kalagayan. Basta ang alam ko nasasaktan ako at kailangan ko to.

"Ang tanga, tanga, tanga ko para maniwala't magpaloko nanaman sayo."

Umiyak nanaman ako. Masakit e. medyo inaantok na rin ako dala siguro ng pag iyak. Paidlip na ko ng may tumama sa ulo ko. Pero hindi naman masakit. At nang tingnan ko eroplanong papel lang pala. Pinulot ko at napansin kong may nakasulat. 

" If I only felt how it feels to be yours. Can you atleast smile? Nasasaktan kasi ako sa nakikita ko ngayon." Lumingon lingon ako at dun ko nakita sa may gilid ng hagdan ang pamilyar na mukha. 

"sayo ba galing to?" ngumiti ka na parang nahihiya. "o-oo." 

Naglakad ka papalapit sakin. "Teka. Dba ikaw yung classmate ko sa Polsci.?"  

Ngumiti ka. Ang ganda ng ngiti mo pansin ko. "ako nga." 

Nakatitig lang ako sayo at nakatitig ka lang din sakin. Parang ang gaan gaan ng loob ko habang nakatitig sayo. Parang- parang.. napailing ako ng may maalala ako.  

"Pamilyar yung nakasulat kanina. Ikaw ba ung-?" 

"Oo. Ako nga." Ayan ngumiti ka nanaman. Parang. Parang.' Hindi wala to.' Sa isip isip ko.  

"I'm Clyde nga pala."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISANG PASADA (o-n-e s-h-o-t)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon