One-Shot

1 2 1
                                    

Dub dub... dub dub... dub dub...

Ganyan, ganyan kabilis at kaingay ang puso ko sa tuwing makikita ko ang lalaking matangkad at gwapo, si Kyle. Papalapit na siya sa kinatatayuan ko ngayon. Pakyeme nalang ng konti. Waring 'di tinablan na mapanuksong appeal ng tinaguriang "campus crush".

Hanggang sa nakita ko na lang na palayo na siya sa'kin. Like the old times, nilagpasan na naman niya ako, ni hindi man lang tumingin o lumingon sa kinatatayuan ko.

Haysss... ito ang masakit na part sa pagibig. Ang mainlove sa isang taong na alam mong kahit kailan ay di mo marereach. At ang pinakamasakit pa nito, g-graduate na ang ultimate crush ng NBSBng kagaya ko.

Ako nga pala si Kathleen Mendez, taga NBSB. Na kasalukuyang nagmamahal sa taong kahit kailan ay hindi mapapansin. Ganyan talaga, wala tayong magagawa. Swerte siya dahil minamahal ko siya ng totoo at sana mapansin niya 'yon kahit papaano.

@cafeteria

Dub dub... dub dub... halos lumipad ang puso ko nang umupo si Kyle sa tapat ko. Natitigan ko nang malapitan ang lalaking pinapangarap ko at parang gusto ko nang mamatay ng mga oras na ito. Hindi ko maisubo yung kutsara sa bibig ko. Para kunwari pansamantalang tumigil ang mundo ko.

Ang langit... ang langit nasa harap ko. Sa dami daming reaksyon sa utak ko, nanatiling kumakain si Kyle. Ni hindi man lang madakot ang tingin sa harap niya, sa bagay baka mawalan lang siya ng gana pag kagaya ko ang makita niya. Bigla nalang siyang tumayo at lumipat ng pwesto.

Grabe, naririnig niya ba ang sinasabi ng utak ko? O di niya lang natagalan ang presence ko. As if naman na may pakialam siya kung may mag-exist man na gaya ko.

Doon ko narealize na walang patutunguhan ang nararamdaman ko sa kanya. Sino ba naman ako para mapansin niya? Nakakaiyak. Gusto kong ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya bago siya grumaduate. Pero paano? Saan? Kailan? At bakit pa?

Para magising sa katotohanang kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Bakit ba kasi minahal ko ang isang taong di ko kailanman maabot. Oo na, katangahan na'to. Pero, di'ba may true love. 'Yung walang yes at no, walang likes at dislikes. Yung bigla bigla nalang mararamdaman. Yung mapapansin kahit hindi naman nagpapapansin. Yung mamahalin kahit hindi nagpupumilit.

Tunay na pag-ibig! Isang huwad! Isang kasinungalingan. Isang pasakit sa gaya kong nagpapakabulag sa lantad na katotohanan. Kumbaga, hindi pa ko umaamin pero sure na basted na.

Ramdam ko naman na ayaw niya sa'kin. Hindi ako yung tipo niyang babae. Assuming lang siguro ako noon.

Noong panahong tinulungan ko siyang mahanap ang isang hikaw. Hikaw, na alaala ng pinakamamahal niyang nanay. Doon ko siya sinimulang hangaan. Kahit na pagkatapos ng araw na iyon, ay hindi na niya ako matandaan o itinuring kakilala.

Na parang walang AKO!

Ako na tumulong sa kanya. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga buwan at araw... at hindi ko na namalayan na minamahal ko na pala si Kyle. Minamahal ng totoo. Pinapangarap na mapansin niya. Pero wala na naman talagang pag-asa. Mabuti nang matauhan hangga't maaga pa.

Sa huli, ako lang ang masasaktan ng SOBRA-SOBRA.

After 3 months

'Eto na, 'eto na ang araw ng pagtatapos ni Kyle. Ang huli naming pagkikita. Ang aming love story na hindi pa nasisimulan ay tinuldukan na. Actually, ang love story na ako lang ang gumawa.

Tinanawan ko siya buhat sa malayo. Wala siyang pinagbago. Sobrang gwapo parin niya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Anghel na nakataga. Siya lang naman ang Summa cum laude ngayong taon.

Dub dub... dub dub... tumingin siya... tumingin siya sa akin at ngumiti. Kahit malayo, kitang-kita ko 'yun. Malinaw na malinaw. Ako lang ang nasa dakong ito. Sa'kin nga nakatutok ang mga matang iyon.

Grabe, langit na 'to for sure. Gustong kumawala ng puso ko sa sobrang saya nito. Saglit na tingin lang iyon pero tiyak na habangbuhay ko iyong maaalala. Ang ngiting iyon, hinding hindi ko makakalimutan.

Ang buong Kyle, hindi ko yata kayang pakawalan. Kahit na hindi ko man lang siya nagawang makausap.

Ayan na... ayan na ang hinihintay ng lahat~~ ang speech ni Kyle. About sa mga experience niya as a student. Nagpapasalamat din siya sa family niya at sa mga professor niya. At sa inspirasyon niya...

Ha? Ano? Tama ba ang nadinig ko inspirasyon niya kamo?

Biglang nagsigawan ang mga babae. Sigurado akong babae ang tinutukoy niya. At sa araw na 'to, nakatakdang makilala ko ang babaeng karibal ko sa puso niya.

"...umupo ako sa harap niya. Saglit lang iyon at umalis na agad ako dahil halos tumalon ang puso ko sa sobrang kaba at saya" -Kyle

Mukhang desidido na si Kyle na ipakilala sa lahat ang napakaswerteng babaeng iyon. Agad akong nakaramdam ng ingay sa babaeng hindi ko pa nakikilala.

Tumayo na ako at patungo sa gate ng gym nang biglang may binanggit siyang isang bagay, bagay na nakapagpalingon sa akin pabalik sa kanya.

"Ang hikaw na nahanap mo. Alam mo bang napakahalaga sa'kin noon. Hindi lang alaala iyon ng mom ko, kundi 'yon ang kauna-unahang pagkakataon na malapitan ang babaeng hinahangaan ko noon pa man. At sa araw  na ito, gusto ko nang aminin ang nararamdaman ko sa'yo. You heard what i said?". -Kyle

And he gave his killer smile. Ang ngiti na alam ko na para sa akin. Lumingon lahat sila sakin. I don't know if this is all true. The only thing is this is it...

-TrueLove <3

True Love (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon