001

5 1 0
                                    

Gig

Nikki:

Gurl! Have you heard may gig daw ang Broken Line sa Bean Here coffee shop? Tara let's go! Kuya Anus invited me eh yung vocalist nila.

Me:

I am sorry gurl. I wanted but I am stubborn to dress up just for that gig.

Totoo naman. Nakakatamad. Pero gusto ko din kasi, I've been listening to the covers of Broken Line since the start of their career. Kilala ko na sila ever since kasi they graduated from my school and all of them, Kuya Anus and Kuya Kiel, kilala na nila ang kapatid ko, si Kuya Kalvin. So kilala din nila ako.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang iniisip kung karapat dapat bang sumama kay Nikki kasi yong babaeng yon, laging nagpapahuli sa lakad. Yon ang style niya. And kapag tinamad din siya di na siya sisipot. Ganon yan at sanay na ako, pero I feel so small pag iiwan kang nag mumukhang tanga. Sinong hindi mafifeel yung nararamdaman ko kapag ginawa sa kanila yon diba? Like all they are too selfish.

Napatingin ako sa phone ko nung nagvibrate at nakita ko ang message ni Nikki na may libreng fries daw. At nandon na daw siya sa coffee shop, tinawagan ako para may libreng fires siya. Dapat kasi may kasama para mabigyan. Hay nako. She is so witty.

Tumayo na ako sa kama ko at inayos ito. Pagtapos non ay chinarge ko ang phone ko na 27% percent na lang. It's almost 3:00 in the afternoon but I am still not taking a bath. Di ko alam kung dapat ba akong mag madali or magpachill chill lang kasi, I don't even know kung anong oras magstastart ang gig nila. Di ko na tinanong kay Nikki kasi I don't mind naman eh. Maabutna ko pa yon for sure.

Pumasok na ako sa banyo para maligo at magtooth brush. It's vacation month and siyempre lagi akong nasa bahay. Bihira lang naman kasi ako magbaksayon kung saan saan, kapag niyakag lang ako ng mga pinsan ko. And today is Saturday at may outing sina mommy. And si daddy nasa US siya since the last five years kasi nandon yung business niya. Di nga siya makabalik balik eh. I super miss him.

Halos dalawang oras din ang naubos ko sa pagliligo at pag bibihis. Well I am a girl. Madami akong inaatupag at matagal din ako maligo kasi, mainit ngayon. At dahil mainit ngayon, nag suot na lang ako ng pull over kong bigay sa akin ni Kuya Kalvin last Christmas. Ngayon ko lang siya susuotin kasi ngayon ko lang siya natripan.

Nilock ko ang kwarto ko at tinignan kong mabuti na wala ng nakasaksak na outlet baka kasi mag overheat. Bumaba ako nakita ko si manang na nanonood ng tv sa may kusina. Yan ang nag alaga sa akin simula nang ipanganak ako. Siya ang nakasaksi sa paglaki ko. Para ko na din yang lola kaso yung totoo kong lola, namatay na. At si Manang Rita ang kanyang pinagbilinan sa pag aalaga sa akin kasi ako ang pinaka bunso sa kanyang mga apo.

"Manang, alis lang po ako ah? Si Nikki kasi niyakag akong tumambay sa coffee shop eh dun sa Bean Here. Pwede po ba?" Nakangiti akong nagpaalam at hinalikan sa pisngi si manang. Medyo nagulat siya sa akin baka kasi di niya akalain nasa baba na ako. Tumayo siya para pumunta sa may pintuan ng bahay namin.

"Oo naman ne. Basta mag ingat ka ah? Naku baka multuhin ako ng lola mo pag may nangyaring masama sa akin!At oo nga pala may bagong bukas na mas malapit dito, yung Coffee Nate ba yon. Masarap daw doon!" Ngumiti ako kay manang at hinalikan niya din ako. Basta ah mag ingat ka at maya maya naman eh uuwi na kapatid mo. At yung mommy mo daw sa Monday pa daw uwi kasi biglang nagyakag yung kaibigan niya!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni manang habang papunta na ako sa labas ng bahay namin. "Ah sige po manang. Alam na po ba yan ni Kuya?"

Tumango siya at ngumiti.

"Sige manang mag fifive na din naman eh. Uuwi po ako diyan wag po kayong mag alala di na po ako diyan mag hahapunan. Sige bye manang." Hinalikan ko ulit sa pisnge si manang at kumaway sa akin si manang habang paalis na ako ng bakod ng bahay namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon