Chapter 13 √

663 35 1
                                    

°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Maris' POV


"Saan kayo galing, bakit basa kayo?" tanong ni Mccoy.


"Sumakay kami sa Jungle Log." sagot ni Ryle.


"Bakit hindi niyo naman kami hinintay?" tanong ko.


"Kaya nga kami pumunta rito para yayain kayong sumakay sa Jungle Log." sagot ni Tom.


"Tsaka seriously Maris, sasakay ka dun? Eh diba takot ka nga sa heights?" tanong ni Sofia.



"Kung takot siya sa heights, bakit nakaya niyang sumakay dun?" tanong ni Mccoy sabay turo sa Anchors away.


"Talaga Maris? Sumakay ka dun?" tanong ni Jane. Nakangiti akong tumango.


"Sus! Kahit naman sumakay ka dun. I'm sure, nakayakap ka kay Mccoy." nawala naman yung ngiti ko.



Ito talagang si Sofia.



"Uy hindi. Nakataas pa yung mga kamay niya. Ang tapang niya. Sobra!" sabi ni Mccoy.




"Okay?" sabi ni Sofia.



"Tara na! Punta na tayo sa Jungle Log." sabi ni Zeus.


"Uy! Tapos mag-Rio Grande tayo." sabi ni Ronnie.


"Sige sige!" sabi ni Jimboy.



Naglakad na sila. Pero nauuna sila sa amin ni Mccoy.



Siniko ko naman siya pero mahina lang. Napatingin naman siya sa akin.



"Thank you." bulong ko.



"Wala yun." sagot niya.



"Buti na lang nand'yan ka. Lagi kasi akong niloloko ni Sofia eh."



"Hehe. Wala yun."



Pumila na kami nung nakarating na kami sa Jungle Log. Shocks! Antaas pala!


"Mababasa tayo rito. May pamalit ka ba?" tanong ni Mccoy na nasa likod ko.



"Ahh.. Oo." buti na lang nagdala ako ng extrang damit pero iniwan namin sa kotse at buti na lang hindi ako nag-dress.




Hindi kasi nakadress sila Jane eh kaya nagripped jeans na lang ako at t-shirt. Yung t-shirts nga pala namin, ang nakalagay kay Sofia ay ang word na Best, kay Jane ay yung word na Friends at yung sa akin ay yung word na Forever. Ang cute diba? Haha! Tsaka pare-parehas kaming naka-ripped jeans at vans shoes.



If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon