ACT THREE: PAGKATALO NI JASON, KAHIHIYAN NG BLACK EMPIRE√

1.2K 13 0
                                    

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA

Written By abJC

GENRE: Fantasy, Adventure, Magical Girls, Love and Romance

DATE: SEPTEMBER 28, 2013
REVISED EDITION: OCTOBER 15, 2013
UPDATED REVISED EDITION: DECEMBER 30,2023
©ALL RIGHT RESERVED

Author's Note:

Hi guys! Eto na po 'yung Act Three ng "Warrior Princess Cinderella." Pasensiya na po, ngayon ko lang nai-post. :D Hoping, hindi kayo magsawa na abangan ang pakikipagsapalaran ng ating mga bida. :D

Pasensiya na rin po sa unang bahagi na medyo binago ko. Mas pinaganda ko. Para mas consistent sa mga takbo nang pangyayari.

P.S.
I dedicated this part to JonelleLorato, ang author ng "WIZARDS AND THE 12 CRYSTALS"

ACT THREE: PAGKATALO NI JASON, KAHIHIYAN NG BLACK EMPIRE

ACT THREE: PAGKATALO NI JASON, KAHIHIYAN NG BLACK EMPIRE

Mahal Kong Snow,

Kumusta ka na, mahal kong kaibigan? Matagal-tagal na rin na hindi ako nakakapunta sa inyong kaharian mula nang mawala ang aking ama. Tanging sina Tita Rita at ang dalawa kong stepsisters na sina Rosita at Rosenda ang kasama ko sa aming munting bahay. Nakakalungkot dahil wala na ang tatay. Ganoon pa man, mahal na mahal ako nila Tita Rita. Eh, ikaw, kamusta ka na? Ano na ang nangyari sa prinsipeng iyong binabanggit mo sa huling liham na natanggap ko. Ano na nga uli ang pangalan nu'n? Tama ba na Prinsipe William? O Prinsipe Florian? Balitaan mo ako. Sabik na ako sa mga kuwento mo! Hihintayin ko ang pagsagot mo sa liham ko.

Nagmamahal, ang iyong matalik na kaibigan, Ella.

Marahang itiniklop ni Ella ang ginawang liham. Saka maingat na inilagay sa isang sobre.

"Ayan! Nakagawa na ako ng liham para kay Snow. Mamaya ay pupunta ako sa palengke ng bayan para puntahan ang padalahan ng sulat. Sana ay makarating agad ang aking sulat kay Snow." Nangingiting sabi ni Ella na idinikit pa ang sobre ng sulat sa kanyang dibdib.

"Cinderella..... Cinderella.. " Ang narinig na tawag ni Ella sa kanya ng kanyang madrasta na si Lady Maine.

"Cinderella na naman. " Napabuga ng hangin si Ella. "Mula nang mawala ang  ang tatay ay nagbago ang pakikitungo sa akin ni Tita at ng dalawa niyang anak. Kung ituring ako ay parang katulong sa bahay na ito."

"Cinderella, ano ka ba? " Pasigaw na ang pagtawag sa kanya ng madrasta. "Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot. "

Sunod-sunod na malalakas na katok ang maririnig sa pinto. Pinagbuksan ni Ella ng pintuan ang madrasta.

Galit na galit ang makikita sa mukha ni Lady Maine.

"Bakit ba ang tagal mong sumagot at kumibo?"

"May inaayos pa po kasi ako, Tita Rita."

"Anong Tita Rita? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na Lady Maine ang itatawag mo sa akin. Hindi Tita, Hindi rin Inay. Naiintindihan mo ba ako, Cinderella? "
Nanlalaki ang mga mata na tumingin nang masama sa kanya ang madrasta.

"O-Opo, L-Lady Maine. "Sunod-sunod na tango ni Ella.

"Sige, bumaba ka na sa komedor. Maghanda ka na ng ating tanghalian. At mamaya, pagkatapos nating kumain ay pumunta ka palengke sa bayan. Bilhan mo ako ng mga ihahanda natin para sa kaarawan ni Rosenda bukas.  "

"Opo, Lady Maine." sabi ni Ella.

***

BUONG TAPANG NA HINARAP NI ELLA ANG MAHIWAGANG LALAKI NA WALANG IBA, KUNDI SI JASON NG BLACK EMPIRE.

WARRIOR PRINCESS CINDERELLA [REBOOT/UNDER RECONSTRUCTIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon