"Sorry Nichole,hindi kasi talaga ikaw ang mahal ko.Niloko lang kita."
Paulit ulit yan pumapasok sa kukote ko di ko na alam gagawin ko.Bwisit kasi bakit ba ako nagpadala dun sa Leo na yun, ginagago lang naman pala ako,heto naman si ako nagpagago.Heto ngayon ako umiiyak sa park.Kinuha ko naman ang panyo na nasa bulsa ko.Itong panyo na ito bigay sakin ng childhood friend ko nun.
Pinupunasan ko ang luha ko ng biglang may lumapit na lalake sakin.
"Miss are you okay? " eh bobo pala 'to eh.Nakita nang umiiyak ako tas tatanungin kung okay ako.
"May okay ba na umiiyak?" sabi ko sakanya sabay irap.
"Woah,by the way im Ash
and you are Nichole."
What the?! Bakit kilala nya ko?
"Bakit kilala mo ko?" Tanong ko sakanya pero tumawa lang sya ng nakakaloko at umalis na.
He's weird.
*********
Kakatapos lang ng klase ko ngayon.Habang nag aayos ako ng gamit ko ay tinawag ako ni Kyla.
"Nichole tara sama ka manunuod ng band" yaya nya sakin.
"Sige susunod nalang ako." sabi ko sakanila.
Nang matapos ko na ayusin ang gamit ko ay lumabas na ko ng room.Naglalakad ako sa corridor ng may narinig ako sa Music Room na kumakanta.
Wait.
He's voice.
He reminds me of someone
Pinakinggan ko lang sya kumanta sa pintuan.Nang matapos na nya kumanta ay napagdesisyonan ko na tingnan kung sino ang nasa loob.Nung pumasok na ako ay
wala ng tao.Siguro dumaan na yun sa likod.Yung boses na yun parang kay....
"Nichole."
"Ay shit!" nabigla ako ng may tumawag sakin.Pagtingin ko yung Ash pala.
Ano bang meron sa lalaking to at napakamisteryoso.
"Napaka magugulatin mo naman." sabi nya ng nakangisi.
"Kasalanan ko bang may pagka kabute ka pala jan na bigla bigla nalang lilitaw. " sabi ko sakanya away irap.
"Bakit ba ang sungit sungit mo sakin ha?" sabi nya,shete ang lapit naman ng mukha nya.
"eh pake mo ba? Tabi nga jan dadaan ako" sabi ko sakanya pero pilit nya ako hinaharangan.
"Sabihin mo muna sakin kung sino yung lalake na iniiyakan mo kahapon." aba chismoso to ah.
"at Bakit ka ba interesado sa buhay ko ha?" tanong ko sakanya ng naiinis na.
"Wala lang, baka sakaling maging tayo para alam ko na istorya mo babe. " lakas rin pala maka daydream nitong animal na to eh.
"Asa ka naman na maging tayo,tsaka isa pa pwede ba wag mo ko tawaging babe,nakakarindi eh." sabi ko sakanya.
"Edi honey nalang? My? Boo? Mahal? Dyosa ng buhay ko? Princhecha ko? Wifey? ----- "
"Dami mong alam eh, tumabi ka na jan kung ayaw mong mabasagan ng itlog." banta ko sakanya. Pero bakit nararamdaman ko tuwing kausap ko sya parang may kung anong paro paro sa tyan ko.
"Aalis ako kung makikipagdeal ka sakin? " sabi nya naman,takte naman oh, ang kulit jusko.
"A-ano?" walang gana kong sagot.
BINABASA MO ANG
Childhood Friend
FanfictionThis story reminds me of something kaya I wrote it. She was a tall, gorgeous,red lips, and pure white skin girl. Her name was Nichole Genner.Napakalungkot nya at sa tuwing nalulungkot sya ay naiisip nya yung masasayang araw na magkasama sila ng kan...