CHAPTER 55.5
Dalawang araw lang akong di nakapasok sa school mula nung ma-ospital ako pero parang ang dami ng nagbago dito sa school.
"At ikaw Dark," sabi ni Mhico na nakatingin na saken ngayon. "...Wag mong ipagkakalat sa buong university na ako yung dating Coco Martin Look a like. Ka-course ko kayo kaya kayo lang ang dapat makaalam nyan at hindi ng mga taga ibang kurso okey,"
Pagkasabi nya nun eh halos mapataas ang isa kong kilay. Bakit naman kaya ganun? Hmm...
"Mhico, may naghahanap sayo," boses ng isang classmate namin na nasa bandang harapan ng room
Agad namang napatayo si Mhico sa inuupuan nya. Hindi na nga sya nagtanong kung sino ang bisita nya at nagmamadali syang pumunta sa pinto.
"Oops Dark, pakiiwan na lang sa table ko yung xerox ah," bilin nya bago sya tuluyang nakaalis
"Sige?" sagot ko
"Hep!" muli eh ako naman ang kinausap ni Kaka. "...Mukang dinalaw na sya ng girlfriend nyang si Jhaeshirou,"
"Jhaeshirou?" painosenteng tanong ko
"Tama, tuwing breaktime kasi pumupunta dito yung girlfriend nya tapos hinahatiran sya ng pagkain na sya mismo ang nagluluto para kay Mhico. Wee... Kelan kaya ako magkakagirlfriend ng ganyan, sana taga HRM din no," sagot ni Kaka
"Ah ganun," sabi ko
"Hep! Eto sa pagkakaalam ko, yung girlfriend daw ni Mhico mismo ang dahilan kung bakit nya tinalikuran ang pagiging coco martin nya. Para hindi na rin sya dumugin ng mga tao pag nasa labas sila ng girlfriend nya. Tsk sayang nga eh, sana binigay nya na lang saken yung look na yun, gusto ko rin maranasan ang maging habulin ng mga tao haha," ani Kaka
Ah... Jhaeshirou pala ang pangalan ng girlfriend nya. Malamang sya yung nakita kong kasama ni Mhico dun sa rooftop noon. Pero parang pabor na nga rin ako sa pagbabago ng look nya. Araw araw na lang kasi twing uwian hindi na nawala ang stampede ng dahil sa mga fans nya. Pero tiyak kawawa ang mga fans nya ngayon dahil tinaguan na sila.
"Classmate! Attention!!"
Biglang sumigaw yung isang classmate namin na ngayo'y kararating lang ng room at halos makapos kapos pa ng hiningang nakasandal sa pintuan dahil mukhang galing sya sa takbuhan.
"Guys, pasensya na kayo ah. Ang OA ko ngayon pero kahit ako kinikilabutan ng malaman ko to pero... Classmate, si Leish kase, na hit and run ng L300 van ngayon ngayon lang, nandun pa sila sa baba hanggang ngayon!"
Huh? Si Leish, kanina lang nandito pa yun ah. Halos nagulantang kaming lahat ng marinig ang balitang yun at parang wala ni-isa samen ang gustong maniwala sa mga sinabi nya. Teka tyak magkasama sila ngayon ni Chell, pati na rin si Jilted. Kaylangan ko silang puntahan ngayon dun.
"Makikisuyo lang Kaka," sabi ko sabay abot ng mga photocopy sa kanya. "...Sayo muna ito, kunin ko rin sayo mamaya,"
"Hoy hoy, sandali lang. Makikityismis din ako huy,"
Hindi ko na sya pinansin, wala na akong pake sa mga sinabi pa ni Kaka pagkatapos nun. Sa halip ay nakipagsabayan na lang ako sa ibang classmate ko na papunta rin ngayon sa insidente.
Pagbaba ko sa labas ng gate, kumpulan ang mga tao kaya ginawa ko ang lahat para makasingit. Habang lumalapit ako, papalapit naman ng papalapit ang ingay ng wang wang na nagmumula sa ambulansya at ng marating ko na ang bungad ay naaktuhan ko pang isinisakay rito si Leish ng mga tao papasok ng ambulansya. Walang malay si Leish nung makita ko, at kinabahan ako ng makitang may umaagos na dugo sa mukha nya galing sa kanyang ulo.
Di kalayuan ay nakita ko sila Chell at kasama nya si Jilted. Pareho silang takot na nakatingin sa pangyayari kaya nilapitan ko si Jilted para kausapin.
"Jilted," pagtawag ko pero hindi parin nya inaalis ang tingin kila Leish. "...Anong nangyari?"
"Si... Si... Leish," nangangatog na sagot ni Jilted
"Sabihin mo," pasigaw kong sabi
"Tumatawid kaming tatlo nila Chell sa kalsadang ito, nasa likuran lang nila akong dalawa nun ng biglang... Ng biglang dumaan yung humaharurot na van na yun at papunta yun sa direksyon namin. Dalawa sana sila ni Chell na mahahagip pero... Nagawa pa nyang itulak si Chell kaya sya lang ang nasagasaan nito," paliwanag ni Jilted
Si Chell? Nakaligtas pala siya. Ngayon alam ko na kung bakit shock na shock ang itsura nya ngayon. Pero kahit ako di pa rin makapaniwala dahil nga sa bilis ng mga pangyayari
Ilang sandali pa ang lumipas ay pinatawag din kami agad para pabalikin ng school. Hindi naman daw kasi kami pwedeng mag stay dun dahil matatawag na raw itong cutting classes. Isa pa, sinamahan na si Leish ng ilang mga taong nakatataas galing sa eskwelahan para samahan sya sa hospital
Kahit si Chell na pamangkin ng school administrator ay bumalik din ng klase. Malamang na natakot talaga sya sa pangyayari pero bakas sa itsura nya ang pag-aalala. Naaawa din naman ako sa sitwasyon ni Leish, pero habang nasa klase kami ngayon. Parang mas marami pa ang natuwa sa sinapit nya base sa mga iniisip nila.
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasiAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...