HDHA - Eleven - Meet Eva

3.6K 86 11
                                    

Medyo lagyan natin ng kaharutan ang part na ito. HAHAHA :)) Yung sketch ni Luigi nasa right side ng screen. Tingnan nyo na lang. [*I do not own anything*] Namimiss ko na magbarok english! HAHAHA may onting english na sa part na ito. Kakamiss lang talaga. Happy 1k na wooooo! ♥ 

=========================================================

ELEVEN

Meet Eva

Badtrip na ako. Pero sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Inalis ko ang bubbles na namuo sa mukha ko gamit ang aking kamay. 

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" pinagalitan ko na naman siya. 

"Papaliguan...din kita." Aish! Ang galing din talaga ng babae na to noh? Natututo nga siya sa akin pero kung ano ang natututunan niya ay gusto rin niyang gawin sa akin. Putek. Makaalis na nga dito. 

"Dun ka." tinuro ko ang kabilang dulo ng bath tub para dun siya pumwesto. Sinunod naman niya ang utos ko. Bahala sya dyan. Basta ako aalis na. Pagtayo ko sa bath tub, ayos pa. Pero nung humakbang ako...

BLAG!

Dulas at lubog ang inabot ko sa loob. F*ck shit! Agad kong inahon ang sarili ko sa pagkakalubong. Tangina! Kailangan pang madisgrasya muna ako bago makaahon?! 

"Bullshit!" mura ko. 

"Bull...shit?" inulit pa niya ang sinabi ko. Aish! Pucha! Sirang-sira talaga ang araw ko. Hinampas ko ng malakas ang tubig sa bath tub. 

"Ser...maligo ka na din. S-sabay...tayo." At saan naman nya natutunan ang ganyang salita na sabay kami? Kingina. Malamig ang tubig pero nag-iinit ang ulo ko. Puta! Hindi ko pa nga siya tapos paliguan. Aish! Ni hindi pa nakapagshampoo. Umupo na lang ako ulit sa may ulunan ng tub at pinalapit siya. Kinuha ko yung shampoo sa may gilid at shinampoohan na siya. Tinitiis ko na lang. Kahit pikon na ako, matapos ko lang ito. Ang pangit naman kung maliligo siya ng hindi nagshashampoo. Ang dugyot tingnan. 

Nung matapos ko na siyang paliguan ay sinabihan ko siyang magstay lang sa tub at wag aalis. Dahil ako naman ang maliligo. 

Tumayo ulit ako saka lumabas ng bath tub. Wala na, basa na rin ako. Pinalilibutan na rin ng namumuong bubbles ang katawan ko at lalo na rin ang ulo ko. Marahas kong inalis ang sando ko at tumungo sa may shower. Hinawi ko ang kurtina para matakpan man lang ako. At saka naghubad ng shorts ko. I'll spare my brief. Baka kung ano pa ang mangyari.

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon