Smile (short story)

238 3 2
                                    

©vave
(this story is not that great, there are misspelled words and this story is my own work when I was in elementary, please be gentle to this story. This might be childish (。ŏ﹏ŏ))

Heart's POV

I'm zoning out again...

And before I realized, I'm staring at him...

Napaigtad ako ng may humampas sa desk ko, si Ella pala, my best friend.

"Uy, tinititigan mo na naman sya, baka matunaw na talaga yan." sabi niya ng nakuha na niya ang atensiyon ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti, "Sorry, kusa na lang kasing napupunta sa kaniya yung mata ko eh."

"Malala ka na talaga sis" sabi nya at hindi maiwasang paikutan ako ng mata nya tiyaka bumalik na sa upuan nya.

I can't help it, ganun talaga kahit sarili ko hindi ko namamalayan na napupunta na sa kaniya yung tingin ko. Malala na talaga siguro ako gaya ng sabi ni Ella.

Binalik ko na lang ang atensiyon ko sa binabasa 'kong libro, wala kasi yung teacher namin ngayon, though may pinasagutan na activity pero tapos ko naman nang gawin kaya nag babasa na lang ako ng libro na dala 'ko.

Heart Mendoza, 17 years old a Grade 11 student here in Cypress Highschool.

At kahit nag babasa na ako napapalingon pa din ako sa kaniya, sa 'kaniya' which is si Mark Renzie De Jesus.

Nasa gitnang row kasi ako at siya naman ay nasa pangalawa sa unahan, and hindi naman kasi uso dito na alphabetical order ang sitting arrangement, kung saan mo gustong umupo, doon ka na. Kaya kitang kita ko kung paano siya makipag tawanan sa mga kaklase 'kong lalaki na kaibigan niya din.

He looks fine today too.

Nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang white uniform. Nakaharap siya sa mga kaibigan niya at nakapatong ang dalawang braso niya sa sandalan ng upuan niya. Paharap  kasi siyang nakaupo sa kaibigan niyang nasa third row. Minsan ay sinusuklay niya sa buhok niya gamit ang kaliwang kamay niya. At minsan ding napapalakas ang tawanan nila kaya't naririnig ko ang malamyos niyang tawa. His voice is actually not that deep. Kaya napakagandang pakinggan ng boses niya.

Renzie is a badminton player here in our school, kasa kasama niya din si Ella kapag lumalaban sila sa labas, ganoon sila kahusay mag laro. At dahil din kay Ella ay nakilala ko siya.

I saw him playing singles in a match last year noong pumunta ako sa match ni Ella para suportahan siya. And i just don't know, he suddenly caught my eyes while he was playing. Sobrang seryoso niya sa match niya noon na hindi mo aakalaing siya ang nakikita ko na nakikipag biruan sa mga kaklase namin.

After Ella's match that day, which she won. And our school placed into 2nd, Silver medal plus trophy back then. I asked Ella if she knew the guy wearing red Addidas shirt and black shorts with white athletic shoes. And Ella, as a best friend she is, smirked at me and tell me his name. And after that, my eyes will always search for him in the school hallway, nalaman ko din kasi na mag katabi lang pala ang room namin. Lagi tuloy akong inaasar ni Ella kasi lagi akong nakatambay sa hallway namin.

And now that I'm in Grade 11, luckily we became classmates, at dito din siya nag senior high at ang strand namin ay ABM.

He's the type of person na madali mo lang malapitan at makausap. Palangiti din kasi siya. At alam ko na marami-rami na din ang may gusto sa kaniya. I mean, I understand, isa ako doon eh. At wala pa namang nag lalakas mag confess sa kaniya, natatakot siguro silang ma reject at maging iba ang pakikitungo sa kanila.





Smile (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon