"Nicole! Nicole! kung ano man ang ginawa ko sayo sorry hindi ko naman alam kung ano ang kinagalit mo ehh!!"
inignore lang siya ni nicole at patuloy sa paglalakad papuntang sakayan..
Nakasunod lang ako Sa Bestfriend kong TANGANG magmahal!!
sa dinamidami ng mamahalin niya ehh itong Nicole na alam naman ng lahat na kasikatan lang at yaman ang habol sa kanya!!
hinahabol pa rin nitong si Jeff ang echoserang babaeng yun
"Please naman nicole sabihin mo ang dahilan.."
"Alam mo hindi na kita kailangan ..."
oo nga sana naman marealize mong merong nagmamahal sayo (_ _)/
"..hindi na kita kailangan kasi nakuha ko na ang kasikatan sa buong school kaya BREAK na TAYO!!" sabi ni nicole
"Alam kong nanggogood time ka lang ha-ha-ha! Magandang JOKE yun!" jeff na pinipilit tumawa
Hayy..sana naman matauhan na tong isang to..
"hayy.. alam naman nating lahat na kasikatan lang ang habol ko SAYO! hindi ako nagjojoke kahit na isa lang tong malaking kalokohan!! Ginawa lang naman kitang Bf kasi sikat ka at mayaman alam kong ibibigay mo lahat para sakin! At dahil na rin sa walangkwentang DARE nang mga kaibigan ko kaya ko ginawa yun!! Kaya.."
Ang sumunod na sinabi niya ay siguradong wumasak sa mundo ni jeff..
"...KAYA WAG KANG UMASA NA MINAHAL KITA!!"
bigla na lang may tumulong luha kay Jeff at umalis na rin si nicole
agad ko namang inabutan ng Panyo si Jeff
"oh..kelangan mo yan.."
"Hindi! Hindi ko kelangan yan!" sabi niya sabay nagtatakbo paalis
"HAYY!! KAILAN MO BA MAREREALIZE NA ANDITO AKO PARA SAYO!!" sigaw ko sa kanya pero parang wala naman siyang narinig dahil patuloy lang siyang tumatakbo papunta sa kawalan..
*Next Day
"bakit mo ba laging pinoproblema yang si Jeff na lagi ka naman sinasaktan.."
"alam mo naman ang dahilan di ba?"
"tsk! oo na pero mukang nagsasayang ka lang ng oras sa lalaking yun!"
"Mahal ko Siya Zen kaya ok lang sakin kung maghintay ako."
"tss bahala ka!"
ngumiti na lang ako sa bestfriend ko
hahanapin ko muna si jeff hindi ko nakita sa classroom baka umabsent or nalate or nagcutting lang sana naman hindi siya umabsent..
Pumunta naman ako dun sa Favorite Place NAMIN kapag may problema ang isa samin..
Pero pag punta ko sa may Rooftop wala naman siya dun.
haayy!! absent ba siya T^T
lalabas na sana ako pero may narinig akong ingay..
sumilip ako ng kaunti sa pinto at
..
...nakita ko si jeff na nakaluhod habang si nicole naman tinitingnan lang si jeff na nakaluhod
bruhildang babaeng to! sarap kalbuhin Grrrr!!
"ano ba kailangan mo ha!"
hindi HA! pangalan niya JEFF alam mo bayun +_+
"please nagmamakaawa ako sayo bumalik ka na lang sakin please."sincere na sincere ang muka ni jeff habang nakaluhod
BINABASA MO ANG
Realize... (One-Shot).
RomanceIto ay para sa mga taong hindi pa narerealize kung sino ang taong Nagpapahalaga at Nagmamahal sa kanila... Kahit ilang suntok na at sipa ang gawin mo sa kanila ay hindi nila malalaman ang gusto nating ipahiwatig..Dahil Manhid sila.. Masakit man isip...