Chapter Twenty-Seven

8.3K 166 7
                                    

Good morning sa inyo! Sweet and mild ang kasama niyo! Wahaha. Ay teka, tama bang lyrics ko? XD

So, magbibigay na lang ako ng brief details senyo. So nung Thursday, wala namang espesyal na nangyari. Games lang naman yun, basketball, football, tug-of-war.. at dahil isa akong mabait na kaibigan, naki-cheer naman ako. Tapos kahapon naman, closing program na kaya kailangan talagang pumunta at may fireworks display tsaka awardings.

Ngayon nama'y Saturday. Kakatapos ko lang maligo at feeling fresh na ako. Bumaba ako para malaman ang kaganapan sa aking pamilya. Charing! :D

"Good morniiiiing!" sigaw ko pagkababa ko.

"Ate! Ang ingay mo!" sabay tingin ng masama saken.

"Wasush. Wag ka na, Purple Rei, inggit ka lang."

"Yeah, right," umupo ako sa couch tapos timing lumabas si Mama.

"Vee, grocery ka nga."

"Hala. Bakit ako?"

"Kasi... you're old enough para mag-grocery?"

"Ikaw pala, Ma?"

"Inuutusan mo ko?" Ayy. Ang taray! :P

"Ang ibig kong sabihin, may kotse ka kaya di mahirap mag-grocery!"

"Then take a cab," Wow Ma. Galing ng idea mo. =_=

"Ma, ang gustong iparating ni Ate Vee e payagan mo na daw siyang kumuha ng driving lessons since turning 19 naman siya next next week."

"May sinabi ba kong ganun?! Isturyahe oi! Sige na, aakyat na ko at magbibihis para mag-grocery dahil ako lang naman ang old enough dito para mag-grocery," sabay tayo at akyat sa stairs.

Nag-pink shirt, capri pants and flip flops lang ako. Yung buhok ko ay ginawa ko into a bun, tapos sinuot ang earings, watch and bracelet ko. Apply ng magic lipstick and wisik-wisik ng perfume. Tingin sa full-length mirror, oh yan, pwede na. Kinuha ko yung shoulder bag ko at tumakbo pababa.

"Ma! Ang shopping list at credit card mo!" pumasok ako sa living room at napatigil ng makita ko ang aking kasintahan na nakaupo kaharap ang aking nakababatang kapatid. Tinuturuan niya ata sa homework. Napatingin siya sakin.

"May lakad ka?"

"Oh, Red, andito ka pala. May lakad ba kayo ni Vee?" eto namang si Mama! Biglang sulpot!

"Ah, iinvite ko po sana pero may lakad ata siya."

"Ay naku, timing ka lang talaga. Inuutusan ko lang siyang mag-grocery. Pwede bang samahan mo siya?"

Bago pa man makasagot si Red eh hinila na siya ni Mama kasama ako palabas ng bahay. Binigay niya yung credit card at list sakin.

"Ingat kayo. Bye!" sabay sarado ng pinto.

"Grocery?"

Napatingin ako kay Red, "Ah, oo. Alam mo yun, in plural 'groceries', items or foods sold in a supermarket?"

"Yeah, right. Pero hindi pa ako nakakapasok ng supermarket."

"Well then, Gummy, prepare! Ipapakilala kita sa supermarket."

Nagpark na siya at lumabas na kami ng kotse. Kumuha ako ng isang pushcart tapos pumasok na. Nagsimula na kong kumuha ng mga items na nakasulat sa list na binigay ni inay.

"Ano palang ginagawa mo kanina sa amin?" tanong ko habang naghahanap ng lagi naming ginagamit na cooking oil.

"Ah. Imbitahan sana kita lumabas. La akong magawa sa bahay e."

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon