KWENTONG BARBERO

954 20 12
                                    

Ang ilang kwento ay naisulat bago pa man ang petsa ngayon. naglalaro ang mga usaping ito sa taon ng 2011-2013 bahala ka na kung anong timezone ang gagamitin mo. lalagyan na kita ng proteksyon sa katawan para di ka madumihan. hala sige. simulan na natin. anong gupit ba?

*HIDE AND SICK*

Paunawa:marahil nagtataka kayo sa title, tama po yan at hindi yan typographical error.

"IKAW" oo tama ikaw, san mu ba madalas ginagamit ang hintuturo mo o sa ingles eh pointing finger? ayun sa kaibigan kong itago nalang natin sa pangalang Google ang pointing finger eh may 1million,9623 things na kayang gawin. di ko nalang lalahatin pa at baka mangamatay na tayo dito sa init eh di pa tayo tapos. kaya nitong magturo ng direksyon, pumindot ng vending machine, ipangulangot, ipang dutdut sa mukha, ipang kiliti, ilagay sa butas at ipang slide sa tatscreen mong celepono, oha, oha, alam mo ba na bukod sa pagtataas ng middle finger eh kaya ka din ipahamak ng pointing finger mo, paano? ayon ulit sa kaibigan kong si google meron itong 3645 na paraan para ipahamak ka ng hintuturo mo, ano ito?? napakasimple, MAGTURO KA!

"HIDE"  

panahon ng hapon ng mauso ang tinatawag na mga MAKAPILI, sila yung taong mga may mga bayong sa ulo na ang tanging butas lang eh sa mata, mga espiya ng mga hapon na tagapagturo nila ng mga sumusuway at nagaaklas laban sa kanilang pananakop, bayong upang itago ang kanilang tunay na katauhan para nadin hindi sila mapahamak habang nagtuturo sila ng mga taong gagawing tamagotchi ng mga hapon. kapalit syempre ng kalayaan at ilang pribilehiyo ng kanilang pamilya. sa panahon natin may mga makapili pa ba?? meron pa. nag evolve na nga lang ito at tinatawag na ngayong "Whistle Blower" mas kilala natin as "witness" sila yung mga nagmemeryenda lang tapos di sinasadyang makita ang isang krimen na nagaganap, yung mga kasama sa krimen pero nakonsenya kuno at umamin nalang sa bandang huli at itinuro ang mga kasama. sa ganitong paraan ituturing ka nilang witness at hindi na suspek, nasa witness protection program ka na ng gobyerno na may special treatment, instant bahay at 24hours security, instant fame at ang pinaka masayang parte?? murderer turn into a hero ka na, dahil ikaw ang susi sa pagkakalutas ng malaking kaso ng pagkawala ng chips ahoy sa cookie jar. 

.

"turo-turo" ito na siguro ang pinaka paborito kong gamit ng salitang ito bukod sa pangungulangot, ang turo-turo ay isang maka masang kainan na makikita lang sa tabing daanan, simple kaya nga turo-turo eh ituturo mo lang kung anong gusto mong kainin tapos tatanungin ka kung isang order o kalahati lang, kung balot o kain(takeout-dine in), kalamansi at patis na may sili sa binili mong spaghetti. walang krimen o karahasan na ang tanging magiging kasalanan lang eh kapag may langaw ang libreng sabaw. bow. 

"SICK"  

May mabuting gamit ang lahat ng bagay, gaya ng may mga masama din itong magagawa, naniniwala ako na nasa tao mismo kung paano gagamitin ang mga bagay na bigay sa kaniya ng may likha, sa sitwasyong mag-iipit sayo at susubukin ka ng tadhana gagamitin mo ba ang daliri mo para sa kapalaran ng iba?? nasasayo na ang pagpapasya, iniiwan ko ng blanko ang tanong ang bayong at titulong makapili sa tabi mo, naway magamit mo ng tama ang daliri mo.

.....

*ALIBATA*

excited ako nung elementary ako sa pagbubukas ng klase. halos lahat kasi ng gamit ko bago. magmula sa 101crayons na padala ng ermat ko including (gold,silver,fusch..dibale na) lapis(monggol#3) pambura na amoy kendi at lasang kendi(pramis!), pantasa na hugis camera, pencil case na may entertainment showcase(may games,basta mahrap paliwanag) blackshoes, rubbershoes na ultraman wid LED lights24x. medyas, notebook na ibat-ibang cartoon character, papel 1whole 1/2 crosswise at lengthwise at 1/4 (hanggang maubos lang tapos kasi di na ko bibili at manghihingi nalang ng papel buong taon). dalawang bagong uniform at isang luma. at syempre ang bagong bag na may child survivor package, cool design, kapote, adjustable belt, waterproof daw(kasi ng matapon ang baon kong zesto, hindi nakaligtas ang notebook at libro ko) at secret pocket kung saan maitatago mo ang gameboy at pellet gun mo. astig diba!!

KWENTONG BARBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon