Heya! After how many months of being not active in wattpad, heto ako, nagpo-post ng One Shot story ko. I hope you will like this even though common na yung genre nito. :)
ENJOY READING! :)
PLAY THE VIDEO AT THE RIGHT SIDE FOR THE MOMENT ^___~ mas maganda kase siya kung may music.. :)))
__________________________________________________________
Heto na naman ako. Tumitingin-tingin sa lugar kung nasaan nakikta kitang tumatawa at nakipag-biruan kasama ang boyfriend mo. Alam mo ba na sa tuwing nakikita kita nasasaktan ako? Oo, sapagkat alam ko na SIYA ang dahilan ng mga ngiti na naka-ukit sa iyong mga labi. Pero kahit na ganoon, hindi ito naging dahilan upang tumigil ang isang George sa pagiging tanga sa pagmamahal ng isang tulad mo.
Umiwas agad ako ng tingin sayo ng mahuli mo akong nakatingin sayo. Nakita kitang nagpaalam sa kanya at tumayo papunta sa akin. Ewan ko ba at bakit nakaramdam ako ng sinasabi nilang 'butterflies in the stomach' sa paraan ng pagkakatitig mo sa'kin. Napalunok ako ng ilang beses nung makatayo ka na sa mismong harapan ko.
"Hoy pangit! Ba't ka nakatingin sa akin? May gusto ka ba sa akin? Ha?!" bulyaw mo sa akin na nakakuha ng atensyon ng iba. Yumuko na lang ako at nananatiling walang kibo. Takot ako na baka pagtawanan mo lamang ako at ipahiya sa harap ng maraming tao. May kakayanan kang ganun eh.
"Aba! Hindi ka nagsasalita ha?! Gusto mong hilain ko yang dila mo at putulin?!" bulyaw mo ulit sa akin. Napalunok ako ng ilang beses at tinatanong ang sarili ko kung sasabihin ko ba ang nararamdaman ko sayo o hindi.
"Hoy pangit! Kung may gusto ka sa akin, pwes! IN YOUR DREAMS!" sabi mo sabay talikod sa akin.
Inemphasize mo pa talaga yung salitang IN YOUR DREAMS na kahit ko naman na hanggang pangarap na lang kita.
Pinagtawanan ako ng ibang mga kamag-aral at ang iba pa nga ay tinawag ako ng mga pangit na salita. Pero ininda ko ang iyong panglalait kasi nga, mahal kita. Umuwi ako nga araw na iyon pasan ang mundo sa aking balikat.
Isang araw lang na hindi kita makita ay parang isang taon ng parusa, paano na kaya ang naging lagay ko nung isang buwan kitang hindi nakita? Isang buwan akong nagtiis sa pag-aalala sa iyo, tulad ng kamusta ka na?; Nagkasakit ka ba?; Nakapasa ka ba ng proyekto mo?; at ng, Inaalagaan ka ba ng boyfriend mo?
Si Mommy kasi eh, pinabantayan muna sa akin ang bahay ng isang buwan na pinagbawalan lumabas kahit sa pinto ng aming bahay. But good thing kasama ko yung kapatid kong babae at inayusan ako.
Umupo ako sa paborito kong tambayan sa field. Lugar na kung saan kitang-kita kita sa aking mga mata.
Alam mo ba kahit na nakukuha ko na ang atensyon ng maraming babae ay di pa rin ako masaya. Iba kasi yung pakiramdam ko kung ikaw talaga yung kasama ko eh. Kahit na magaganda o sexy yung mga babaeng lumalapit sa akin, ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ng puso kong nagmamahal ng lubos sayo, kahit nahihiya akong aminin sayo na mahal kita.
Nung araw na kung saan nag-decide ako na I will let you go na, nabigla ako sa nangyari at hindi itinuloy. Alam mo kung bakit? Nakita kase kitang umiiyak. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para lang malapitan kita. Nabigla ka pa nga at tumigil sa sandali sa pag-iyak ng makita mo ako. Sinabihan mo ako na malaki masyado ang ipinagbago kung itsura kung ang pagba-basehan. Ngumiti ako sayo na nagpapahiwatig na, 'Para sayo tong pagbabagong ito.' Pero masaklap, bumalik ka pa rin sa pag-iyak. Bigla mo na lang akong hinila at niyakap at doon ka umiyak sa balikat ko.
Alam mo ba kung gaano kasakit ang naramdaman ko nung araw din na yun? Sinasabihan mo kasi ako kung ano ang nangyari at bakit umiiyak ka. Nung panahon din na yun, nasabi ko talagang napaka-swerte ng lalakeng yun at iniyakan mo pa. Tumigil ka saglit muli sa pag-iyak at tumingin sa akin. Gustong kung manapak nung makita kung nag-puffy yung mata mo tapos namumula pa. Ngumiti ako sayo at sinabihan ng comforting words para lang maibsan yung sakit na nararamdaman mo. Nilibre pa nga kita ng paborito mong pagkain at dinala sa park para lang ngumiti ka naman kahit kunti lang.
Pero hindi nga naging mabait sa akin ang kapalaran. Pagkatapos lang ng ilang weeks, nakita na naman kitang may kasamang ibang lalake. Pinakilala mo siya sa akin bilang boyfriend mo at pinakilala mo ako sa kanya bilang BESTFRIEND mo. Ang sakit nun. Pero, I still supported you kahit na masyadong masakit na. But luckily, narinig ko na lang matapos ang ilang buwan, nag-break na kayo.
Ewan ko ba kung bakit masaya ka nung panahon na yun na imbes makikita kitang umiiyak. Nabigla pa nga ako nang bigla mo akong ilibre sa park ng mga pagkain, pumasok sa isang mall at sinabi mo pumili ako kahit anong gusto ko. Nagtaka ako kung bakit ganun na lang ang inasal mo. Dinala kita sa beach at dun pinanood nating pareho ang paglubog ng araw. Pero, nawala ako sa sarili ko nung bigla mo akong hilain at halikan. Tumagal rin yung ilang segundo bago mo ako bitawan at sinabi mong "I love you George. Kung magtanong ka man lang kung ano ang dahilan wag mo nang ituloy kase, hindi ko alam. Nagising na lang ako bigla na mahal na kita, na masaya ako pag kasama kita, nasasaktan ako pag may kasama kang ibang babae at higit sa lahat, hindi ko kaya kung mawala ka." Nanatili ka pa ring nakatingin sa aking mga mata waring nagsasabing, 'Magsalita ka naman.' Pero dahil nga natatakot akong aminin sayo ang nararamdaman ko, sinabihan kita na, "Sorry. Pero kaibigan lang ang tingin ko sayo." Bigla ka na lang tumayo at umalis. Pero nakita pa rin kitang pinapahid ang luha.
Yun ang pinaka-masaklap na nangyari sa buhay ko. Ang gago ko. Isa talaga akong napakalaking gago. Kase nga, hawak na hawak na kita eh tapos binitawan pa kita. Ayoko ko lang kaseng magkalayo tayo o kundi masaktan kita. Ganun kase kita kamahal. Pero mas naging dahilan pa mismo nito kung bakit ka lumayo.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sumunod na mga araw. Gusto kitang lapitan pero di magawa. Gusto kong mag-sorry sa nasabi ko pero di ko magawa. And I cursed myself for that.
Alam mo bang minsan napaaway ako dahil sa narinig na isa mga nanliligaw sayo ay pinagtri-tripan ka lang ligawan? Oo galit ako.Hindi ka naman kase laruan para tatruhin ng ganun. At dahil sa gago ako, inaaway ko ang lahat ng lalakeng nanliligaw sayo. Possessive ba? Eh gusto ko akin ka lang.
Kaya nga nung nagkaroon na ako ng lakas ng loob para amgtapat ng pag-ibig ko sayo, ginawa ko. Pero narealize ko na, HULI na ang lahat. Oo tinanggap mo ang pag-ibig ko para sayo, pero sinuklian mo ng pag-ibig katulad ng sa isang kaibigan. Ang sakit, pero alam ko na karapatdapat ako dun. Kase nga kung saan nagkaroon na ako nang chance na maging akin ka, hindi ko tinanggap. Ang gago ko kase.
Pero lahat ng yun ay alaala na lamang ng nakaraan. Oo nga't matagal na yun, pero kahit ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na magmahal na ako ng iba, bigo pa rin ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tumitigil sa pagsisi ng sarili ko sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Ang sakit kase sa pakiramdam eh na nakikita kitang tumitingin sa kanya ng may pag-ibig. Oo nga't wala na akong pakialam sa iyo, pero may nararamdaman pa rin naman ako sa iyo hanggang ngayon. Kung hindi lang sana pinairal ko yung kaba ko sa tuwing nakikita kita, kung hindi lang sana ako naging mahiyain sa pagsabi ko ng 'Oo' sayo nung tinanong mo ako kung may gusto ba ako sayo, kung hindi lang sana ako naging torpe kahit na nalaman ko na may gusto ka sa akin at kung hindi lang sana ako gago....
Ako sana ang lalakeng kaharap mo ngayon na sinasabihan mo ng 'I Do'.
(A/N: Thanks for reading it.. :) VOTEs and COMMENTs are really appreciated... ^_~)
BINABASA MO ANG
Old Memories of You (One-Shot)
Teen FictionYou may be gone but your memory in me will always be there. - George another story by: -kai_217 >>> JiAnMea