Chapter 2

438 19 6
                                    

Chapter 2

















Lunch time na nang matapos ang meeting ni Tyrone with the advertisers. Nang makabalik na siya sa opisina niya ay napansin niyang nandon pa rin si Emerald sa desk niya. Abala pa rin ito sa pag-tatype sa laptop niya.








Napakunot noo siya.








Galing na siya sa meeting at lahat ay hindi pa rin pala tapos si Emerald sa kanyang ginagawa. He wondered what's taking her so long to finished an article.








"Di ka pa rin pala tapos dyan Emerald?" He asked nang makalapit siya rito.








Agad na sinara ni Emerald ang laptop niya. She glanced at him. "Ahh... Tapos na yung article kanina pa. Iprint ko na lang yung draft."








"Kung ganon, ano yung sinusulat mo?" Curious na tanong nito.








"Ah, well... Nag-sulat lang ako sandali sa blog ko." Paliwanag ni Emerald. Sa totoo lang, partial draft para sa bagong niyang nobela ang kanyang ginagawa. Kahit si Tyrone ay hindi rin alam na nagsusulat siya nang nobela. Ayaw ni Emerald na malaman nang lahat na siya rin ang novelist na si Gayla. Natatakot siya na baka pag-nakita ng lahat ang itsura niya under that pen name ay baka wala nang tumangkilik ng gawa niya.









"Okay." He said. Truth is, gustong-gusto niya makita kung ano ba ang mga sinusulat ni Emerald sa blog niya. The thing is, hindi niya alam ang pen name nito at kung saan site siya nag-susulat. Masyadong malihim at maingat si Emerald sa paggamit ng social accounts, sa opinion niya. Kasi naman, he asked her one time pero ayaw sabihin ng dalaga. Kung alam lang niya ang totoo, wala naman talaga siyang blog site.








"Kain tayong lunch sa labas." Pag-aya niya sa dalaga.








"Eh.." Di alam ni Emerald ang sasabihin upang tanggihan ang offer niya. Ang bait pa naman ni Tyrone sa kanya. Kaya lang kasi yung mga ibang kaopisina nila ay lagi na lang nilalagyan ng malisya ang pagiging malapit ng binata sa kanya. At isa pa, sa tuwing aayain siya ni Tyrone kumain ng lunch sa labas ay panay tapal ng tingin sa kanya mga tao sa paligid at pagtatawanan pa siya. Kung ano-ano pa ang naririnig niyang pinasasabi ng mga ito. "Saan ba tayo kakain?"









"Kahit sa fastfood ok lang or sa sbarro." Suggest ni Tyrone. Lihim na nagdadasal na sana huwag siyang tanggihan ni Emerald. Gusto niya lagi na kasabay ang dalaga sa tuwing kakain ng tanghalian. Gustong-gusto niya ang kompany ng dalaga, wala kasi itong kaarte-arte at masayang kausap.








Napakamot sa ulo si Emerald. "Iba na lang ayain mong kumain sa labas. Parang hindi ko trip lumabas ngayon eh." Pagdadahilan niya. "Sa pantry na lang ako kakain."








"At magmukmok mag-isa." Dagdag ni Tyrone. "Please Emerald, samahan mo na ako. Malungkot kumain mag-isa."






She rolled her eyes upward. "Sige na nga." She stood up and fixed her herself. Kinuha ang shoulder bag niya at sinukbit ito.








Lihim na nagbubunyi si Tyrone dahil sa magkakasama niya ulit si Emerald.








Sa SM North Edsa sila nagpunta since malapit naman ito sa opisina nila.








Sa Shakey's pizza sila nag-decide kumain.









Habang nakain sila ay hindi naiwasan na tapalan ng tingin si Emerald nang ilang mga customers na kumakain don. Rinig din niya ang mga pinagsasabi nila.







"Sayang, ang kagwapuhan nung guy. Napunta lang sa isang manang." Rinig niyang sambit ng babae sa kasama niya. Lima silang grupo na nakaupo katabi lang ang table nila.







"Baka ginayuma nung babae si pogi." Sabay tawa nila. "Tingnan mo naman mga girls, malala pa kay Betty La Fea."







"Baka hindi naman sila mag-jowa." Rinig naman niya mula don sa kabilang table.







Biglang nainis si Emerald. Grabe ha! Sarap itapal nang kinakain nilang pasta sa mukha nila!







"Huwag mo nang pansinin mga pinagsasabi nila." Si Tyrone na animo'y napansin ang biglang sumimangot na mukha ng dalaga.







"Nakakainis lang kasi eh." Angal nya. "Kahit saan na lang ako magpunta, lagi na lang AKO napupuna."







"Alam mo naman na ang mundo ay isang mapanghusgang lugar." He looked at her apologetically. "I'm sorry kung pinilit kitang sumama sakin."










"It's okay." She said quickly. "Thankful pa nga ako kasi may taong friendly sakin, kahit ganito get up ko."









"Hindi ka naman mahirap magustuhan." Biglang nasabi ni Tyrone. Sa di sinasadya ay nadulas ang dila niya. Kung pwede lang iuntog ang ulo niya sa mesa ay ginawa na niya. Wish niya na sana hindi ma-gets ni Emerald ang nabiwatan niyang statement. How he really wish na masabi niya ang totoong feelings niya for her. Kung bakit kasi siya nauunahan ng kanyang pagka-torpe.










"What do you mean?" Tila di nakuha ni Emerald ang ibig sabihin ng sinabi ng binata.










"Mabait kasi at madaling pakisamahan." Pagdadahilan niya sabay kamot sa batok niya. "Hindi ka mahirap kaibiganin."








Napatango si Emerald. "Ah.. Okay."










Tyrone sighed in relief. Muntikan na ko don ah.








"Mukhang bet ka nang mga babaeng nasa tabi natin oh." Puna ni Emerald. "Yung isa don sa tabi natin sa kaliwa, panay ang sulyap sayo at tumitili pa sa mga kasama niya."









Sorry na lang sila. He thought to himself. "They're not my type."








"Napansin ko lang... Bakit hindi ka yata nagkaka-girlfriend?" She asked full of curiosity. Sa isang taon kasing pagtatrabaho niya at friendship nila ni Tyrone eh wala siyang napapansing may nililigawan ito o kahit babae na pinapakilala or something.









"Wala lang magustuhan." Simpleng tugon niya. Saka sumubo ng kinakain niya.









"Imposible naman yata na wala kang type sa babae." Komento niya. "Ano ba standard mo? Hot chick ba o yung tipong mala-artistang ganda tulad nang mga nagiging cover ng magazine?"

Never been KissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon