17 : He's Not Mine.

17 1 0
                                    


O.O


My eyes widen because of what he said. My heart's beating abnormally fast! Gosh! Di ako makapagsalita! Ano daw yung sabi nya?!!


Mahal ba kita? Tayo ba?

Mahal ba kita? Tayo ba?

Mahal ba kita? Tayo ba?


OMO!


"I..I mean. Dati. Noon. Nung before ako makainom ng potion kahit alam kong di talaga yun ginawa ni Blaire." he explained.

Tss. Bat ba ayaw nyang maniwala na ginamit ni Blaire yung potion makuha lang sya. Psh! Teka, NOON? DATI?

Naalala ko bigla yung time na niyakap ako ni Orion dahil natatakot ako sa kidlat. Naalala oo din nung gumising ako na kayakap sya. Naalala ko din bigla nung kiniss nya ako sa cheeks. I suddenly feel my face burning. I flushed. Erase Erase Erase. I bite my lower lip. Gosh! Don't tell me na kinikilig ako! No no no no no.


"So...? Are we..." He said looking straight at me waiting for an answer.

I breathe out heavily before answering his question. I look straight into his eyes.


Wala namang meron samin dati. Sasabihin ko sa kanya ang totoo na wala talaga. Bat nya ba natanong yun? I open my mouth to tell him the truth but...


"Okay. Wag ka na magsalita. I knew it. Tayo nga siguro noon. Bakit di ko maalala? Pero past is past naman diba? *sigh* Gotta go." sabi nya at madaliang umalis.


What?! Kami noon?!! Gosh! How I wish na sana kami na nga lang. Tsk.

Tsaka isa pa. Matapos nya dumating dito ng biglaan ng walang paalam bigla nalang akong iiwan? Aba matinde.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Last na subo na kaso napansin ko ubos na pala yung ulam ko. Napatingin ako dun sa iniwang pagkain ni Orion. Ang dami pang tira. I gulp.

Lingon sa right side. Lingon sa left side. Tingin sa likod. Tingin sa unahan. Okay. Walang nakatingin.

Kumuha ako ng ulam sa pagkain nya ng mabilis sabay kain. W
Sabay subo ng kanin and now I'm done! Ganun lang kadali yon! Wahahahaha.


/author : patay gutom😒🌵/


---Classroom---

Math time! Yea! Kasalukuyang nagpapaquiz si ma'am sa amin. Kaunahan akong natapos sa pagsasagot. Kaya eto ako ngayon, pa-easy easy lang.


"Tapos ka na kaagad? Ang bilis naman. Pagaya." sabi ng seatmate ko.

"Matapos mo 'kong suntukin kahapon may gana ka pang manggaya? Huh! Utot mo." pagdadamot ko.

"Edi wag. Pero ang galing mo pala sa math no? Sa history ba, magaling ka din?" pagtatanong nya.

"I hate history. Ano ba to? Interview? Magsagot ka na nga lang. Mamayang uwian. Tandaan mo gaganti ako sayo. Uupakan din kita." I said as I glare at him. I clench my fist.


"Woah. Chill! Uhm. Sorry dahil nasuntok kita. Humarang ka kase. Si Orion naman talaga ang uupak---" natigil sya sa pagsasalita


"Mr. Zarsuelo and Ms. Ramirez. Kung magdadaldalan kayo wag sa time ko." sabi ni ma'am.


Aish. Ayan nadamay pa ako! Tsk. Napasimangot na lang ako.

"I'm sorry ma'am." He said. Nagnod si ma'am at nagpakabusy na ulit sa pagchecheck ng mga papel ng ibang section.

I glared at him. He just smile widely. Urgh! Kainis. I rolled my eyes. Sa ibang direksyon ko na lang ibinaling ang atensyon ko.

Uwian na! Pagkalabas na pagkalabas ng history teacher namin ay tumayo ako at hinawakan sa colar ng uniform yung kaseatmate ko dahilan para mapatayo din ito.


"W-what are you doing?" tanong nya ng may pagkabigla. Nasa amin ang atensyon ng mga kaklase ko.

Boogsh!

Sinuntok ko sya sa muka. Gulat na gulat ang mga kaklase ko.

"Gumanti lang ako. Para naman magkablack eye ka rin kahit minsan lang. Diba? Bye." sabi ko.


He eyed me incredulously, pati mga classmates ko. I just flip my hair as Im walking out of the room like a model in a pageant. Saaay! Taray!

Nakita ko kaagad si Darth na naghihintay sakin sa baba ng hagdanan.

"Darth!" pagtawag ko sa kanya ng nakangiti.

"Oh, napano ka? Anyare sa labi mo?" pagtatanong nya.

"Nasuntok ako kahapon. Tsk." sagot ko ng may pagkainis.

"Huh?! Sinong sumuntok sayo? Upakan ko na ba?!" sabi nya ng galit na galit. That's my bestfriend!^^


"Naupakan ko na sya kanikanina lang." sabi ko at ngumiti ng mala kontrabida. Wahahaha.


"Woah. Nice. Kwentuhan mo na lang ako next time ah. Hahatid ko pa kase si Mae e. Iniintay ko lang ang labas nya." sabi nya.

"What? Nung minsan ay Faye ba yun or Kaye? Tapos ngayon naman ay Mae? Ibang klase." I said incredulously.

"Ganun talaga kapag gwapings!" sabi nya at nagwink habang nakangiti. Ibang klase talaga.

"Nababaliw ka na. Una nako. Landi mo eh!" sabi ko ng pabiro at naglakad na palayo. Nakinig ko naman syang tumawa. Tsk.




I'm now stepping out of the elevator. Naglakad na ako papunta sa pintuan ng condo ko.


Nakasalubong ko bigla si Orion. Nagulat naman ako dun. Naglalakad sya ng nakatungo at parang ang lungkot lungkot nya. Di nya ako pinansin at dirediretso lang sya sa paglalakad. Galing siguro sa condo ni Blaire. Tss.

Pinupuntahan nya parin pala hanggang ngayon si Blaire. I sigh.

Naiinis na talaga ako kay Blaire. Pag nakita ko ulit yung pagmumuka nya baka di ko na mapigilan ang sarili ko na kalbuhin sya! Kainis!


Why do I always feel this? Jealousy? Damn!

I love everything about Orion except the fact that he's not mine :'(

----------

Aww. Nagdradrama si Demetry. Mga bata, abangan nyo ulit ang susunod na kabanata ha? 😂😂 Jokens! Keme. Okay, once again..thanks sa mga patuloy na nagbabasa nito. Lavyall!💕😘

The Most Powerful ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon