Irish's Point of View
"I-Irish", may narinig akong boses sa likod ng pintuan. Halos napatalon na yung puso ko sa kaba na nararamdaman ko. Bakit siya nandito? "Buksan mo please"
Hindi ako kumibo at tumahimik lamang. Kahit ilang beses na siyang kumatok, hindi ko siya pinagbuksan. Kahit ilang beses na siyang sumigaw, hindi pa rin ako nagsalita. Umiiyak lang ako habang nakayuko.
Ano bang ginagawa niya dito?
Ilang minuto na ang lumipas at hindi na siya nag-ingay. Baka bumalik na siya sa babae niya. Ano ba ang ginagawa niya at sundan ako? Eh wala naman akong karapatan.
"Uy, buksan mo na 'to. May nahulog ka kanina. Yung bracelet mo.", agad akong napatayo sa sinabi niya. Binuksan ko agad yung pinto at nagulat siya nung binuksan ko iyun. Kinuha ko sa kanya yung bracelet at sinara na din yung pinto pabalik bago siya makapagsalita.
"Pwede ka ng umalis.", malamig kong sabi sa kanya habang tinititigan yung bracelet na kulay blue. Agad ko naman 'tong sinuot. Bakit ko ba 'to nahulog? Sa lahat ng bagay, ito pa ang nahulog.
"U-Umiiyak ka ba?", narinig ko yung boses niya na medyo nag-alala. Sinara ko yung kamao ko. Bakit? Bakit concern siya sa akin? Ano ba 'tong ginagawa niya? Pinapaasa ba niya ako?
Ano ba ang gusto niya. Nakaramdam ako ng medyong inis at galit. "Ano ba yun sayo?! Umalis ka na nga!", napasigaw ako. Bakit niya 'to ginagawa?! "Bumalik ka na sa girlfriend mo. Wag mo na akong alalahanin", mahinahon kong sabi sa kanya.
"Bakit ka nagagalit? Wala naman akong ginawang masama ah! Akala ko ba okay na tayo?", mahina niyang sabi sa akin na parang nalulungot yung boses niya. Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
Bakit ba kasi ako nagagalit? Wala naman akong karapatan. Ano ba 'tong dramang ginagawa ko? Wala akong karapatan, alam ko yun. Bakit naman ako nagseselos na parang girlfriend niya ako. Wala akong magawa. Gusto ko yung tao kahit walang kami.
"Hindi ko naman girlfriend yun si Cindy. Ex girlfriend ko yun. Alam kong nabigla ka sa ginawa ko sa kanya. Namiss ko lang naman yung tao eh."
"Bakit ka nag-eexplain? Ano naman sa akin kapag ex mo lang yun?", mataray kong sabi sa kanya habang nakatingin sa blackboard na nakaupo sa sahig. Bakit ba siya nag-eexplain? Wala naman akong karapatan na malaman ang lahat ng ito.
"Dahil kaibigan kita?"
Ouch. Saket ng sinabi niya ah. Ang sakit. Oo, kaibigan lang ang turing ni Kurt sayo Irish. Nothing more, nothing less. Ano bang ibang iniisip mo?
"Tsk.", at tumayo na ako at pinagbuksan iyung pintuan ng room. Kailangan kong tanggapin na hanggang kaibigan lang talaga yung pagtinggin niya. Wag kang mag-assume, Irish!
Pagbukas ko, nakita ko siyang nagulat. Tiningnan niya ako sa mga mata at agad naman akong umiwas. Ayoko ng umasa. Wala akong mapapala neto. Kailangan kong tanggapin na kaibigan lang niya talaga ako. Wala ng iba!
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Fiksi Remaja(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...