Trip mo , Trip ko , Nagkatotoo !By: Diana Rose Hallig

94 0 0
                                    

CHAPTER 1

"Hi mrs." nanunuksong wika na naman ni Tyrone kay Lianne habang nasa loob sila ng classroom. Nasa first year college silang pareho sa kursong B.S.I.T sa paaralang A.C.L.C.

Tigilan mo na nga ako Tyrone!!! Pasigaw na wika ni Lianne na tila ba'y nag-aapoy na ang mga mata kung makatitig sa binata. Madalas ang tuksuhan sa magkakaklase kaya naman dapat walang pikunan, ngunit kay Lianne ang panunukso ni Tyrone ay parang palaging bago sa kanya.

"Hey guyz, saan ruta natin ngayon? May vacant tayong 4hours. Tara tambayan na ito..:" pagyaya ni Lea sa buong barkada.

"Eh saan pa ba? Di sa favorite place natin sa PIER!" Ang pagtugon naman ni Lianne sa pagyaya ni Lea.

HABANG SA DAAN AT NAGLALAKAD ANG BUONG BARKADA

"Mrs.sabay na tayo pwede?" Sabay ngiti nito sa dalaga habang nakatitig sa mga mata nito. Pang-uurat na naman ang ginagawa ni Tyrone kay Lianne.

"Ano ba! Ako Tyrone pikon na pikon na ko sayo! Hmp! Lumayo ka nga sa akin, baka mamaya niyan mapagkamalan pa na magnobyo tayo! " Ang malakas na sagot ni Lianne at narinig pa ng buong barkada.

"Uiii" panunukso ni Mark, "ang sweet ng dalawa bagay talaga," sabay tawanan ng lahat.

NANG MAKARATING SA PIER

"Naku naman !" ang init angal ni Mae na tumatagktak na ang pawis sa noo. Matalik siyang kaibigan ni Tyrone at madalas silang magbiruan at magsabihan ng kani-kanilang problema.

"Patabi Mrs. Hehehe pwede po ba??" Nagbibirong tanong ni Tyrone kay Lianne.

"Ano pa ba ang magagawa ko eh nakaupo kana sa tabi ko. Sige upo na" sabay ngiti nito sa binata.

CHAPTER 2

Habang lumilipas ang bawat oras at araw na magkasama sila ay tila nauunawaan na ng dalaga ang mga pagbibiro ni Tyrone sa kanya. Sa madaling salita lahat ng trip ni Tyrone ay sinasabayan nalang ni Lianne.Simula sa palaging magkatabi sa upuan, magakahawak kamay at pagigng sweet sa isat-isa tulad ng magnobyo. Pero hindi sila at lahat iyon ay trip at walang katotohanan.

KINAUMAGAHAN

"Papa Jesus magandang umaga po, naway ilayo po ninyo ako sa anumang kapahamakan gayon din ang mga mahal ko sa buhay at si Tyrone. Ito lang po ang aking panalangin sa matamis na pangalan ni Jesus Amen." Ito ang kadalasan sinasambit ni Lianne tuwing siya ay nanalangin sa umaga.

Pagkatapos niya manalangin ay napaisip ito kung bakit naksama si Tyrone sa kanyang panalangin.

"Haixt ! bakit ko nga ba naisama ang mukong na iyon sa prayer ko." Wika sa isip ng dalaga sabay ngiti nito.

"Mommy alis na po ako" ang paalam nito sa kanyang ina bago umalis patngong eskwelahan. Bawat madaanan nito kakilala man niya o hindi ay pinakikitunguhan niya ng maayos na wlanag halong kaplastikan.

"Good morning kuya guard" ang bati nito sa kanilang guardiya ng makarating sa paaralan. Masasabing masiyahin si Lianne at kayang kaya niya dalhin ang problema na hindi nahahalata ng iba ngunit lingid sa kaalaman ng iba sa likod ng mga ngiti ni Lianne ay may kalungkutan itong pilit na itinatago sa iba.

Nang nasa ikalawang taon sa elementarya si Lianne ay namatay ang kanyang ama sa hindi malamang dahilan. Pinilit itago ng kanyang ina ang lahat upang hindi na masaktan pa ang kanyang anak. Lumpipas ang panahon na ang tanging pagkakaalam ni Lianne ay nagtatrabaho ang kanyang ama sa malayong lugar.

Napilitan magtrabaho ang kanyang ina sa Manila ay nawalay ito sa kanya ng ilang taon. Maraming pinagdaanan si Lianne simula pagkabata. Panunukso ng mga kamag-aral na walang ina at ama na gumagabay sa kanyang paglaki. Tuwing nangyayari ang ganitong eksena ay walang magaw ang batang tulad niya kundi ang lumuha sa likod ng kanilang pintuan sa kanilang silid-aralan. Pangungulila sa kanyang mga magulang ang nagtulak kay Lianne upang magpursige sa pag-aaral.

Trip mo, Trip ko, Nagkatotoo! By : DianzkhieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon