Chapter 2: Hundred Evil Soul's Parade I

1.3K 64 2
                                    


*Note: Lily's POV


"Na-inventory mo na ba lahat ng mga pagkain at bigas na binigay ng mga Fighters para sa center?" tanong ko kay Iris habang nagwawalis sa tapat ng dating 711 na ngayoy tambakan na ng mga pagkaen.

tsugu

tsugu

tsugu

tsugu

tsugu

Malakas na ugong ng generator na bumubuhay sa kuryente ng 711 upang mapanatili at hindi mabulok ang mga nabubulok na pagkain sa refrigerator. Paikot sa 711 ay may labing pito na katao. Ito'y halo ng mga lalaki at babae na nagsisilbing bantay sa 711. May hawak silang mahahabang baril na madalas mong makita sa mga security guard.

Ang iba nga sa mga ito na lalaki ay nakatingin sa direksyon namin natila natutuwang panoodin kami. Hindi din naman kasi mapagkakaila na may itsura si Iris. Mahaba ang buhok, sexy at maputi.

Madalas naman akong panlaban sa baranggay kaya ang iba sa mga bantay na ito ay kilala ko na. Dati ay mga tanod lamang ang iba sa mga ito na nakatingin at tila pinag-uusapan kami.

Alam mo 'yung tingin manyakis.

Tsk.

tsugu

tsugu

tsugu

tsugu

tsugu

"Oo, tapos na. Ikaw na lang ang hinihintay ko Lily." Sagot ni Iris sakin habang nakatitig sa malaking bakod na lampas isang metro ang taas .

Ang bakod na ito ay pumapaikot sa evacuation center upang maiwasan ang mga zombie at iba pang monsters na makapasok sa loob ng teretoryo ng mga tao.

Mula sa evacuation center, ang radius nito ay may lagpas 15 meters. Madalas din itong nirorondahan at binabantayan ng mga Fighters at private army ng Mayor.

Noong una maganda ang palakad ng lugar na ito. Matatawag mo itong paradise in hell pero habang tumatagal lumalabas ang tunay na kulay ng mga tao dito.

Kapag wala kang pakinabang, sila ang magdedecide kung anong gagawin mo. May iba na naging katulong ng Mayor, may iba naman na katulad ko na nilagay sa pag-iinventory at paglilinis at may iba naman na magaganda na naging "PERSONAL NA ALALAY" ng Mayor at ng Pari.


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Apat lang ang klase ng tao dito.

Ang Mayor at ang Pari ang pinakamataas dito.

Puma-pangalawa ang private army ng Mayor at ang mga Fighters.

Ang naging mga trabahador, personal alalay at ang mga pokpok ng Fighters na pinagpapasa-pasahan para lamang sa isa o dalawang kilong bigas na walang lakas ng loob maging Fighter.

Ang huli ay ang mga matatanda at bata na walang pakinabang. Walang magagawa na trabaho at walang maiiambag sa sitwasyon naming ito.

Bilang trabahador kumikita kami ni Iris ng isang kilong bigas per day. Hindi tulad noong una na libre ang pagkain araw-araw. May lugaw na nakahain sa umaga at gabi. Ngunit hindi nagtagal ay dahan-dahang nauubos ang aming supply ng bigas at ulam.

Ang mga matatanda na hindi na kayang magtrabaho at ang mga bata na wala pang alam ang nakakatanggap ng pagkain. Ang utos na ito ay mula sa pari ng simbahan. Ngunit ayon sa Mayor ang the rest ay kailangang pagtrabahuhan at paghirapan ang mga pagkain bilang sweldo.

May mga tao naman na ayaw magtrabaho o hindi kaya ng katawan kaya ibinebenta na lang ang sarili sa mga Fighters upang makakain ng ayos.

May mga babae na Fighters din naman na tutol sa gawaing ito pero wala silang magawa dahil ang babae na mismo ang nagpi-prisinta.


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


"Ok ka na?" tanong ko kay Iris.

"Oo tara na." sagot nito.

Tinahak namin ang daan patungo sa mala-gubat na tent at patong patong na yero at kawayan kung saan ginawang pansamantalang bahay ng mga tao dito sa evacuation center.

Napailing na lang ako sa itsura ng lugar na ito. Maamoy mo ang alisangsang ng ihi at dumi ng tao. Lagi kang may maririnig na umiiyak at nagdadalamhati sa mga nawala nila sa buhay. May mga tao namang nanlilimos sa gilid ng daan at naghihingi ng tawad.

Gaya ng mga ito hindi lahat nagiging trabahador. Syempre namimili din sila ng tatanggapin. Hindi din nila kayang tumanggap ng madaming tao dahil kukulangin ang supply ng mga pagkain.

May mga naiyak at sumisigaw pa nga na teenager na nahingi ng isa o dalawang kilong bigas at maaari mo ng gawin lahat sa kanya sa loob ng isang gabi.

May mga taong nagiging desperado na sa sitwasyong ito dala ng takot sa mga halimaw, pangamba, kawalan ng minamahal at gutom. Lalo na ng hinigpitan na ng Mayor ang paglabas at pagpasok ng mga pagkain sa 711. Nawalan na ng libre, lahat may bayad at serbisyo.

Araw-araw tumataas ng tumataas ang casuality dahil din sa mga namamatay sa gutom, patagong pagpatay, pagnanakaw ng pagkain, iba't ibang krimen sa pinakamadidilim na bahagi ng evacuation center at mga padami nang padami na naglalakas ng loob maging Fighter na sa bandang huli ay namamatay.


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Napabuntong hininga na lang ako.

Sa iisang barong-barong lang kami nakatira ni Iris at ng dalawa pa naming kasama na babae.

Sa malayo pa lang ay nakita ko na ang mga taong may dala ng mahahabang baril na tila nagbabantay sa aming maliit na tahanan. Kinakabahan ako. Tumakbo ako higit-higit si Iris.

Baka may nangyari ng masama sa dalawa naming kasama!

Nang biglang may lumabas na babae sa pinto at bakas sa mukha nito ang galit. Si Mary!

"Sila po iyon!"

"Sila pong dalawa ang nagnakaw ng apat na kilong bigas sa 711!" sigaw nito habang nakaturo sa kanilang dalawa.



note: Ano kayang Class ang pipiliin ni Jyx hahahaha

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon