My Ex-Boyfriend is Back from Hell

16.3K 174 38
                                    

~(‾▿‾~) (~‾▿‾)~~(‾▿‾~) (~‾▿‾)~~(‾▿‾~) (~‾▿‾)~~(‾▿‾~) (~‾▿‾)~~(‾▿‾~) (~‾▿‾)~

Hello, Readers! This is my Writer'sColumn. yea.

Thank you po sa magbabasa nito. HAHAH ang baet mo! THUMBS UP ako sayo. 

this is my second on-going novel. naisip ko lang talaga to bigla and sinulat ko na kagad para hindi ko na makalimutan kung ano ung idea ko. some of the part here are may part sa pangyayare sa buhay ko that was only inspired in the story pero most of the parts ay kathang isip ko lang na at least gusto ko ding mangyare sa akin pero malabo na kasi college na ako tas patapos na din. wew. anyway, sana magustuhan nyo ang plot nito.

tyagain nyo na pong basahin, maganda po ito kasi nung inisip ko parang "One More Chance" pero with a twist. HAHAH! thanks!! LOVE LOTS! VOTE AND COMMENT PO! ♥ ♥ ♥

(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )(◦'⌣'◦ )

My Ex-Boyfriend is Back from Hell

Brief summary:

Love is sweet but REVENGE is sweeter. Pagkatapos makipagbreak ni MIYA kay DANIEL sa last day of that school year. Nagiba ang pakikitungo at attitude ni DANIEL ng magsimula ang bagong school year. Ibang iba sa pagkakakilala ni Miya sa kanya. Ano kayang kahahantungan ng mga evil plots ni Daniel, lalo bang magkakalayo ang loob nilang dalawa o lalo pangpaglalapitin?

Prologue

Isang maiinit na hapon may isang lalaki at babaeng nakatayo sa open field ng campus nila. Ang hangin sa paligid ng dalawa ay sobrang lamig at malungkot. Mga seryoso at nangungusap ang mga mata.

ang lalaki ay may katangkaran malinis at maikli ang buhok, ang mga mata nya ay naka fix lang ang tingin sa babaeng kasama at nagtataka. Ang babae naman ay hindi gaanong matangkad hanggang balikat lang sya ng lalaki at sobrang haba ng buhok. Nakatungo ito at parang naghahanap ng tamang salita para simula ang sasabihin.

“Sorry naguguluhan na ako sa relasyon na to.” Sabi ng babae. “Hindi ko na alam kung bakit kailangan humantong ang lahat sa ganito.”

“anong ibig mong sabihin?” tanong ng lalaki, hindi nya inaalis ang tingin sa babae.

“Mahirap ipaliwanag pero parang lumalamig na ang pagmamahalan natin.”

“Ano ba ang gusto mong sabihin?” demand ng lalaki, “Tumingin ka nga sa akin.” Utos nya.

Tumingala ang babae, maluhaluha na sya. Kinagat nya ang lower lip nya para pigilan ang papalabas ng mga luha.

“Gusto ko lang sabihin na ayoko na!” pasigaw na bigkas nya.

Nagulat ang lalaki at napakunot, halatang nagngingitngit ito sag alit ngunit pinipigilan. Kinimkim nya lang ito habang nakasarang mahigpit ang dalawang kamay at nagsabi, “ano ba ang problema? Hindi ko maintindihan bakit gusto mo tayong maghiwalay?”

“Hindi mo ba napapansin? Hindi na tayo tulad ng dati, mukhang hindi ka na Masaya pagmagkasama tayo. Ang tahimik mo, hindi mo na ako masyadong iniimikan. Hindi mo na ako niyayakap, kahit magtry ako pagselosin ka, wala ka man lang reaction, parang umaasa ako ng attention sayo pero hindi mo ako pinapansin.” Sunod sunod na sinabi ng babae. “Inaaway kita on purpose minsan pero ang kapalit naman hindi mo ako kinakausap ng isang lingo at ako pa talaga ang magsusuyo sayo. Alam ko sobrang baet mo, at ang lahat ng hingin ko ay bigay mo pero bakit parang ang tanging kailangan kong pag-ibig galling sayo ay hindi ko maramdaman?” dagdag nya.

“May pagkukulang ba ako?! Binigay ko naman sayo lahat a! oras ko, iniwan ko mga kaibigan ko para lang makasama ka, kahit wala akong pera nangungutang ako para lang mabigyan ka ng bagay na gusto mo. Iniintindi kita sa mga panahon na sinusumpong ka. Ano? Ako na naman ba ang pagkukulang?” sabi ng lalaki tumataas ang boses.

“Masyado ka kasing mabaet. Akala mo ako lang lagi ata ang nagseselos sa ating dalawa. Sa sobrang baet mo kahit ibang mga babae mabaet ka! Konting request lang sayo papauto ka naman! Hindi na ako minsan nagsasalita kasi alam ko na sasabihin mo. Sasabihin mo, ‘wala ka naman talaga kailangan ipagalaala kasi mga kaibigan ko lang ung mga un, parang mga kapatid.’ E ano ba tayo dati magkaibigan hanggang maging syota mo.” Sunod sunod na namang sinabi ng babae.

Napatahimik silang dalawa. At bumigat ang hangin sa paligid. Malapit na ang labasan konting minute na lang at magriring na ang bell.

“Alam mo nga minsan nga naiisip ko, mukhang nasasanay na ako na wala ka sa tabi ko, na hindi mo ako kinakausap, na parang wala kang pake. Ano pang kaibahan nun sa tayo at hindi na tayo?” malungkot na sinabi ng babae. “kung patuloy tayong magiging ganito ano pa ang magiging bukas? Wala na ang tamis ng pagmamahalan na sinasabi natin dati. Can you just set me free? Because staying with you makes me feel weaker and it hurts to continue loving you if I can’t find you loving me back.” Sabi nya.

“…Sorry.” Pahabol na sabi ng babae.

Ngaun nakatungo na lang ang lalaki, mukhang naguguluhan pa din. Hindi sya makatingin ng tuwid sa babae, kasi nasa isip nya, ginawa na nya lahat ng makakaya nya para lang ipakita na mahal nya ito. Hindi nya Makita ang sarling faults nya.

Tumingala ito at tiningnan muli ang babae.

“Okay I’ll set you free.” Mahina nyang sinabi.

At nagring ang bell. Naglabasan ang mga tao sa building at naoverwhelm ng mga tao ang dalawang naguusap. Ngumiti ang babae at sinabing, “thank you.”

Nang palingon na ang babae papatalikod, nakita nya ang lalaking nagbigkas ng walang sound, “I Love You.”

Napatulo na ang luha ng babae at tuluyan ng tumalikod at naglakad papalayo.

Samantalang ang lalaki ay nanatiling nakatayo dun at napatulala. Nang halos lahat na ng tao ay nawala, at may lumapit sa kanyang lalaki at tinapik ang balikat.

“Tol, ayos ka lang ba?” sabi ng dumating na lalaki.

At doon na lang napatulo ang kanina pang kinikimkim na luha ng lalaking nakatulala. Hindi matapos ang mga luha sa pagpatak. Ang tanging nagawa lang nya ay takluban ang mukha nya habang patuloy na pumapatak ang luha.

My Ex-Boyfriend is Back from Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon