Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Kinapa ko yung phone ko sa ilalim ng unan pero wala akong nakapa kahit ano doon kaya napamulat ako bigla.
Blue ceiling.
Blue stuffs.
Man's scent.
Naalala ko nga palang natulog ako sa kwarto ni Paul Kurt. Inalala ko yung nangyari kaninang madaling araw. Nai-stop ako sa pag-iisip nang maalala ko yung binigyan ako ni Paul Kurt ng pain reliever. Kinapa ko yung likod ko at hindi na nga masakit 'yon.
Thank you Pau-- Pain reliever.
Bumangon at nakita ko sa sahig na may kutson at may nakahigang lalaki. Si Genesis. Akala ko ba sa kwarto ko siya natulog? Nanlaki ang mata ko at tinignan yung suot ko. Yun pa rin naman. Muntik na yan ah. Phew!
Dahan dahan akong pumunta sa pintuan para makalabas. 7:30 na kasi at sa pagkakaalam ko ay may event ngayon. Ewan ko kung ano. Wala namang sinabi si Manager kung anong oras.
Binuksan ko yung pintuan at lumabas. Bumungad sa akin ang limang lalaki na gulat na gulat. Oh? Bakit? Ngayon lang sila nakakita nang kakagising na babae? Sinuri nila ako mula ulo hanggang paa. Bakit ba ganyan sila makatitig--
Oh my!
Napatakip ako ng bibig. "Hindi! 'Di yun yung--" napahinto ako sasabihin ko nang may sabihin si Kysler.
"Paul. Pare, nakailan ha?" Natatawang sabi ni Kysler.
"'Di mo man kang kami sinama." Nakangusong sabi ni Eon.
"Woah. You are not virgin anymore, Paul." Natatawang sabi ni Sam. Akala ko pa naman hindi sasali si Sam sa pangangantyaw nila.
Akala ko ay may sasabihin din si Kai pero umalis lang siya na walang sinasabi at dumiretso sa balcony.
"Mali kayo ng iniisip!" Sigaw ko. Napabaling naman sila sa akin ng tingin. "Walang nangyari. Atsaka meron kasing dumating--"
"Ang ingay n'yo naman." Bumukas ang pinto kung saan ang kwarto ni Paul Kurt at iniluwa nito si Genesis. Tinignan ko sila Kysler at kitang kita ko kung paano sila nagukat sa paglabas ni Genesis. Dahil naka topless lang ito. Napasapo na lang ako sa ulo ko.
"Three--" bago pa sabihin ni Eon ang dapat niyang sabihin tinakpan na ni Paul Kurt ang bibig niya.
"Wait. It's not what you think, guys." Pigil ni Genesis.
"Yo. Pare. Long time no see." Bati ni Kysler at nag fist bump sila. "How's London?" Tanong ni Kysler. Gusto kong tumawa dahil sa biglaang pag-english ni Kysler.
"It's really good there.... and the ambience." Ani Genesis na parang inaalala pa ang mga 'yon.
"How about Solly? Uhm, sozy? What is her name again?" Tanong sa kanya ni Kysler. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa biglaan niyang pag-english. Parang nagtransform siya into manly.
"It's Soe, bro." Di makapaniwalang sabi ni Genesis. "What about her?" Nilagpasan kami ni Genesis at umupo siya sa isang stool.
"Where is she?"
"I don't know. Maybe sleeping in her house? I dunno." Walang gana siyang sumagot kay Kysler. Alam ko naman kung bakit at 'yon ay ang ayaw niya kay 'Soe' kung sino man 'yon. I pity her.
"You sound like you don't care about her." Singit ni Sam at umupo sa harap niya. "Dude, she is your goody girlfriend. Be concern sometimes." Parang paalala ang sinabi ni Sam sa kanya. Tanging pag shrug ang ginawa ni Genesis habang naglalagay ng Strawberry Jam sa tinapay niya.
"By the way, why are you here?" pagbasag ni Sam sa katahimikan. Naririnig ko pa rin sila dito sa kusina. Nag decide kasi ako na magtimpla ng juice para sa kanila.
BINABASA MO ANG
An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]
Teen FictionThis is work of fiction. And it's a taglish story.