*Hanny's POV*
Nakarating kmi sa isang mansion grabe talaga napakaelegante ng bahay na to. Kung sana... kung sakaling buhay pa ako sana naman makapagpatayo din ako ng bahay na ganito hahaha maganda na sigurong wish yun dba?
"Bahay to ng lola ko gusto lng kita ipakilala sakanya."
"Huh??? Nako wag na."
"Oh ayan na pala sya eh, Mamita." Agad naman na tumakbo si gab at sinalubong ang lola nya.
"Apo ko ang gwapo mo talaga naalala ko palagi sayo ang mukha ng daddy mo." Niyakap nya agad ito.
"Mamita naman kamukha ako ni mama." Bumitiw si Gab at tumingin sakin
"Mamita gusto ko pala ipakilala si Hanny sayo."
"Sinong hanny apo?" Lagot na walang third eye ang lola nya 😭😭😭 patay ako nito eh (A: double dead na.)
Psh sumabat pa ang otor! Bilisan mo daw mag UD!
"Mamita lumalabo na ba ang mata mo? Eto si Hanny oh" pumunta pa sakin si Gab at umakbay
"Oh my kaya pala nakakaramdam ako ng-"
"Mamita!!!" Mabilis na nasalo ni Gab ang lola nya nahimatay kasi.
[HOSPITAL]
sinugod angad sa ospital ang lola nya di ko maintindihan vakit yung mama nya nakikita ako pero ang lola hindi? Ganun ba talaga ang mga tao? Piling pili lng ang may third eye?
"Anong ginawa mo? Sabi ko naman sayo na layuan mo ang anak ko dba?"
Kitang kita sa mukha ng mama ni Gab na gusto nya akong saktan kaya lng ayaw nya naman siguro na magmukhang tanga kasi alam nya na multo ako.
"Mama wala syang kasalanan bigla na lng nahimatay si Mamita."
"Kasalanan nya ang lahat dahil sa kanya-"
"Excuse me gising na ang pasyente." Umalis na agad ang doctor
"Wag na wag kang papasok dito kung ayaw mo na magalit ako." Pagkatapos nyang sabihin yun pumasok na sya agad
"Sorry Hanny pero dito ka na lng muna." Pumasok na din sya sa kwarto ng lola nya.
Lumabas na lng ako ng hospital at inisip ko ang lugar na gusto kong puntahan. Agad akong nakarating sa isang abandodong park ewan ko kung saan inisip ko lng tahimik at walang tao na lugar eh.
"Nandito ka ba para magisip isip GRACE?"
"D-death..."
"Alam mo di na sana kita kukunin eh kasi mabait ka naman kaya lng makakapatay ka ng tao kapag nagtagal ka pa dito."
"Ha? Sino si Grace? Yun ba ang totoo kung pangalan? At sino ang mamamatay?"
"Total dahil kukunin na kita pagkatapos nito sasabihin ko na, oo ikaw si Grace at mamamatay ang Mamita ni Gab pag nanatili ka dito."
"Hindi ko naiintindihan... bakit sya mamamatay dahil sakin?"
"Dahil nakita ka ni Gab yun lng. Ngayon alam mo na kung anong kapalit sa simpleng pagkikita nyo sa bawat araw na nagkikita kayo pinapatay mo unti unti ang lola nya."
"P-pero hindi ko ginusto yun-"
"Hindi nga! Pero kung talagang may malasakit ka sa pamilya ni Gab iibibigay mo sakin ang kaluluwa mo at baka sakaling hindi ko muna sunduin ang lola ni gab. Nakatadhana syang mamuhay ng matagal dapat makikita nya pa ang mga magiging anak ni gab pero dahil sayo mawawala lahat yun."
Parang ayaw tanggappin ng utak ko ang mga pinagsasabi nya... totoo bang nakakasira ako ng buhay ng iba? Dahil sa kagustuhang kong maging maligaya nagiging makasarili na ako di ko na iniisip ang kapakanan ng ibang tao.
[lumipas ang ilang minuto]
"Grace mag isip isip kna hindi ko hawak lahat ng oras sa mundo para hintayin ang desisyon mo."
Sabi nila wag daw maniniwala kay death kasi minamanipula nya lng lahat ng tao. Pero sa sitwasyon ko wala ng ibang paraan.
"Ang tanging gagawin mo lng Grace ay kunin ang kamay ko at sumama sakin."
Kukunin ko na sana ang kamay nya pero bigla akong lumiwanag at unti unting nawawala.
"HINDI!!! NASIRA NA NAMAN ANG PLANO KO 👿👿👿!!!"
bago ako tuluyang mawala nakita ko pa kung gaano magwala si Death..
A/N: the end is near na guys hahaha ano kaya ang nangyari kay Hanny?
VOTE, COMMENT, & BE MY FAN :)
BINABASA MO ANG
My Lovely Ghost [Short Story]
Teen FictionMy Lovely Ghost Summer na kaya madami ng araw ang magiging boring pero what if isang araw makakakilala ka ng isang babae na AKALA mo NORMAL pero yun pala ikaw lng nakakakita sa kanya dahil isa syang multo... Anong gagawin mo? Alamin kung ano ang gin...