Chapter 34: Yes. iloveyou

2.7K 104 2
                                    

AUBREE'S POV:

            NAGULAT ako sa pagtataray niya. "S-sorry, sorry," 'yun lang ang tanging nasabi ko. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya ng lumapit sa akin.

           "Galit ako Aubree. Sumunod ka sa akin."

           Nilagpasan niya ako at tuluyang lumabas ng store. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Nasa likod ng shop ang parking. Tabi na niya ako ngayon sa kotse niya. Kinakabahan. Grabe, bipolar yata itong si Gee. Kanina sobrang lambing, concern, ngayon parang dragon.

            Tahimik lang siyang nag-mamaneho. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. At take note, hindi siya nag sasalita.

            "Kausapin mo naman ako," pagsusumamo ko. "Sorry na nga kasi.." Nakatuon lang siya sa daan. Madilim ang mukha.

           "Mahirap ang pakiramdam na nag aalala ka sa taong mahalaga sa 'yo Aubree, tandaan mo 'yan," matigas niyang sagot. Oh my, galit nga siya.

             "Sorry...kasi.."
             "Sorry kasi ano? Nakalimutan mo? Buti sana kung valid yung reason mo pero ano? Hinatid ka pa ng lalaki mo?!"
            "Geela hinde, classmate ko 'yun. Do'n sa school ko dati. Huwag ka ngang ganyan. Nagseselos ka ba?"

          Ano ba itong si Geela, hataw pala mainis ito. Sobrang tumabingi ang bibig pakaliwa. Napangisi ako.

           "Ano'ng nakakatawa?" asik niya.
           "Mahipan ka ng hangin Geela Maina. Tabingi na mukha mo," at ngumisi ako saglit.
           "Dahil sa 'yo!"
          "OA ka lang Gee."

           Nagulat ako ng bigla niyang kinabig ang manibela at napunta kami sa gilid ng bangketa. Pinatay niya ang makina tsaka humugot ng malalim na buntung-hininga. Ano kaya ang nangyayari sa kanya?

           "Sorry," mahina niyang sabi. "Pero, sana alam mo ang ginagawa mo sa akin."
          "Di ko magets."
          "Bree, para mag work ang relasyon na 'to, kailangan dalawa tayo, hindi lang ako."

Aaaah. Relasyon? May relasyon pala kami?

           "Ano ba'ng expectation mo sa r-relasyon natin?"
           "You need to text me as much as possible, I mean ang ginagawa ng bawat isa, at gano'n din ako. We need to compromise in every given situation. Para iwas away."

          Teka, parang hindi ganito ang naiimagine kong relasyon? Compromise ba ang hinahain niya o demands? Rules?

             "Uhhm...Geela, hindi naman sa pag-aano. Sa isla pa lang alam mo na ang nararamdaman ko para sa 'yo. Karangalan na ako pinili mo over Tweeny. Pero hindi kaya nagiging idealistic ka lang at nafu-frustrate dahil sa hindi kayo nag work ni Tweeny? Ang alam ko kasi, kung nagkaka-unawaan ang dalawang tao, walang mga patakaran. Walang iniimpose na kahit ano. 'Yung kahit ano lang gano'n, no pressure."

             "Nasanay ka kasi ng easy lang."
             "Sorry Gee, hindi pa ako nagkakaro'n ng relasyon. Hindi ko alam ang mga dapat na ginagawa. Pero kung ano ang sa tingin mo na dapat kong gawin, sabihin mo para sa r-relasyon na 'to."

Oh my! Relasyon talaga?!

            Walang tanung-tanong? Implied? Kainis naman, wala man lang moment na naging kami. Tiningnan niya ako at medyo lumambot na ang galit niyang mukha kanina. Hinawakan niya ang kamay ko sa hita.

            "Bree, I want this to work out. I don't wanna lose you."

           Tumangu-tango ako. "N-nabigla lang ako sa bilis ng pangyayari."
           "It's okay hon..."
           "Hon?"
           "Bakit ayaw mo ba?"

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon