Katy's POV
Sometimes when you do not want to see someone they pop up. After talking with H, All I wanted was to go home and have a long shower. I did not want to see Gary. He makes me go crazy. Fate has a funny way of reminding you that you have to face your problems.
Behind the door of my building, a familiar face came out. Akala ko noong una siya si Gary. Mas malala pa pala ang sasalubong sa akin. Ang tao na siyang dahilan ng pagkasira ng buhay ko ay andito sa harap ko. Naisip ko baka naman hindi ako ang pinuntahan nito. Baka nagkataon lang na nasa iisang lugar kami.
Umiwas ako sa direksyion ni J. J, ang pangalan ng lalaking trinato ako ng parang basura ng apat na taon. Sinubukan ko bilisan ang lakad ko ng hindi nagpapahalata na tumatakbo na ako pero naabutan niya ako. Ako nga talaga ang balak puntahan ng walang-hiyang lalaking ito.
Matagal na kaming wala. Mas matagal na ang panahon na lumipas kaysa sa pagsasama naming dalawa. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal. Alam ko na kahit makita ko pa siyang ikasal o humalik sa ibang babae ay wala akong mararamdaman sakit o galit. Isa lang ang nararamdaman ko sa kanya. Inis na inis ako sa kanya, hindi dahil sa mga ginawa niya sa akin dati. Inis ako dahil napakahaba na ng araw ko. Sobrang pagod na ako sa mga lalaking wala ng dinala sa buhay ko kung hindi drama, sakit, galit at malalakas na emosyon. Kung dadagdag pa siya ay hindi ko na alam.
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Walang malisya, pagmamahal na pang mag-girlfriend o boyfriend ang mga yakap niya. Naramdaman ko na nakahinga siya ng maluwag noong niyakap niya ako.
"Nakunan ang girlfriend ko", ang sabi ni J sa akin. Nagtataka naman ako dahil bukod sa hindi ko kilala ang girlfriend niya ay hindi naman ako doctor. "Karma ko na ito Katy sa mga panloloko ko sa iyo", malungkot na sabi niya.
Nakaramdam ako ng tuwa hindi dahil sa nakunan ang girlfriend niya. Natuwa ako kasi pagkatapos ng madaming panahon umamin rin siya na niloko niya ako. Gusto ko man siyang bigyan ng advice , hindi ko na magawa dahil sobrang pagod din ako. "J hindi na ako galit sa iyo, umuwi ka na", tinapik ko siya sa likod habang niyayakap niya ako at naglakad na ako patungo sa unit ko.
Hindi na ako lumingon sa direksyon niya. Nagshower ako,pagkatapos ay natulog na. Noong gabi na iyon wala akong napanaginipan. Gumising ako ng wala ng bigat sa aking dibdib. Pinatawad ko na siya.
BINABASA MO ANG
The Pornstar and the Boxer
RomanceAn aspiring boxer discovers that his neighbor is a pornstar. They meet again when her teacher asked her to do an interview work about him. He gave hints of disgust on her sidejob in the interview. Having been insulted by the boxer Katy the pornstar...