Pagkagising ko sa umaga medyo masakit ang ulo ko at wala na din sa tabi ko si ate. Hindi muna ako agad tumayo. Mga ilang minuto naman ay may naamoy akong mabango at nakakagutom parang pancit canton. Patayo na sana ako sakto namang may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko naman nun ikaw ang bumungad sakin sabi ko OH? WALA KA ATANG HANGOVER? Sabi mo SABI KO NAMAN SAYO MALAKAS AKO! TARA NA KAIN NA TAYO NAGLUTO AKO NG PANSIT CANTON. Sabi ko WOW TALAGA? IBANG KLASE. SWEET PERO SI ATE ASAN NA? Sabi mo NASA LABAS BUMILI LANG NG KAPE TARA NA sabay hawak sa kamay ko Sabi ko naman OKAY. Naupo na ako sa lamesa katapat ka para tayong baliw habang nagsasandok kasi nagkakatinginan tayo lagi which is normal lang kasi diba we love each other. Bago tayo kumain hinintay muna natin si ate. At di nagtagal dumating na sya sabay sabay tayong kumain habang nagkwekwentuhan. Pagtapos nun dumiretso ako sa kwarto kasi medyo masakit pa nga ulo ko. Si ate naman ay nasa labas kausap ate nya. Pumasok ka sa kwarto at tinabihan ako tinanong mo ako kung OKAY LANG AKO? sabi ko naman OO MASAKIT LANG ULO KO. Tapos sabi mo UUWI KA NA PALA NGAYON. Sabi ko naman OO NGA PERO MAYA MAYA NA PAG OKAY NA AKO. Tinanong mo ako sa mga nangyari kagabi at sinabi ko sayo IKAW SIRA KA HINALIKAN MO AKO SA LIPS KAGABI! SMACK! Nagulat ka ng sinabi ko yon sabi mo HALA HINDI HA. Sabi ko naman ABA? ANO NAMANG MAPAPALA KO KUNG MAGSISIMUNGALING KA. Sabi mo ulit WALA NAMAN AKONG MATANDAAN. Sabi ko naman HAY NAKO! SO NAGEEMBENTO AKO PALAGAY MO. Sa sobrang inis ko sayo tinalikuran kita maya maya pa ay yumakap ka mula sa likod ko sabi mo JOKE LANG NAMAN SYEMPRE ALAM KO YUN KASI MATINO PA AKO NUN. AT TSAKA SINADYA KO YUN. Ako naman di kota pinansin. Tinatawag tawag mo ako at nag sosorry ka. pero di ako lumilingon. Hanggang sa nakatulog pala tayong pareho pagkagising matin alas tres na ng hapon. Pagkamulat ko nasa harap na kita lumipat ka pala ng pwesto kasi di kita nililingon. Habang tinitignan kita naisipan kong hawakan ang mukha mo. Pagkadikit na pagkadikit ko naman bigla kang gumalaw kaya nagtulog tulugan ako. Maya maya nararamdaman kong yumayakap ka sakin. Which is awkward syempre baka anong gawin mo pero pagkatapos nun hinalikan mo ako sa pisnge, pagkakatapos nun dinilat ko ang mata ko sabay sabi HULI KA ! nagulat ka naman sabay sabi IKAW KANINA KA PA GISING HA! HINUHULI MO LANG TALAGA AKO! ako naman OO KASI NAMAN KOTANG KOTA KA NA SA KISS AT YAKAP E! Sabi mo naman BAKIT MASAMA BA? Sabi ko naman HINDI NAMAN PERO MASAMA PAG SOBRA SOBRA! Natawa ka naman at sinabi WAG KANG MAGALALA WALA PA AKONG BALAK. KAYA KONG MAGHINTAY. Sabi ko naman ABA? AT MAY BALAK KA PA PALA! Sabi mo OO SYEMPRE PAG KASAL NA! DI PA BA PWEDE? Sabay tawa mo. Ako naman tumayo at sinabi HAY NAKO TRIP MO NANAMAN AKO TARA NA UUWI NA AKO, sabi mo AYY OO NGA PALA! SIGE MAGAYOS KA NA MUNA SUNDUIN NALANG KITA MAMAYA DITO MAGAAYOS NA DIN AKO. Sabi ko naman OPO SIR! SIGE NAAAA.. Sabi mo SIGE! ILOVEYOU HA! Lumingon naman ako at sinabing ILOVEYOU TOO KAHIT NA MAPANGASAR KA! Napangiti ka na lang. Ilang oras lang at natapos na ako tinulungan na ako ni ate sa lahat, ang bait bait talaga ni ate. Ilang minuto andyan ka na. Nagpaalam na tayo kay ate at nagpasalamat ng limpak limpak nagpaalam nadin tayo sa iba mo pang pinsan. Sa byahe naman masaya naman ako syempre kasama kita nakalimutan ko na ang ibang nangyari kasi matagal na yon! Moving on, nung malapit na tayong maghiwalay hinatid mo na ako sa sakayan pauwi sa amin. At dumating na nga ang bus sasakay na sana ako kaso sabi mo mamaya na. Sabi ko naman BAKIT? sabi mo MASYADONG MABILIS, Tapos may dumating pang isa sabi ko OH AYAN NA ULIT MAY BUS NA SASAKAY NA AKO HA. Sabi mo O SIGE BASTA KISS MO MUNA AKO. Sabi ko naman ABA KOTA KA NA HA AYOKO NGA. Sabi mo ANDAMOT. Sabi ko naman TSE! maya maya nasaharapan ko na yung bus pasakay na sana ako ng bigla mo ako hinatak at ayun na ka kiss ka nanaman! Medyo makulit ka! At nakakarami ka na. Pero anong magagawa ko diba? Habang nasa byahe inalala ko ang lahat ng nangyari. Pakiramdam ko namimiss agad kita pero dahil baliw tayo magkatext padin tayo kahit na kakahiwalay palang namin hayy! Salamat sa araw na yon kasi ang saya ko sana pati sa mga susunod pa nating pagsasama. Mas maging masaya!
BINABASA MO ANG
My Love Story ❤️
RandomI just want to share my feelings by making this thing ✌️ sana magustuhan nyo first time ko tong gagawin. Hahaha. Medyo kinikilig pa nga ako habang ginagawa ko to! Kapag nagustuhan nyo THANKYOU pag hindi THANKYOU padin Basta this is it!