Maraming matatamis na salitang lumabas sa iyong bibig.
Maraming pangako ang sinabi mong tutuparin dahil sa pag-ibig.
Sinabi mong mahal mo ako.
Sinabi mong di lilisanin ang tabi ko.Kaya naman inakala kong totoo ang matatamis na salita.
Inakala kong gagawin ang mga isinumpa.
inakala kong tunay ang 'yong pagmamahal.
Inakala kong mananatili dahil walang iwanan.Isa na namang katangahan to.
dahil sa lahat ng inakala ko.
wala pang nagkatotoo.