Sagot ..

171 5 0
                                    

Ang sabi mo noon, hindi mo pa kayang magmahal kaya lumisan ako.
Ngayong ako'y nagbalik, may pag-asa na bang maging tayo?

Sana naman, meron na-- para mapadama ko kung gaano ka kahalaga.
Sana naman, oo ang sagot mo sa tanong kong "maaari na kaya?"

Pero itong timing ko, tila yata mali.
Sa ikalawang pagkakataon, ako na naman kasi yung huli.

May bago ka nang minamahal at di na naman ako 'yon.
Tila ba ipinamumukha ni Tadhana na sati'y di sya sang-ayon.

Lalaban ba ako para agad na mapasaakin ka?
O lilisan na nama't magpaparaya?

Pwede bang sagutin mo ang tanong ko ngayon?
Ayaw ko na kasi magpakamartir, tulad noon.

Mananatili pa ba o aalis na ako?
At ilang beses ko pa bang mararanasang magpaalam sa'yo?

" HINDI AKO MAKATULOG "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon