Paano?

302 5 0
                                    

Paano nga ba matatakasan ang nakaraan.
Paano kalilimutan ang mga pinagsamahan.

Paano iisipin na ikaw at ako ay isa lamang pagkakamali,
kung lahat ng naaalala ko ay matamis na sandali.

Paano makakatulog sa gabi ng di humihikbi?
Paano ba ngumiti na lamang at magkunwari?

Paano nga ba magkukunwaring matatakasan ko ang nakaraan?

Siguro nga'y tama sila na maari kang tumakbo pero di ka makakatakas-- 'di na 'ko makakatakas.

" HINDI AKO MAKATULOG "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon