MLGChapter 9

2 0 0
                                    

*Gab's POV*

Nandito kmi ngayon sa labas ng hospital at nagkakape madami daw kasi syang tanong sakin.

"Ano po pala ang tanong nyo sa akin? Pangako ko po na sasagutin ko."

"Saan mo nakilala ang anak ko?"

"Two months ago po nakita ko sya nasa park sa sa village namin."

"Pano mo sya nakita dun e halos mag iisang taon na syang nasa coma?"

"Sabi po kasi ng mama ko nakakakita daw po ako ng multo pero di ko po alam na multo po ang anak nyo ng mga panahon na yun."

"Pa anong nabuhay sya kanina eh rinig na rinig ko yung sabi ng doctor."

"Yun po ang hindi ko alam akala ko din wala ng pag asa kasi parang patay na talaga sya pero pareho po tayong nagulat sa nangyari."

[ring ring]

"Excuse me iho"

Siguro binalita nya na sa ibang pamilya ni Honey na ok na sya tumatawa kasi sya na umiiyak.

"Gusto mo malaman kung ano ang nangyari?"

Nagulat ako na may katabi na akong lalaking nakaputi.

"Wag ka matakot ako si Angel isa akong anghel. Nandito ako para ipaliwanag ang nangyayari dito."

"Ano nga ba ang nangyayari dito? Puro hindi kapanipaniwala ang mga nangyayari dito hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano."

"Una sa lahat ligtas na ang lola mo nakatadhana pa syang mabuhay ng matagal sa mundo ngunit kahit wala na ang banta sa lola mo ikaw naman ang may problema. Dahil sa wagas mong pag ibig nabuhay mo si Honey at nasira ang sumpa sa lola mo dahil hindi na sya multo."

"Bakit hindi ako maalala ni Honey?"

"Nilabag nya ang rule sa pagiging multo. Ang mga multo ay hindi dapat mapalapit sa mga mortal dahil maaaring magkaproblema si cupid sa mga damdamin nyo. Katulad na lng ng sitwasyon nyo ni Honey paano na lng kung hindi sya nabuhay? Habang buhay ka ng walang pag ibig na mararamdaman kasi nagmahal ka ng totoo."

"Hindi nya na ba ako maaalala?"

"Maaalala ka nya sa oras na mahulog muli ang kanyang loob sayo bilang isang mortal."

"Ahhh hahaha kayang kaya ko yun gwapo ko naman eh."

"Mukhang yun lng ata ang dapat mong malaman."

Tumayo na sya na parang wala lng nangyari na kakaiba dito.

"Isa pa pala. Mayroong mga multo na magtatangkang kumausap sayo at hihingi ng tulong ang tanging solusyon ay si Honey. Dahil naging multo sya dati maykakayahan na syang paalisin sila ng hindi nya alam."

Di na ako naka angal sa mga sinabi nya kasi bigla syang nawala.

"Sorry iho kasi natagalan ako binalita ko lng sa lahat na ok na ang anak ko."

"H-ha? Aahh ok lng po yun pasok na po tayo baka makakita ako ng kung ano dito."

Di Naman umangal si Tita at sumama na lng.

"Anak nandito ka lng pala may maganda akong balita sayo."

"Hilary? Hilary Santos?" Sabi ng mama Ni Honey

"Ha? Oh my, Mary?"

Agad na nagyakapan sila mama at yung mama ni honey.

"Bkit ka nandito mary dito ba naka confined ang anak mo?"

"Oo eh ikaw ano ginagawa mo dito?"

"Si mama kasi nahimatay pero ok na pakiramdam nya at oh by the way yung anak mo?"

"Gising na sa wakas tuwang tuwa kami lahat."

Tumingin sakin ang mama ni honey na parang nagtataka.

"Ah ito naman yung anak ko si Gabriel Santos."

"Hahaha actually magkakilala na kmi."

"Talaga? Small world ipakilala mo naman ako sa anak mo malay mo maging magbalaeh na tayo 😉"

"Halika nagpapahinga pa sya sa kwarto nya."

Nakarating na kmi sa Rooms namin

"Woah magkatabi pala tayo ng room di ko alam yun ah."

"Ako nga din eh oy sorry ah sobrang dami kasi ng problema ng conpany tapos si mama pa kaya di talaga ako nagka chance na dumalaw sa anak mo."

"Ano ka ba hilary ok lng yun lahat naman tayo may kanya kanyang buhay."

Pumasok kmi sa room ni honey.

"So magka ano ano kayo?" Ako nagtataka lng ako dahil close sila

"Classmates kmi nung high school at college."

"We're Good good friends."

"Oh my Mary anak mo to???"

"Oo bakit para ka namang nakakita ng multo?"

"Multo naman talaga sya nakita ko sya na kasama palagi ni Gab."

"May third eye ka pala hilary di mo nakwento sakin yun ah."

"Ayaw ko lng na ma creepy ka sakin dati kaya di ko na pinagkalat."

"Alam mo may chismis ako sayo."

Ano ba naman to Op na ako sa dalawang to.

"Ano ba yan? Tagal na nating hindi nakapag usap eh hahaha"

"Yung anak mo mahal ang anak ko."

"What? Tita namn eh."

Ako pa talaga pinag usapan eh nasa harapan lng nila ako.

"Pano ba yan kasalan na sunod nito."

A/N: Yey wedding bells ba naririnig ko? Hahaha abangan na lng natin kung ano ang mangyayari

VOTE, COMMENT, & BE MY FAN :)

My Lovely Ghost [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon