Chapter 7: He’s annoyed
(Dayn POV)
Naglakad na kami ni Gardo papuntang basement ng faculty office ng department namin. At habang naglalakad kami di ko maiwasang di masuka dahil “Alam mo feeling ko meant to be tayo” sabi niya habang nakayakap pa sa braso ko
“grrrr!! Kinilabutan naman ako sa sinabi mo!” sabay tabing sa kaniya palayo sa akin “At pwede ba? Magtoothbrush kana muna bago ka lumandi” iritang-irita kong sabi sa kaniya
“Eto naman, mabango kaya. HAH!!” at talagang lumapit siya sa akin para bugahan ako ng malaposo negro niyang hininga
“ahhh!! Lumayo ka nga!!” pinagtabuyan ko naman siya dahil diring-diri ako sa kaniya lalo na sa ginawa niya “Wag na wag mo ng uulitin yun ah!!!” halos mamatay ako gravity!!!
Hanggang sa makarating kami sa basement talagang di ako tinigilan ni Gardo kaya naman unting-unti na lang masasapak ko na ‘tong baklang ‘to
“Ano ba?! Di ba titigil?!” bigla naman siyang ngumuso na kala mo CUTE siya “tsk! EWAN!” nilayasan ko na lang siya at lumapit sa prof namin para tulungan itong magbuhat ng box
Mahinhin na tumakbo si Gardo papunta sa amin at nung lalapit pa lang siya pinigilan ko na agad siya “Sige subukan mong lumapit, susuntukin kita!” inambaan ko naman siya kaso nga lang sinaway kami ng prof ko
“Oh baka kayo magkatuluyan ah” natatawang sabi ng prof
“HUH?!!!” nandidiri kong reaction kay ma’am at eto naman si Gardo FEEL na FEEL
“Thank you po ma’am sa pagtitiwala sa relation namin ni Dayn” at talagang niyakap pa niya yung braso ko na akala mo bagong kasal lang kami
“WAAAAHHH!! Lumayo ka!” tinaboy ko naman siya pero wala pa rin siyang tigil kakalapit sa akin kaya naman natatawa na lang sa amin yung prof
Napatigil naman ako sa pagtakbo nung makita kong nasa harapan na namin si Phoeliz kasama si LIAM. Hinarap ko naman si bakla “Akala ko ba ako lang ang niyaya ni ma’am para tumulong?” pagtataka kong tanong sa kaniya habang tinuro ko si Liam
Wala naman naisagot si bakla at nung lingonin ko sila nakita kong sumimangot naman si Phoeliz “Nandito kami para tumulong, masama?” sarkastikong tanong niya
“Aba sumasagot kana ah” mayabang kong sinabi sa kaniya
“Oy, pati ba naman babae papatulan mo?” sumabat naman si Liam, tinignan ko lang siya ng seryoso
BINABASA MO ANG
She's a Freak
Teen FictionDayn Santos is brokenhearted because of his GF who is good for destroying his life. While being alone and lonely he found a girl named Phoeliz Monterro who is a freak and good in annoying people. However, destiny takes it actions, Dayn and Phoeliz b...