Ang nakaraan...
Tahimik na nagbabasa ang sampung taong gulang na si Firen sa isang sulok sa loob ng Dragon Archive. Dapat kasama siya sa mga kabataang natitraining kung paano lumipad at makikipaglaban. Dapat ngayon marunong na siyang magpalit anyo. As the only son of Queen Taima, all eyes are on him. Like vultures on a dying prey.
Weredragons are either born as human or eggs. Sa pagbubuntis ng isang babaeng dragon, malalaman kaagad kung ipapanganak ba na tao o ipanganganak na itlog ang bata. The female body will automatically transform to dragons if the baby will be born as eggs and vice versa. Firen was born as human. During pregnancy a female weredragon is not allowed to shift. Because it will harm the baby in the womb.
Ang batang Were ay natutong magpalit ng anyo pagkasilang. Ngayon ay sampung taong gulang na si Firen at nag-isang bata sa Khu-gwaki na hindi pa marunong magpalit anyo. Hindi lang naman ito unang beses nangyari sa kasaysayan ng Khu-gwaki. Pero dahil anak ng pinakamakapangyarihang dragoness si Firen kaya maraming matang nakatutok dito.
Kaya nasa Archive ngayon si Firen ay dahil nagsaliksik ito tungkol sa pwede nitong gawin para magawa niyang mag anyong dragon.
Napabutong-hininga si Firen saka ibinalik ang hawak na libro sa lalagyan. Wala siyang nakikitang solusyon sa kanyang problema. Laglag ang balikat na nilisan ni Firen ang Archive.
Habang nasa daan pabalik ng Dragon Mountain kung saan naninirahan ang kanyang pamilya, nakasalubong ni Firen ang grupo ng mga kabataang kagagaling lang sa training. Gustong tumalikod si Firen o magtago pero alin man sa dalawa ay hindi niya ginawa. He well not be a coward. Kahit iyon man lang ay maipagmamalaki niya.
"Galing ka na naman sa Archive Firen? Kailan mo ba matatanggap na walang mahika na maaring mahanap mo para maging isang dragon ka?" Nanunuyang sabi ng nakasalubong ni Firen. Napahinto ang mga kasama nito at lahat ay napatingin kay Firen.
Si Gu, pinsan niya. Anak ito sa nakakatandang kapatid ng kanyang ama. Ang kapatid nitong si Ruella ay mahigpit na kalaban ng kanyang ina sa truno. Hindi ito pinansin ni Firen at nagpatuloy ito sa paglakad, kahit namumula ang mukha sa kahihiyan.
"If I were you Firen, I would rather kill myself than give my parents further humiliation. O mas mabuti pang, tumalon ka sa tuktok ng Dragon Mountain, malay mo, lumabas ang nakatago mong kapangyarihan." Sabay tapik sa balikat ni Firen na nananatiling nakayuko. May halong awa ang boses nito ng sabihin iyon. Ngunit alam ni Firen na isang pagbabalatkayo iyon. Magaling doon ang kanyang pinsan. Alam naman ni Firen na sinasadya iyon ng pinsan. Pero hinayaan niya ito. Matagal na siyang kinukutya nito. Noon ay palihim lang, pero habang dumadaan ang mga taon na hindi pa rin niya magawang magpalit ng anyo ay naging hayagan na ito. Hanggang sa dumarami na din ang gumagaya dito. Masakit man ay hinahayaan ito ni Firen, dahil wala naman siyang magagawa. Totoo naman ang mga sinasabi ng pinsan.
Nakayukong patuloy na naglakad palayo si Firen. Dinig na dinig niya ang tawanan ng mga kasama ng pinsan niya habang papalayo siya. Nahagip sa kanyang mata ang kapatid niya. Nasa di kalayuan ito, at gaya ng mga naroroon ay napahinto ito at nakinig sa sinasabi ng pinsang si Gu. Walang mangungutya ang mukha ng nakakatandang kapatid na babae habang nakatingin sa kanya, pero ramdam niya ang panlalamig nito.
Isa siyang prinsipe at ang kutyain o dumihan ang pagkatao niya ay isang kasalanang buhay ang kapalit. Pero sa kagaya niyang hindi marunong magpalit anyo bilang isang dragon ay maaring hindi pabor sa kanya ang patakaran na iyon. Because in Khu-gwaki, a dragon who cannot shift is an abomination. Without the ability to shift, Firen is nothing but human. And humans have no place in the harsh lands of dragons.
Nag-init ang mukhang binilisan ni Firen ang paglalakad. Dayanara, his older sister used to be so kind to her. They were close, but as the years goes by and the ability to shift eluded him, slowly their relationship became distant as well. Naging mas puspusan ang pag-aaral at pag-eensayo nito hanggang sa ni halos hindi na sila nagkikita at nag-uusap. Alam niya kung bakit ginawa iyon ng kapatid. His sister is their mother's only saving grace. Kung anong kakulangang meron siya ay pinupunan ito ng kapatid. Kung nagalit man ito sa kanya ay hindi niya ito masisisi.
BINABASA MO ANG
Firen (Elemental Mage Prequel Part 2)
FantasyFiren was living a life that he never thought he'd have a chance of living. A loving wife, family, friends and a peaceful kingdom. But after hundreds of years, Firen needs to revisit his past. Now he was torn between his loyalty and his blood. ...