NAG IISANG IKAW (Dedicated to my one and only: JDBL)

59 2 3
                                    

Ikaw ang hinihintay ko

Bagamat nag kahiwalay na tayo

Ikaw parin ang sigaw ng puso ko

Ikaw ang hanap ko bawat minuto

Madalas man tayong mag talo

Dahil marami sa ati’y nanggugulo

Ang sabi mo mag pakatatag ako

At ialay ang tiwala ng buong buo

Pansin ko sa iyong mga mata

Ang lubos na ligaya

Sa mga panahong tayo’y magkasama

Bawat minuto’y mahalaga

Pintig ng puso mo’y naririnig

Sa tuwing nakayakap ako sa iyong mga bisig

Rinig ko sa iyong dibdib

Tibok ng puso mo’y nananaig

Lubos akong natutuwa

Sa tuwing kinakantahan mo ako

Kahit mali mali na ang liriko

Tuloy ka parin sa pag awit mo

Anung magagawa ng isang tulad ko

Kung inspirado kang kumanta

Kapag kasama ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NAG IISANG IKAW (Dedicated to my one and only: JDBL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon