Iminulat ko ang aking mata habang tumitingin sa paligid. Nanlaki ang mata ko no'ng manpansin kong nakakulong ako sa isang kahon. Mukhang nakasakay ako sa isang karwahe dahil sa naririnig kong tunog mula sa kabayo.
Pilit kong inalala ang mga nangyari. Sino ba ang gumawa ng pagdukot na ito!? Si Klein na naman ba? Ano bang kailangan sa akin ng Raven Clan!?
Tumayo ako at malakas na kinakalampag ang bawat sulok ng karwahe. "Pakawalan ninyo ako! Sino ba kayo! Pakawalan ninyo ako!"
Parang wala lang silang narinig at patuloy lamang pinaandar ang karwahe habang palayo kami ng palayo sa Altheria Academy. Bigla na lang napatulo ang luha galing sa aking mata. Sino ang tutulong sa akin sa pagkakataong ito?
Ilang beses akong nagsisigaw at humingi ng saklolo ngunit habang umaandar ang karwahe na aking sinasakyan ay mas lalo akong nawawalan ng pag-asa dahil nalalayo ako sa Altheria Academy, kung nasaan ang mga taong tutulong sa akin.
Napaupo na lamang ako sa isang sulok at napapikit ng aking mata. Hindi ko alam kung saan ako makakarating, hindi pa naman ako pamilyar sa mga lugar na nasa labas ng Altheria... hindi ko alam kung makakauwi pa ako.
Halos isang oras ang tinagal ng pag-andar ng karwahe. No'ng maramdaman kong huminto na ito ay muli akong napatayo. "Tulong! Tulungan ninyo ako!"
Bumukas ang pinto ng karwahe at nasilaw ang aking mata sa liwanag na nagmumula sa labas. "Labas." Malaki ang boses na nagwika nito. Lumabas ako ng karwahe at napunta ako sa isang nakakatakot na lugar. Liblib ito at nasa sulok ng mga eskinita.
"Bilisan mo sabi eh!" Malakas nitong hinatak ang aking kamay dahilan upang mapasubsob ako sa sahig at magasgasan ang aking tuhod. Napaluha ako dahil sa ginawa nung lalaki. Takot ang nangingibabaw sa akin ngayon.
Ako lang mag-isa ngayon. "Pumasok ka!" Malakas na sigaw nung lalaki habang itinuturo ang pinto ng isang lumang bahay.
"Larry! Ano ba! Huwag mo ngang sigawan ang bata." May isang matandang babae ang lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Base hitsura nito ay nasa mid-60's na ito dahil na rin sa konting puti na hibla sa kanyang buhok at medyo kulubot na mukha. Tinulungan niya akong maglakad papasok sa lumang bahay.
"Pasensya ka na sa inasal ng asawa ko ah." Hinimas-himas nito ang buhok ko at mabilis ko namang itinapik ang kamay nito palayo sa akin. Wala akong ideya kung sino sila, dinukot nila ako kaya paniguradong hindi sila mapagkakatiwalaan.
"S-sino kayo? A-anong kailangan niyo sa akin?" Nangangatog at natatakot kong tanong sa kanila.
"Pasensya ka na kung ginawa namin ang bagay na ito, nautusan lang kami. Wala naman kaming planong saktan ka,"!Wika sa akin nung matandang babae. "Ako nga pala si Lena" Wika nito sa akin.
Hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam ang pakay niya sa akin pero nakaramdam ako ng sinseridad sa bawat salita niyang binitawan, may parte sa akin na gusto ko siyang pagkatiwalaan pero mas nakakaangat yung pakiramdam na kailangan kong mag-ingat sa kanila.
"B-bakit niyo po ako kinuha?"
"Kinakailangan naming gawin 'yon dahil utos ng ama mo-Si Ramon," Nagulat ako nung banggitin niya ang pangalan ng ama ko. "Noong gabi na iyon habang ginaganap ang Unity Festival, may mga taong gustong dumakip sa'yo, sinabi sa amin ni Ramon na pansamantala ka naming ilayo sa Altheria Academy."
May mga gustong dumukot sa akin? Biglang pumasok sa isip ko ang Raven clan, paulit-ulit sa amin sinabi ni Klein na gusto akong kuhanin ng Raven Clan. "A-ang Raven Clan po ba ang tinutukoy niyo?"
Tanging ngiti lamang ang itinugon sa akin ni Aling Lena. "Halika, gamutin muna natin 'yang sugat mo."
Alam kong iniiwasan niyang pag-usapan ang bagay na 'yon, kahit kapag nagtatanong ako sa mga guro sa Altheria kung ano ba talaga ang pakay sa akin ng Raven Clan ay ipinapasawalang bahala nila ito at ililipat sa ibang topic.
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
FantasyJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte