Chapter Nine

18 1 0
                                    

Shit.

Nakakahiya ka Kaye. Sobra.
Sa lahat ba naman ng pwedeng makakita bakit si Daniel Hizon pa?

Naknang! Teka.. buti na lang pala siya ang nakakita kundi ano na lang ang sasabihin ng iba? Whooo.

Natahimik ako. Nakaharang pa rin siya sa'kin anong gagawin ko?

Magsasalita pa lamang sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"Be thankful dahil sinabi ko pa sa'yo. Kundi nakita na ng iba 'yan. Tss"

"H-hindi ko naman alam eh"

Hindi ko naman talaga alam eh. Mabuti na lang pala at nagpunta ako rito sa restroom. Pero teka, kanina pa kaya 'to? Jusko sana naman hindi.

Nakakahiya talaga. Parang gusto ko nang lamunin ako ng lupa.

Paalis na sana siya ng magsalita siya.

"One more thing... 'wag kang papasok sa c.r ng boys"

Eh bakit naman, paano kapag pumasok ako sa c.r ng girls mapagkakamalan akong manyak. Saan ako mag-c-cr? Wait, concern ba siya sa'kin?

"Baka silipan mo sila," sabi niya at tuluyan ng umalis.

Aba! Kapal pala ng mukha niya eh. Ako sisilipan sila? Asa. Badtrip 'yon ah akala ko concern tsk.

Teka paano 'to? Kailangan kong pumunta ng dorm nandoon yung napkin ko. Buti na lang pinabaunan ako ni mommy n'on kung hindi hay nako!

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa. Tama 'to medyo malaki-laki itatali ko na lang sa bewang ko.

Pagkalabas ko ng c.r ng boys naglakad na ako papuntang dorm kaso yung mga iba nagtitinginan sa'kin. Ano ba naman 'to?

Dinalian ko na lang yung pag-lakad ko baka kung ano na iniisip nila sa'kin eh.

Then finally nakarating rin ako sa destination ko. Kinuha ko agad yung pads ko at dumiretso sa c.r. Grabe kaya pala super badtrip ako kanina tapos nabwiset pa ko sa mukha nung girlfriend ni Jules magkakaroon pala ako bakit hindi ko man lang naisip 'yon?

Isang pack 'tong pads ko kumuha ako ng isa at inilapag ko muna yung lagayan.

Whoo salamat nakapag-palit din kaso nga lang talagang sumasakit pa rin yung tiyan ko pati puson eh may next class pa ko. Ay bahala na.

Lumabas na kong dorm at pumunta sa next class ko.

Pagpasok ko umupo agad ako sakto ring dating ng prof namin aba buti naman 'di na late.

Nakita kong pumasok si Jules. Bakit siya nandito?

"Miss sorry late," sabi niya

"I'ts okay, come in," sabi nang prof namin

Aba! Akalain mo 'yon?

Dug.dug.dug.

Classmate ko siya? Pwede ko na siyang anuhin... kaibiganin. Yes!

Umupo siya sa harapan ko. 'Yon na lang kasi yung vacant seat eh.

Tapos kinalabit ko siya. Okay this is it.

"Hey!"

"Kilala mo pa ba ko?"

Parang nabigla siya sa tanong ko. Bakit?

"H-ha? Oo naman ikaw yung classmate ko sa math diba? Classmate rin pala tayo rito"

"Oo nga eh hehe ahm?"

"Bakit?" Tanong niya na nag-aalangan.

Siguro naiistorbo na siya.

"Pwede bang... pwede bang makipag-kaibigan?"

Natigilan siya bigla. Tapos tumingin siya d'on sa ballpen niyang nahulog. Dinampot naman niya 'yon tapos tumingin ulit siya sa harap.

"Bro!" Sabi ko sa kanya
"Ano? Pwede ba?"

"Ha? Oo pwede naman magkaibigan na tayo, total kaibigan ko rin naman yung kapatid mo eh ay kambal mo pala," sabi niya at tumawa.

Ouch! Kaibigan? Ex kaya.

"Salamat haha," sabi ko din ng tumatawa.

Tumatawa kahit deep in my side it hurts.

Tapos 'yon humarap na ulit siya sa harap.

Masakit man pero hayaan mo na atleast i had my first move.

Natapos yung discussion nang teacher namin then finally dismissal na. Gusto ko na talaga magpahinga eh.

Dire-diretso ako sa boys dormitory. Bago makarating sa boys, madadaanan ang girls dormitory. Nakita ko yung mga pabebe girls na may binubully nanaman well bahala sila.

Pagpasok ko sa dorm nandoon silang lahat maliban kay Daniel. Wala pa ba siya?

"Oh, ngayon lang natapos class niyo?" Tanong sa'kin ni Jv

"Oo eh"

Dumiretso ako sa kama ko tapos sumalampak.

Tumingin ako sa paligid.

Si Ced as usuall nagbabasa nanaman pero this time juice na yung iniinom niya hindi na kape.

Si Jv naman nagp-psp.

Si Mikee tulog na yata. Aba ang aga naman yata?

Si James pumasok ng c.r.

Ako ito nakahiga sa kama sakit na talaga ng puson ko.

Maya-maya nakita kong nagsalita si James.

"Guys, umamin kayo ah? Kanino 'to? Nakita ko sa c.r," sabi niya at itinaas ang napkin.

What the hell! That's mine. Nakalimutan kong ibalik kanina sa bag ko. Anong gagawin ko?

Bago pa kami makasagot lahat pumasok si Daniel.

"Ano 'yang hawak mo?" Tanong niya kay James.

"Napkin pre obvious ba? Kanino ba 'to? Kayo ah, baka naman nagdadala kayo ng babae dito sa dorm bawal 'yon o baka naman may dinudugo dito? Ikaw siguro Jv 'no? Yaks ka pre"

"Lul! 'Di ako gumagamit niyan baka ikaw!"

Wadapak! Nakakahiya. Alam ni Daniel kung kanino 'yan. Namumula na yata ako rito. Baka ibuko niya ko.

"Magsitigil nga kayo! Bakit kasi Kurt ayaw mong sabihing iyo 'yan?" Sabi ni Daniel at tumingin pa sa'kin.

Pakinshet! Binuko niya talaga ako. Wahhh walang hiya ka Daniel Hizon, okay lang sige kung ayaw mo kong tulungan kay Jules pero 'wag naman ganito huhu!

"Hin--" bigla niyang pinutol yung sasabihin ko.

"Diba 'yan yung napkin ng kaibigan mong babae? Yung pinatago niya sa'yo?"

Ano daw? Kahit 'di ko gets sumang-ayon na lang ako.

"Ah oo 'yan nga 'yon! Buti nakita mo James hinahanap niya sa'kin 'yan kanina eh nilagay pa kasi sa bag ko eh hehe pasensya na"

"Ay ganon ba? Oh ito!"

Tapos bigla niyang hinagis kaya tumama sa mukha ko.

Bwiset na lalaking 'to tumawa pa.

Tumingin ako kay Daniel. Bigla kong narealize yung sinabi niya kanina.

Shit. Kahit ang stupid nang dahilan niya, nailusot niya pa rin tapos hindi niya ko binuko. Yay! May awa rin pala 'to kahit papano.

Tumingin ulit ako sa kanya tapos tumingin rin siya sa'kin ng poker face.

Hahaha! I love you na Daniel pangalawang beses mo na kong nililigtas.

Makapagthank you nga sa'yo bukas.

---

This Girl is One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon