Chapter 2- Meet the Butler

409 11 4
                                    

Hello mga Chikababes!! Ehem... Ehem... Ako nga pala ang pinakagwapo at pinakamachong lalaki na nag-eexist. Voltaire Wires here... Ay, Este, Voltaire Beauregard which means Beautiful Look. Galing talaga sa lahi ng mga gwapo ang angkan namin. 17 yrs.old. Nakatira kami sa London ni Dad, And ate Lovely. Mom passed away since I am 7 yrs.old.

Oo nga pala, nandito ako ngayon sa salamin.. Walang pangitaas na damit. Syempre, tinitingnan ko yung abs ko. At yung gwapo kong mukha?? Tsk.. Tsk.. Tsk. Masyadong iresistable! Syet!! Kay maraming nahuhumaling sa akin eh.

"Ah.. Sir pina--" Sabi nung maid namin at naputol pa dahil sa nakita nya ang gwapong si ako.

"What?? I am busy.. Please make it faster."

"Ah.. Pi-pinapatawag p-po kayo ni Mr. Cross para sa t-training daw p-po." Sabi nito sabay lunok ng laway. Natatakam na ata sa abs ko.

"Okay, i will be there in a minute." Dali-dali namang lumabas yung maid.

Nagte-training ako kasi magiging butler ako ni Ms. Villain Hell Cross.. Actually, natatakot ako sa kanya kasi pangalan pa lang parang nasa impyerno ka na. Pero, kakayanin ko ito para sa kanya! Crush ko kaya yun kahit ganyan sya. Naaalala ko nung first time ko syang makilala. Feeling ko sya yung superhero ko nung time na yun.

*Flashback*

Nandito kami sa burol ni Mom.. Iyak lang ako ng iyak. I don't care kung tawagin nila akong bakla.

Nandito lahat ng ka-business partner ni Dad. Nakikidalamhati.

"Hey, are you okay??" sabi nung babae in a cold voice but she is pretty. Like an angel.

"Ah.. O-okay lang. Hindi ko lang talaga matanggap yung nangyari kay Mommy."

"Oh... Sorry. Wait, gusto mo bang lumabas muna?? Pampagaan ng loob?"

"Okay."Sabi ko at lumabas na kami. Nagpahangin lang ng konti, tapos nakahanap kami ng lugar na mataas... Parang cliff. Isinigaw ko lahat ng nararamdaman ko. Habang sya nakatitig lang sa akin. I feel a relief habang kasama sya.

Maya-maya ay tinawag na sya ng Dad nya kasi uuwi na sila. Hindi ko man lang natanong kung anong pangalan nya. Pero, nakikita ko sya tuwing may meeting sila Dad. Hindi lang ako nakakatsempo kasi naging masungit na sya simula nung binaril ang mga Grandparents nya.

*End of flashback*

Hanggang sa nalaman ko na sya pala si Villain. The Mafia Princess..

"Voltaire Anak!! Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Cross!" Oh, napalalim ata yung iniisip ko.

Nagbihis ako at bumaba na ng kwarto.

--

Haayy!! It was a hard day! Kakatapos lang namin magtraining... Nakipagbarilan, Suntukan at kung anu-ano pa. Walang hiya naman oh!! May pupuntahan pa pala ako. Syet naman, mababawasan na naman ang lahi ng mga gwapo. Tsk.. Tsk.. Tsk.. Dapat mag pogi rest ako at mag-gym na rin.

All black ang suot ko ngayon, hindi ko na iisa-isahin kasi mahihirapan pa mag-type si Author... Sayang ganda niyan!

A/N: Ako pa talaga niloko mo Beauregard.. Gusto mo di kayo magkatuluyan ni Villain?

Ah... Joke lang naman po. Hehehe. Back to reality na tayo, sumakay na ako sa big bike ko at pumunta na sa Underground na pagmamay-ari ng mga Cross.

Pagdating ko dun, hindi pa nagsisimula ang laban. Sabi kasi ng future Father-in-law ko ay makikipaglaban ngayon si Villain at yung kapatid nyang si Heaven. Psh... Mga Bobo lang yung gustong kumalaban dyan kay Villain! Mukha ngang mas magaling pa yan sa Tatay nyang Mafia Boss at yung kuya nyang Heir.

Sa lalim ng kaiisip ko ay nandito na pala ang angkan ng mga Cross. Simula sa Tatay hanggang kay Villain. Kasama rin nila ang iba pa nilang tauhan na makikipag laban din. Umupo sila sa pinakaunhan kung nasaan ang mga trono nila. Para silang mga Reyna at Hari kung sambahin ng mga tao dito, nagbo-bow lahat sila. Syempre ako rin, mahirap na ano! Baka makita na lang yung bangkay ko na palutang-lutang sa ilog.

"Good Evening ladies and Gentlemans! Today we are here to blah blah blah blah blah!" Aba! Ewan ko sa kanya! Ang daming satsat! Bahala sya!

"Red Society vs. Almighty stone gang!" Psh.. They are all look weak! Wala pa sa kalingkingan ng kagwapuhan ko!

"1st Round. Arturo of Red Society vs. Anthony of Almighty stone gang!" Nge... Nakakabagot! Mamaya na lang ako manonood kapag si Villain na! Para makapag-cheer! Woohoo!

After 4 rounds..

"Let's all welcome! Princess Vill--" Naputol ang sinabi ng MC nang may biglang lumipad na Katana. Buti na lang nakailag yan kundi pinaglalamayan na sya ngayon.

"Stop talking or I will blow your brainless head off!" Sabi ni Villain in a cold tone. Grabe! Walang tumutol sa sinabi nito, ni magulang nya.

"Ah... Eh... Let's begin the game. Hehe." Sabi ng kuya nito. Nakakaramdam siguro na kinakabahan na ang MC.

The game began.. Hindi man lang gumalaw si Villain, nakatungo lang. Unti unting lumapit ang lalaki at aakmang sisipain si Villain pero sinalag nya lang ito gamit ang kamay.

"Go princess! Go princess!" Cheer ko dito. Agad naman syang kumuha ng dalawang kutsilyo at inihagis papunta sa akin. Aish! Buti na lang malaks ang reflexes ko. She gave me a glare... Kahit malayo ako nakikita pa rin niya lahat ng ginagawa ko. Syempre, she is a Cross.

"Is this the one that you called princess?? Oh, so we--" Sabi nito ng may accent. I can't blame him.. Taga rito sya sa London. Pero naputol ang pagsasalita nito ng kumuha si Villain ng katana at itinarak ito sa noo ng lalaki. Napaka-brutal nya! At hindi pa sya nakuntento chinop-chop nya pa ang katawan nito. Inamoy amoy pa nya ang dugo nito at biglang nag-smirk... A Demon Smirk. Pagkatapos nun ay bigla syang umalis ng Underground ng walang paalam sa magulang.

Now... napatunayan ko na mahirap pa lang bantayan ang isang Villain Hell Cross. Hindi katulad ng kuya nya na mala-anghel ang kabaitan. But... Mark my own words, I will make him fall in love with me. Babantayan ko sya kahit ikamatay ko pa. Dahil isa akong Diyos...























Diyos ng mga gwapo.

~~
Sorry sa lahat ng typos and wrong grammars. Free lait but make sure you are perfect.

Si Votaire Beauregard po yung nasa Multimedia. (Kim Taehyung)

The Most Dangerous Mafia HeiressWhere stories live. Discover now