Chapter 7: Secret Fraternity

204 5 0
                                    

Matagal na rin ang nakakaraan simula nung nagovernight ako kina Lexie. Nadagdagan pa yun ng mga ilang overnight na kasama namin si Marie. Ang totoo nga nyan eh quarterly exams na namin next week at exempted and mahal nyong bida dahil sya ang kinatawan ng school para sa Feautured Writing, Biology Quiz Bee, Math Quiz Bee. Sa mga related subjects lang naman ako exempted. Nakakainis nga! Ayoko na sana sa P.E. eh kasi hindi naman ako sporty na tao. Pero hindi eh.

Knock Knock.

"Excuse daw po sa lahat ng kasali sa team." sabi nung nasa may pinto na nag-excuse.

Tumayo na silang mga kasali sa room. Halos makakalahati na nga yung buong klase dahil sa dami ng kasali sa team.

"Excuse din daw po kay Yara? Kasali po sya sa team." 

Nagulat kaming lahat sa sinabi nung nage-excuse.

Nagkaroon pa ng bulung-bulungan sa room na kesyo ako daw ang magpapatalo sa school kapag nagkataon na kasali nga ako sa team.

"What? Yara's coming with us? Ano sya? Watergirl? Spotter? Taga-linis ng court?" antipatikang Sunny to! Porket hindi ako sporty na katulad nya na captain ball ng volleyball girls.

"Ganun lang ba sa tingin nyo ang kayang gawin ni Yara? Ha?! Napaka---- MO!" pagtatanggol sa akin ni Marie.

"Sige Yara! Go tell them what you are playing for the team! Baka matameme sila sa role mo!" sabi naman ni Lexie.

Nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanila na I'm JUST a mascot. At kung mapagtanggol nila ako parang ang laki naman ng role ko sa team. Baka matawa pa sila kung sasabihin ko sa kanila.

"Come on Yara, spill it." pageencourage ni Marie sa kin.

"We're proud na kasali ka sa team. Pero saan ka nga ba kasali." tanong naman ni Lexie.

Ayoko. Ayokong sabihin! Kahit naman papaano may hiya pa rin ako sa balat ko. Tsk... kung hindi dahil kay Drew, hindi ako mapapasali dito eh.

"Ang tagal nyo. Sa cheerleading si Yara. Pwede na tayong umalis?" pagkasabi ni Drew nun, umuna na sya sa paglalakad.

Naiwang nakanganga yung mga kaklase ko pati na rin sina Sunny sa may pinto.

Heart > Mind (Heart Over Mind)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon