Buhos ng Ulan

29 0 0
                                    

Nandito ako sa park ngayon, naglalakad ako pauwi ng biglang bumuhos ang ulan.

**sigh**

"Naabutan na naman ako ng ulan, bakit ba kasi hindi ako nagdala ng payong, buti nalang wala akong dalang gamit"

Madaming beses ng nangyari sakin to. Pero okay na din parang ang sarap magbasa ngayon. Naupo ako sa swing at hmm ang sarap kumanta.

~~Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak
Sa mga halaman at mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan~~

"~~Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay ng hangin kumakanta~~"

Napatingin ako sa gilid ko at may nakaupo ng lalaki doon.

"Tuloy mo na, sasabayan kita" sabi niya sakin at ngitian niya ako.

Ang gwapo niya, hindi ko alam bakit di man lang ako nahiya at sinunod ang utos niya.

~~Maari bang huwag ka nang
Sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang hangin at ula'y tumila na~~

~~Buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag agos mo
Di mapipigil ang puso kong nagliliyab~~ (sabay kami).

~~Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y himihiyaw sa tuwa~~

~~Tuwing umuulan at kapiling ka~~ (sabay ulit kami)

"Ang ganda ng boses mo, kasing ganda mo" sabi niya sakin. Napayuko ako sa hiya.

"I-ikaw din ang ganda ng boses mo" tinignan ko siya saglit at nag iwas ng tingin.

"I'm Henry, ikaw anong pangalan mo?" tanong niya sakin.

"Jacqui, I'm Jacqui" nahihiya kong sabi. Di ako sanay sa ganito ngayon lang ako naka encounter ng lalaki kapag naaabutan ako nh ulan.

"Nice name, nice to meet you" sabi niya sakin sabay lahad ng kamay.

"Nice to meet you too" sabi ko at nakipag shakehands sa kanya.

Grabe umuulan pa din.

"Malapit lang ba dito bahay mo?" tanong niya sakin.

"Oo malapit lang naman, sige uuwi na ko babye" sabi ko at naglakad na paalis.

"Hatid na kita" rinig kong sigaw niya, nagulat ako ng nakita kong nasa tabi ko na pala siya.

"Ah kahit hindi na, kaya ko naman tsaka umuwi ka na din, basa ka din eh" sabi ko sa kanya. Nakakahiya ihahatid niya pa ko eh basa din siya. Dapat umuwi ma din siya.

"Okay lang, pwede naman akong magpatuyo sa inyo eh" nagulat ako sa sinabi niya. "Malayo pa dito bahay ko, baka magkasakit ako kung di ako makakapagpatuyo agad" sabi niya.

"Ahh sige, ikaw bahala meron naman siguro si kuyang extrang damit para sayo" sabi ko.

Ayun nagusap lang kami hanggang sa makarating ng bahay. Nagulat pa nga sila mama eh, akala boyfriend ko siya.













A/N: I smell lovelife.... hahaha










Buhos Ng Ulan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon