The

6 1 0
                                    


Hinaplos ko ang aking buhok at inayos muli ang aking uniporme. Nag-lagay lang ako ng kaunting lip tint. Ayoko ko na mag-make up, hassle.

Ito na yun. Ito na ang araw na inaantay ko.

"Oh ano? Uy, Shani!" itinulak ko ang mukha ni Chloe na medyo malapit at tinignang muli ang repleksyon ko.

Hindi pwedeng pumalpak ako. Ng dami ko ng naggawa at sinakripisyo para dito. I'll steal Theo. Ay,hindi. I'll get him. Akin naman siya.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Paano kung tumanggi na naman siya? Paano kung piliin niya si Camilla? Napalunok ako.

Nahihibang na ata ako. Hindi naman ako nahihiyang mapahiya. I've done worse. At hindi ako ang mapapahiya...dahil ako ang pipiliin.

Pumikit ako at hinarap si Chloe. Alam kong kahit baliw ang mga plano ko ay sa akin siya kakampi sa huli.

"Chloe,ganito...uhm. I'll ask Theo. And this time in front of Camilla. At gusto ko perpekto ang lahat. " umiling siya.

"Ano? Are you crazy? Sila na ni Camilla. This is not a good idea. In fact,everything! Bakit pa kita hinayaan kasi!" pagod ko siyang tinignan.

Ngumuso na naman siya tanda ng pag-iisip o panghihinayang. Maputi siya at kasing tangkad ko. Marami kaming pagkaka-pareho naiiba lamang ang straight at bagsak kong buhok sa beach waves niya.

"They're not married yet. So it's easier. At isa pa,even though they're married..." binatukan niya ako at padabog akong iniwan sa ladies room.

I can't blame her. People make stupid choices. And me, being smart did not even think twice. Kasi sure ako. I am willing to take the risk. This is a sure bet for me.

"Theo.." ngumiti ako sabay harap nila sa akin. Yes, he is holding her hands in front of me.

Pain is nothing. I can handle it.

Breathe,Shahani. Breathe. Relax.

"Oh,Shani? Do you need anything?" kagat-labi akong tumango sa kanya. Tumama ang paningin niya sa labi ko. I smirked.

"Uh.." bago ko pa madugtungan ay nag-ring na ang bell hudyat ng pagbabalik ng students sa kanya-kanyang assigned rooms.

"Babe,may next class pako. Alam mo naman si Miss Soliva." sumulyap siya kay Camilla at tumango bago tumingin sa akin.

"Later,Shani. I need to walk Camilla to class. Uhm..sige." akmang tatalikod sila ng binulong ko iyon.

I can't believe myself! Where's your confidence now?

"Break up with her."

No regrets.

Dahan-dahan silang humarap sa akin. Shock and mortification painted on their faces. Especially on Theo's.


Note:

I am a student. First story. The updates will be longer on the next chapters. Thank you for your time. :)

-A

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon