Chapter 2:Hundred Evil Soul's Parade V

1.1K 68 3
                                    



Nakatitig lang ito sakin na tila may gusting sabihin ngunit hindi nito magawa. 

Lumipad ito patungo sa kanan ko kung saan may patong patong na bangkay na nangangalingasaw sa baho at nabubulok na.

Since simula pa lang ng apocalypse ay marami na akong nakita na dugo at pagkamatay. Sanay na sanay na ko. Manhid na din ako sa amoy.

Ngunit iisa lang naman ang tanong ko sa sarili ko.

Tao pa ba ko?

Sa sobrang kamanhidan ko hindi ko maramdaman na tao pa ako.

Pero dahil lang siguro ito sa mataas kong intelligence kaya madali kong matanggap at maadopt ang mga nasa paligid ko.

Pero deep inside...

.

.

Nagiging palusot ko na lang ito sa sarili ko.


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Mabilis nitong kinakain ang mga bangkay sa paligid hanggang sa nabusog siya at lumipad pabalik sa ako. Almost 4 hours ang lumipas bago siya makuntento. At first, I was grossed by it but when I thought that in the future I need to nourish this mother fucking head that can help me to keep my life intact nawala ang pagkadiri ko dito.

It's a must that I need to steel my mind more.

This world...

My own world...

Turned to a something that weak minded...

.

.

.

cannot live in.

Hindi ko alam kung saan napupunta ang kinain niya but kitang kita na may naging epekto sa kanya. Mas lalong lumalim ang pagkaitim ng mata niya at mas naging denser ang death aura na pumapalibot sa kanya.

Kailangan kong bilisan ang paghahanap ko sa pamilya ko dahil habang tumatagal lumiit ang chance na makasurvive sila.

Nasa phase 1 pa lang ako ng village...

 Ang buong village ay may apat na phase at ang bahay namin ay nasa Phase 3.

Naglakad na ako patungo sa phase 2 at the same time I'm being vigilant. Hindi ko alam kung kailan magpapakita ang monster boss but I'm confident na kaya kong makipagsabayan sa kanya.

Nang mapansin ni Alpha na naglalakad na ako ay agad naman itong lumipad patungo sa akin upang sumunod.

Habang naglalakad kami napansin kong walang nalapit na zombie. Noong una akala ko dahil sa class ko pero hindi pala. Biglang nag-change direction si Alpha at nang papalapit na ito sa zombie ay
nagtakbuhan ang mga ito palayo. May isa sa mga ito  na bago makatakbo ay nakagat agad ni Alpha at dahan-dahang nginuya-nguya.

Mas lalong lumaki ang confidence ko ng makita ko ito. Inutusan ko si Alpha na mauna sa paglalakad upang lumayo ang mga zombie.

Sa daan may mga hell hounds na lumalapit para atakihin kami pero isa isa lang silang pinagkakain ni Alpha. May mga chance na kailangan kong gumalaw dahil hindi naman niya kayang kalabanin ang maraming hell hounds.


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Pagdating ko sa phase 2 may mga 9 na hell hounds ang umambush sa amin. Medyo nahirapan kami sa paglaban sa mga ito pero nakaligtas pa din kami dahil sa heal ko na puwedeng gamitin kay Alpha at ang lesser healing potion.


<Level Up!>


Hindi lang iyon, dahil sa encounter namin sa ambush na ginawa ng mga hell hounds mabilis akong nakapaglevel up.

Pero kahit anong gawin kong pag-iisip na masasanay ako ay  hindi ako masanay-sanay kay Alpha.

Isipin mo naman naglalakad ka tapos ang makikita mo sa unahan ay isang ulong nalutang na may subo-subo na zombie o hellhounds. May time pa nga na lilingon ito sakin at ngingiti habang may nakalawit na hita sa bibig.

Nakakakilabot!!!


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Dahil nga sa mabilis na lumalayo ang mga zombie sa amin dahil kay Alpha inabot lang ng 6 na oras ang aming paglalakad papunta sa phase 3. Maraming chances na ina-ambush kami ng mga hell hounds pero nakakaligtas pa din kami dahil habang nakain ng nakain si Alpha lalong humahaba nang humahaba at tumitilos nang tumitilos ang kanyang mga ngipin. Humahaba din nang humahaba ang kanyang puting buhok na tila kapag ikinumpara sa akin ay hanggang bewang ko na din. Mas naging denser din ang death aura na nakapaligid sa kanya na parang may itim na mantika ang pumapalibot sa kanyang buong ulo hanggang sa kadulu-duluhan ng hibla ng kanyang buhok.

Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko na ang street sign na "Narra St.".

Dahan-dahang nagflash back ang alaala ng kabataan ko.

Parang kinukuyumos ang aking puso.

Tila pinipiga sa sakit.

Sa pag-aalala.

Tumakbo ako.

Tumakbo ako ng napakabilis sa abot ng makakaya ko.

Dahil kapag hindi ko ito ginawa parang mamamatay ako sa sobrang pananakit ng pagpiga ng pag-aalala sa dibdib ko.

"Lord, halbor na 'to. Iregalo mo na ito sakin. Sana ayos lang sila!"

Sa unang pagkakataon since nagsimula ang apocalypse ito ang pinaka-unang beses na dasal ko.

.

.

.

Sana ayos lang sila.

.

.

.

Pero deep inside...

.

.

.Alam ko...

.

.

.

.Na since pagpasok namin dito sa village ay wala pa kaming nakikita na survivor...

.

.

.

Alam ko na napakalaki ng chance na wala na din sila...

.

.

.

Wag naman sana.

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon