Love and Rain ( One-Shot )

35 7 3
                                    

Author' s Note:

Hi Guys! This is my first ever one-shot story. I hope you like it. Just comment down below for story suggestions or questions and please vote if you like it. Please read my other stories na rin po if you have time and if you'd like to. Thanks po!

Characters:

Sehun as Kiro

Nana as Claudie

--------------------

Claudie' s POV

Nasa school ako ngayon. Recess time kaya nasa Library ako, as usual. By the way, I'm Claudie Zane Rocafort Fontanilla. I'm a 4th Year High-School Student. Fifteen years of age. Loner ako. I don't want friends. May mga kaibigan ako dati pero ngayon, wala na. Di naman kasi sila mga tunay na mga kaibigan.

---Flashback---

First day of school ko noon. Actually, 2nd year high-school ako that time. Mahilig ako magbake ng cookies, cakes, and breads. One time, nagdala ako sa school ng tatlong ensaymada para makain ko sa recess. Matakaw ako pero di ako tabain kaya ayos lang sakin ang kumain ng madami.

Nagring na ang bell namin at oras na ng recess. Kinuha ko ang baon kong ensaymada na nakalagay sa tupperware.

Pagbukas ko ay tinikman ko agad ito dahil takam na takam at gutom na gutom na din ako. Pero bago ko pa ito isubo ay may pumunta sa harapan ko at ngumiti silang apat. Dalawang babae at dalawang lalaki.

Panira sila ng moment, isusubo ko na sana eh. Alam ko naman na may balak lang silang masama kaya andiyan sila o kaya naman may kailangan lang.

" Hi. " Sabi nung isang babae. Siya ata yung si Pia. Nakangiti ito sa akin. Anak ng tinapa! Ano ba naman ang kailangan nila?

Ngumiti nalang ako sa kanila at nagpatuloy sa pagkain ng ensaymada ko. Gutom na ako eh.

" Wow. Ensaymada? Pwedeng pahingi? Gutom na din kasi kami at puno ang pila sa canteen kaya di kami makabili. Kung ayos lang sa'yo. " Sabi ni Cedric. Hays. Ano pa bang magagawa ko? Mabait naman ako eh kaya binigyan ko sila ng dalawa at baka pag isa lang binigay ko, mauntian pa sila dahil apat sila.

Kumain kami. Matapos naming kumain ay ngumiti sila sa akin at sinabi...

" Thanks. It's so delicious. Where do you buy it? " Tanong ni Gina. Duh? Ako ang naggawa niyan noh.

" Ako ang naggawa nito. " Walang buhay na sagot ko.

" Wow ha. Ang sarap mo magbake. Sana next time ulit. " Sabi ni Ethan. Aba't ginawa pa akong baker.

Tumango nalang ako at ngumiti ng di tunay, plastik. Aba't nakakairita kasi at ginawa pa akong baker ng mokong na 'to.

" Can we be friends? " T-tama ba ang narinig ko? First time na may makipagkaibigan sa akin. Di ko inakala na may ganto pa palang tao sa mundo na makakapansin sa akin.

Wala naman sigurong masama at mawawala kung makikipagkaibigan ako sa mga 'to. Mukha naman silang mababait.

Nakipagkaibigan ako sa kanila. Simula nuon, lagi ko na silang pinagbabake. Pero dahil sa isang bagay kaya di na ulit ako nagbake.

Nasa Comfort Room ako noon ng marinig ko yung apat na nag-uusap sa labas ng C.R.

" Kung di nga lang masarap magbake yang si Claudie, di ko na siya ginawang kaibigan. Ang cheap niya kaya. Masyado siyang pabida lagi. Teacher' s pet. "

May kung anong kumirot sa puso ko pagkatapos ko yun marinig, simula 'non, di na ako nagbake at di na ako nakikipagkaibigan kahit kanino.

--- End of Flashback ---

Love and Rain ( One-Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon